Hello everyone! I believe I mentioned last Monday that I will tell you something important today. So, eto na 'yon. This is actually a semi-confession as well on what happened to me since last December.
I will finish all my on-going stories this weekend. Pagkatapos, magiging once a week na lang ang update ng mga bagong kwento na ia-upload ko dito. Because I will start working on a Call Center Company on Monday, I mean, Orientation & Training ko na this week.
Sa mga magtatanong, magsusulat pa ba ako?
The answer is, YES. I will find time to write.
Alam ko na hindi madali pero sisikapin ko. Marami pa akong gustong isulat. Iyong kuwento ng Twins at Quadruplets from Rapid. I still have more stories to upload here on Wattpad like 'yong last 2 books ng Car Wash Boys. Kinailangan ko na kasing magtrabaho dahil hindi na ako kayang buhayin ng pagsusulat lang. I have to make a choice. And choose to live, because Depression and Anxiety are starting to kill me alive, slowly. It already affects my writing. And I've been struggling and fighting the urge of suicide since December 21 up to December 31. I have to save myself from myself.
And I know one of the ways to distract myself is to go out of the 4 corners of this room and go out of my own world. Kailangan hindi na lang sa pagsusulat umikot ang buhay ko. I still want to enjoy life and try to find happiness again. Ayokong dumating sa point na mawala ng tuluyan ang passion at pagmamahal ko sa pagsusulat, that's why I decided to step back for a while and breathe and live. And eventually, when I saved enough money, I will seek professional help.
Again, magsusulat pa ako. Hindi ako hihinto. If there's a good thing that depression and anxiety brought me. That's when I realized how much writing means to me. It's my passion. It's the love of my life.
Uulitin ko, magiging once a week na lang ang updated ng mga bagong stories na ia-upload ko in the future. Kung anong araw, hindi ko masasabi, hindi ko pa alam ang schedule ko. I will keep you guys posted. And I hope you understand.
Thank you so much.
~JA💜
*****************************************************************
MANGHA na napatitig si Kim sa sariling repleksiyon niya sa salamin. Halos hindi niya nakilala ang sarili. Siya mismo ay napanganga sa hitsura niya. Agad na tumakbo sa isipan niya kung ano ang posibleng maging reaksiyon ni Mark kapag nagkita sila sa ilang saglit lang.
Iyon ang gabi ng unang date nila. Pasalamat siya ng malaki sa Tatay niya dahil pumayag ito, sa kondisyon na hindi sila kailangan abutin ng hatinggabi. Naroon si Marisse at Sam sa loob ng kuwarto niya, ang mga ito ang tumulong mag-ayos sa kanya. Si Marisse sa make-up, si Sam sa buhok. Habang si Nicole at Kamille naman ang namili ng suot niya. It was a brown dinner dress. Medyo mababa ang neckline niyon ngunit hindi expose ang dibdib niya. Hanggang tuhod ang haba niyon at may kaunting manggas, simple lang ang tabas at disenyo ng damit na iyon. Medyo mataas din ang suot niyang sapatos, habang ang buhok naman niya ay simple lang din ang pagkakaayos.
"Look at you, dear. You're so beautiful." Bulong na puri sa kanya ni Marisse. Nasa magkabilang gilid niya ang mga ito at tinitigan siya mula sa salamin.
"And wait till Mark drop his jaw." Sabi naman ni Nicole na nakatayo sa mula sa bandang likuran niya. Nakamasid din ang mga ito mula sa likod.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 10: Mark Manuel Meneses
RomanceNoon pa man ay naiirita na si Kim kay Mark, ang kapitbahay at pinsan ng kaibigan niya. Sa tuwina na lang na may gusto siya ay palagi nitong kino-kontra. Ang mas kinaiinis pa niya dito ay parang hindi ito nagsasawa sa pang-aasar nito sa kanya. Hindi...