Chapter 8

21 4 0
                                    

I woke up next day, feeling heavy. Magkakasakit siguro ako nito. Nandito pa rin kami sa resort ng presidente, kung saan may nakalaang kwarto para sa amin ni Rio. Pero bukod kami huh!

Nang bumaba ako sa hagdan, feeling ko matutumba ako kaya napapakapit ako sa hawakan ng hagdan. Tapos, dinig ko naman sa kusina ang pagtsk-tsk nitong si Rio, siguro sense na niyang masama ang pakiramdam ko.

"Sinong nag-inom, tapos dadaing?" Pakantang sabi ni Rio habang naglalagay ng niluto niya sa mangkok. Naalala ko tuloy noong vinideohan ko siya,

Ipakita ko kaya?

Ay, wag na muna. Surprise na lang.

"Manahimik ka nagdidilim paningin ko," Ani ko at dahan dahang naupo sa upuang malapit sa lamesa. Kaunting galaw lang kasi, kumikirot na iyong ibang parte ng katawan ko. "Pahingi nalang ako niyan."

"Bakit ka pa bumaba?"

"Malamang, nagising ako at nagugutom!" Inis na sabi ko. Ahhh! Ang sakit na nga ng ulo ko e, "Pahingi rin ako ng tsaa."

"Sa susunod wag ka nang iinom ha! O kung iinom ka man, magsuka ka sa C.R, hindi sa damit ko!" Sabi niya at inilapag na sa lamesa ang dalawang mangkok ng lugaw. "Labahan mo iyon," Banta niya pa.

"Rio naman!" Angal ko. Tumawa naman siya at naupo na rin. "Nasukahan kita? Kailan?"

"Kahapon noong naabutan pa kitang tulog sa labas!" Saka siya kumain. "Biro lang. Hindi ko ipapalaba sayo iyong damit." Sabi niya. Saka siya lumapit pa sa akin. "Akin na nga, tingnan natin kung may lagnat ka!" At idinampi niya ang likod ng palad niya sa noo ko.

"Bakit ka ba naninigaw, ha? Mamaya na! Kakain muna ako!" At kinain ko na rin ang umuusok-usok pang lugaw. Pero siya, patuloy pa rin sa pagtingin kung mainit ba ako.

"May lagnat ka nga. Mapula rin ang ilong mo e." Aniya't pinisil ng mahina ang ilong ko. "Iinom kang gamot mamaya."

"Ano!? Ayoko, ayoko nga. Mapait!"

"Pait mo mukha mo, para mabilis kang gumaling." Sabi niya at inubos na ang lugaw na kinakain. "Tapos ka na ba? Akina," Inabot ko naman ang mangkok sa kaniya at tatayo sana upang kumuha ng baso pero pinigilan niya ako. Siya nalang raw.

"Inumin mo na," Utos niya. Eto ako't nakikipagtitigan pa rin sa paracetamol na kulay asul. Hindi ko talaga mainom, nanginginig ang kamay ko.

"Isa," Aah naman ih, nagsimula na siyang magbilang!

"Pag nakatatlo ako Ceri, alam mo na." Kaya naman shinoot ko na sa bibig ko iyon at hinanap ang tubig sa lamesa. "Akina!!" Nang makita kong hawak iyon ni Rio at itinataas-taas. "Dali, mabibilakuan na ako." Tila naalarma naman siya sa sinabi ko at binigay na agad sa akin. "You're goin' to kill me."

"Tataas na ako Rio."

"Okay, just tell me when you need anything." Aniya.

Pagpihit ko palikod, doon ako nakaramdam ng sobrang hilo. At ang alam ko, matutumba na ako pero may sumalong mga bisig sa akin.

"Ceri!"

And then everything went black.

---

"Epekto lang ito ng pagkakaroon ng pagababago sa sistema ng katawan niya. Her body is still adjusting, so you don't need to worry Mr. Wilford." Iyan ang mga salitang narinig ko matapos maalimpungatan at maramdaman, na may humahawak sa dulo ng mga daliri ko. Para bang pinaglalaruan ito.

"I-I'm not worried!" Rio exclaimed. Avoiding the doctor's gaze at him.

Naramdaman siguro ng doktor ang paggising ko kaya bumaling ito sa akin at ngumiti.

The Last Living Girl Where stories live. Discover now