"GOOD morning, Tanangco!" malakas na sigaw niya pagbukas niya ng tindahan.
Hindi alam ni Kim kung anong klaseng espiritu ang sumapi sa kanya sa umagang iyon. Pero iyon na yata ang pinakamasayang umagang nagisnan niya. Alam niya ang dahilan ng kasiyahan niyang iyon. Dumako ang mga mata niya sa taong dahilan ng lahat ng iyon. Napangiti siya habang pinagmamasdan mula sa loob ng tindahan niya si Mark. Abala ito sa paglilinis ng kotse.
Nakapagdesisyon na siya. Matapos ang ginawa nitong panghaharana sa kanya. Matapos ang lahat ng paghihirap nito sa panliligaw. Ang pagpapatunay sa pagmamahal nito para sa kanya. Wala na siyang nakikitang dahilan para hindi ito sagutin. She loves the man she used to hate. And she can't imagine another day without him.
"Ang saya mo naman!" puna sa kanya ni Sumi .
Nakangiti pa rin na nagkibit balikat siya. "Well, I know right," sagot niya na sadyang inartehan ang boses.
"Pengkum lang, 'te? Ang mga ngiti mo, talagang abot hanggang batok," sabi naman ni Jhanine.
"Nakabuhol na nga eh," dugtong ni Sam.
"Tse! Huwag kayong basag trip ah!" sabi niya sa mga ito.
Lumapit pa ng husto si Marisse sa kanya. "Umamin ka nga, kayo na no?" pang-uusisa pa nito.
"Hindi no!" mabilis niyang sagot.
Isang may pagdududang tingin ang pinukol sa kanya ni Nicole. "Weh? Mapagpanggap ka? Kung hindi pa kayo, bakit napakasaya mo?" tanong pa nito.
"Eh kasi nga in love 'yan!" Sabi naman ni Kamille.
"Ah! Alam ko na, sasagutin mo pa lang siya!" panghuhula pa ni Laiza.
Lalong lumapad ang mga ngiti niya. Bilang sagot sa tanong nito.
"Ah, ayun naman pala. Na-impatso na pala ang puso mo sa pagmamahal ni Mark. Eh di naniwala ka na sa amin? Padeny-deny ka pa diyan, obvious naman na may gusto ka na sa kanya noon pa," pambubuking naman ni Razz sa kanya.
"Hoy! FYI! Hindi ako aware noon!" pagtatanggol niya sa sarili.
"Weh! Echusera!" sabi naman ni Marisse.
Mayamaya, biglang dumating ang Nanay niya na may dalang isang maliit na bilao ng kakanin. "Kimberly," tawag nito sa kanya.
"Po!"
Inabot nito sa kanya ang hawak. "O, binili ko 'yan kanina doon sa kumare ko na may puwesto sa palengke. Ibigay mo kay Mark," sabi pa nito.
"Masarap po ba 'to, 'Nay? Baka mamaya mapahiya tayo!" wika niya.
"Anak, ipupusta ko ang dalawang kilay ng Tatay mo. Masarap 'yan!" sabi pa nito.
Natawa siya. "Bakit naman kilay?"
"Eh kasi laging salubong ang kilay," sagot nito na lalo niyang kinatawa.
"O siya sige, ibigay mo na 'yan doon. At ng makain na nila 'yan."
"Sige po."
"Gandahan mo ang pagngiti, ha?" biro pa sa kanya ni Sam.
"Ingat sa pagtitig sa abs!" dugtong naman ni Razz.
"Baka tumulo ang laway," sabi pa ni Laiza.
"Oh, huwag kalimutan kumendeng!" pahabol ni Marisse.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 10: Mark Manuel Meneses
RomantikNoon pa man ay naiirita na si Kim kay Mark, ang kapitbahay at pinsan ng kaibigan niya. Sa tuwina na lang na may gusto siya ay palagi nitong kino-kontra. Ang mas kinaiinis pa niya dito ay parang hindi ito nagsasawa sa pang-aasar nito sa kanya. Hindi...