CHAPTER EIGHT

6.1K 107 2
                                    

"APO, ayos ka lang ba?" tanong ni Lolo Badong kay Mark.

Napakurap siya sabay tingin dito. "Opo." Sagot niya.

"Mukhang wala ka sa sarili mo, kanina ka pa naming napapansin. May problema ba?" tanong naman ni Lola Dadang.

Napabuntong-hininga siya. Halos hindi kasi siya nakatulog noong nagdaang gabi, pag-uwi nila ni Kim galing sa date nila. Mukhang galit kasi ito sa kanya. Hindi niya alam kung alin sa dalawa ang kinakagalit nito sa kanya. Ang pagtanong niya tungkol sa ex-boyfriend nito? O ang biglang pagdating ni Mildred at pagpi-flirt nito sa kanya? Pagdating kasi nila doon sa Tanangco. Nagpasalamat lang ito sa kanya ng nakapormal ang mukha pagkatapos ay pumasok na ito agad sa bahay nila ng hindi man lang siya nililingon. At gusto niyang iumpog ang ulo sa pader dahil sa kapalpakan nila. He planned for that date for so long just to be perfect. And it's almost perfect. Pero hindi niya alam kung bakit pa niya naitanong dito ang hindi dapat. Nasira tuloy ang gabi nito.

Kinuwento niya sa mga ito ang nangyari nang nagdaang gabi. Sabay-sabay na napailing at pumalatak ang mga ito.

"Sorry Pinsan, pero, ang engot mo!" sabi ni Miguel.

"I know right." Sang-ayon ni Marvin.

"Ang mga bagay kasi na bahagi na ng nakaraan, hindi na dapat inuungkat. Right, babe?" dagdag pa ni Marisse, sabay baling sa nobyo nito.

"I agree. Mabuti sana kung hindi rin nagpapakita ng interes si Kim sa'yo. Eh kaso, kitang kita naman na gusto ka na rin niya." sang-ayon ni Kevin.

"Wrong move," sabi pa ni Wesley.

"I know! I know, okay? Kailangan talagang ipagdiinan ang pagkakamali ko?" naiiritang sagot niya sa mga ito.

"Kasi naman, huwag pairalin ang selos. Ikaw na ang present ni Kim. At iyon, bahagi na lang ng nakaraan. Hindi mo na kailangan makipag-kumpetensiya doon sa taong 'yon." Komento naman ni Karl.

"I can't help it. Alam kong iyon ang first love niya."

"Imbes na iyan ang isipin mo. Kung ako sa'yo, ngayon pa lang, mag-iisip ka na kung paano ka babawi sa kapalpakan mo." suhestiyon ni Daryl.

"Huwag kang mag-alala, pinsan. Kasama mo kami diyan, suportahan ka namin." Singit ni Wesley sa usapan.

Napaisip siya. Ano nga kaya ang magandang gimik para matuwa si Kim at patawarin siya nito?

"Hindi ba't tradisyonal kang nanliligaw kay Kim?" tanong ni Lolo Badong.

"Opo." Sagot niya.

"Bakit hindi mo haranahin?" suhestiyon ng Lolo niya.

Nagkatinginan silang magpi-pinsan. Kapwa sila napangiti.

"Magandang ideya 'yan, ganyan ako kung suyuin noon ng Lolo ninyo, lalo na kapag nagtatampo ako sa kanya. Hinaharana niya ako." Sabi pa ni Lola Dadang.

"Tama si Lolo, dude. Ginawa ko rin kay Nicole 'yan noong nasa Batanes kami. Uubra 'yan!" sang-ayon naman ni Glenn.

"Sabihin mo lang kung kailangan mo ng back-up singers, marami kami dito." Sabi naman ni Wayne.

Napangiti siya ng wala sa oras. Isang malaking kagaanan sa loob niya na malaman na suportado siya ng buong Pamilya sa panliligaw kay Kim. Bigla tuloy niyang naisip. Kapag sinagot na siya ng dalaga, agad niya itong dadalhin sa Pampanga para ipakilala sa mga magulang niya.

Car Wash Boys Series 10: Mark Manuel MenesesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon