Chapter 1

55 4 0
                                    

"Prepairing for take off.." In that moment, the hologram started to count. "Ten, nine, eight, seven, six.." Everyone is looking at the rocket that were being sent to the planet Ceres.


The family of those who are inside the rocket were emotional. Masisisi ko ba sila? Kahit araw-araw itong ginagawa ng Earth, you cannot swipe away the fears of everyone. There are some instances that the Unknown Living Creature or also known as ULC, were threatening us. Gusto nilang masakop ang mundo, kaya sinusubukan nila. Marami na ang namatay, at mamamatay paglaon. It's been a while since the Earth's Government have fought thousands of ULC. They have managed to kill the King of ULC, but not the Queen.


The rocket started to flew away, leaving thick ashes that comes from its engine. We were waving at them, saying goodbye.


Kahit wala naman akong kilala o kamag-anak sa nasa loob ng sasakyang panghimpapawid na iyon, nababahala pa rin naman ako. Pinadala sila roon para labanan ang banta ng mga ULC sa kalawakan, at wala nang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba sila.



All I wanted was to live a normal life. Working for my family, and for myself. Not worrying about those species that might attack us at any moment. Kaso, sino pa ang pagt-trabahuhan ko?



Inubos na nilang lahat ang pamilya ko.



Ang trahedyang kumitil sa maraming tao sa mundo, kasama na rin ang mga pinakamamahal ko.




Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang klase ng buhay ang mayroon noong nakaraan. Kung mapayapa ba, walang bantang nanggagaling sa kalawakan. Hindi iyong magigising ka ng nagkakabarilan na sa banayad na kulay na asul ng langit, na unti-unting nagiging itim dahil sa ginagamit nilang armas.




Halos walang laban ang mundo namin, kaya uma-umaga ay makikita mo ang mga taong nagkukumpuni ng mga nasirang kagamitan sa pakikipaglaban. Ang pwersahang pagkuha sa mga lalaking anak upang gawing sundalo, na ikinamamatay rin naman nila kalaunan. Kahit sa ensayo, may nasasawi na. Paano pa kaya kapag humarap na sila sa mga ULC. Na di hamak na mas sanay sa kalawakan. Kalkulado ang mga susunod na gagawin.


Bakit nga ba tayo sinasalakay?



Tayo ang sumira sa mundo, ang patuloy na sumisira sa mundo. Kaya gusto nang sakupin ng ULC ang lupang tinatapakan natin. Hindi pala lupang tinatapakan, nilulutangan na. Isang libong taon na nang matanggalan ng gravity ang mundo, na mas lalong ikinahirap ng mga tao.



Ni hindi ko nga rin naabutan ang mga hayop, halaman, at sariwang hangin. Ano kayang pakiramdam na dulot sa mga henerasyon ngayon kapag nakakita ng mga iyon, ano? Siguradong nakakatuwa. Lahat kasi ng inaasahan naming makita ngayon, wala na lahat. They disappeared. Who's fault? Humans.



The plants, trees, air, and animals now at 3200 are all artificial. Made by the robots. But they can't put color on it. Sa madaling salita, nasa hologram nalang ang mga ito, nakikita ngunit hindi nahahawakan.



Ang makikita mong kulay ng paligid ay pilak, puti, at itim. Maging ang kasuotan namin. Bakal. Isang uri ng espesyal na bakal na hindi mabigat, at malambot na maaaring tahiin pa rin ng mga nagt-trabaho sa pabrika upang makagawa ng iba't-iba pang kasuotan.



Ang lahat ng tao ay may kani-kaniyang hologram sa wrist, ginagamit iyon para sa komunikasyon. And the people now in 3200 has a chip inside their heads. Maging ako, ay mayroon rin. Inilalagay iyon paglabas mo sa sinapupunan ng iyong Ina. Kaya lahat rin ng tao rito sa mundo, may peklat sa ulo.



The Last Living Girl Where stories live. Discover now