"B-Bakit... Gaile?" Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutukan ng baril, pero mabilis namang aaksyon sana si Rio ngunit tinutukan rin siya ng baril ni Gaile kaya agad siyang napaatras.
"Gaile, calm down. Ano ba ang gusto mo?" Mahinahong tanong ni Rio sa kaniya. Pag-ngisi ang isinagot sa kaniya ng kaharap ko saka muling itinutok sa akin ang hawak niyang baril.
"Sinple lang. Gusto ko siyang patayin para makuha ang chip na nasa ulo niya," She said. "Para ako na ang maging pinakamalakas sa lahat." Dagdag niya pa at inilapit pa lalo sa akin ang baril.
"G-Gaile, please listen----"
"Ano na naman!?" Galit na tanong niya na nagpagulat sa akin. "Makikinig na naman ako sa iyo pero ano, nasa iyo pa rin ang atensyon ng lahat ng tao?! Ayoko na, nakakasawa ka maging kaibigan!"
And that moment, tears rolled down her cheeks.
"Mula pagkabata natin, ikaw nalang ang palaging napapansin! Bakit, dahil anak ka ng isa sa matataas na opisyal sa gobyerno? Bakit, dahil malakas ang kapit mo?" Nanggagalaiting aniya. "Hindi ko alam, ginawa ko naman ang lahat para maabot ka! Ginawa ko..." Antala niya. "Pero na-realize ko na hinding-hindi mangyayari iyon kung nabubuhay ka pa!" Galit muli niyang sabi.
I've known Gaile for being much talkative, siya na ang nakasama ko mula pagkabata ko...
Pero, sapat bang gawin niya ito sa akin? Ang patayin ako?
Makuha lang ang kaniyang gusto..
"Hmm, sana plinano mo iyan nang hindi ako kasama." Biglang singit ni Rio na ngayo'y kapit-kapit na ang leeg ng ganid kong kaibigan, matapos niyang sipain ito sa kamay para tumalsik ang baril, at mapangiwi sa sakit. "I have a big respect to womens, pero kung ganito naman ang sitwasyong malalagay sa piligro ang buhay ng taong mahalaga sa akin, Aba. Ibang usapan na ito."
*Dug* *Dug*
*Dug* *Dug*
He did stunned my little heart.
Pero pilit ko na muna iyong iwinaksi, nasa gitna kami ng tension.
"Hindi ko palalagpasin ang pangt-traydor mo kay Ceri," Sabi niya at tinawagan ang mga tauhan ni Mr. Waltz.
Ilang minuto ang lumipas, mabilis na dumating ang mga ito pinosasan si Gaile. Kasama rin nila si Mr. Waltz, na halatang dismayado sa ginawa ng pinili kong makasama rito.
"W-Why are you doing this---Wala kayong pruweba! Ni wala kayong--"
"Monitored namin kayo, bago pa lang kayo pumasok rito sa resort ko." Ani ng presidente at tumingin sa akin. "Tiyaka iyong sinabi niya sa iyo." Tataas-taas ang kilay na baling niya sa akin habang inginu-nguso rin si Rio. Siya naman nitong pag-iwas ng tingin, namumula!
"But even if you try to end her life, I am happy to say na hindi ka rin magtatagumpay. Her reflexes is 10x advance kaysa sa iyo, kaya baka ikaw pa ang malagay sa peligro kung itinuloy mo ang iyong balak. Mabuti nalang, mabait itong si Ms. Blue-Golden Ten." Nakangiting sabi niya sa akin. "Mananagot ka pa rin."
---
"Hmm, pahingi pa ako."
"Tama na, Ceri! Nakakadami ka na."
"Last na, promise." Pangungulit ko sa katabi ko. Kasalukuyan kaming nasa resort pa rin ng pangulo, nagsi-siyesta. Sila na ang bahala kay Gaile, nagsisisi akong naging kaibigan ko siya.
"Hindi!" Aniya at inilayo ang alak mula sa akin. Busangot naman ang mukha ko, saka ngumuso.
Ilang minuto ang dumaan at nakatingin lang kami sa papalubog na araw, habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Pati simoy ng alak.
YOU ARE READING
The Last Living Girl
General FictionWhat would it feel living in 3200? Is it much enjoyable because the technologies were much upgraded, or is it much miserable because of the danger from the space? Aren't you amaze? Ceriguap always thought for being in a normal life, even though the...