Daan-daang sundalo ang bumungad sa akin nang makalabas kami ni Gray sa building kung nasaan ang opisina ko. Naroroon na rin ang ilang armas, na gagamiting pagpatay sa mga ULC's. Iba't-ibang klase, kaniya-kaniyang gamit, iba't-ibang puso ng mga sundalong handang mamatay para sa magiging pinakamalaking laban na kakaharapin namin. Handang magbuwis ng buhay para sa mga iniingatan,
Minamahal.
Hinding-hindi ako makakapayag na mauubos sila, na mamamatay silang lahat.
Lumakad na ako papalapit sa mga sundalong nakalinya, na kanina pa nakasaludo sa akin. Nakikita ko sa kanila ang takot, pag-asa, at tapang.
Sinaluduhan ko sila pabalik at plinano kung ano ang dapat gawin para sa pagsabak mamaya. Katuwang ko rito si Gray, na naging malaking tulong rin naman sa akin.
"Team Alpha, you'll be assigned to the west part of the ULC's. Since they're targeting middle, the Cophenon, I'll assign Team Bravo to the east part, Team Charlie to the south, and Team delta to the north." Ani ko habang kasalukuyang pinipindot ang screen sa hologram. "The Teams of Echo, Romeo, Juliet, and Yankee will be assigned to help the teams. This teams will be they're back up."
"Ma'am, What about the remaining teams?"
"The remaining teams will come with me, manggagaling ang atake natin sa ere."
"Gray will be assigned underground. Zebra, Lima, Victor. Kayo ang sasama kay Gray sa pagatake sa mga ULC's na manggagaling sa ilalim ng lupa."
"Ma'am yes, Ma'am!"
Napatingin ako sa orasan sa gilid ng screen,
13:01.
At exactly 15:52, the war will begin.
"Sa ngayon, since nakahanda na ang equipments, pumunta muna kayo sa inyong dorms. Magpahinga na muna kayo, regain your strengths. Hindi ito magiging biro. Kapag umugong na ang orasan, oras na ng labanan. Forces, Dismiss!"
"Ma'am thank you, Ma'am!"
Nakapila silang nag-alisan sa harapan ko at nagtungo sa kani-kanilang silid.
Doon lang ako nakaramdam ng biglang takot, ramdam kong binalot ng malamig na hangin ang buong katawan ko,
Pero hindi ako pwedeng gumanito.
"Ceriguap, pumasok ka na muna sa loob. Maiwan na muna ako at ich-check ko pa ang mga equipments kung wala bang sira." Ani Gray, tinapik niya ang balikat ko. "Kaya natin ito." Sabi niya, na tinanguan ko naman.
I don't know,
I can't explain.
Iyong pakiramdam na sa susunod na oras, bigla nalang matatapos ang buhay mo.
Nawala ang takot sa sistema ko nang nakita ko ang hologram wrist ko na nag-kulay dilaw.
Indikasyong may gustong tumawag.
"Ceri, Kumusta ka na?"
Ang boses niyang nakakapanghina ay umalingawngaw sa tenga ko, ang mga salitang nakapagpatanggal ng pagod, at takot ko.
"Rio.." Ani ko. Dahil baka maiyak na naman ako sa sasabihin o balak niyang sabihin, pumihit na ako patalikod at nagtungo pabalik ng building. "Ayos lang ako, Naghahanda na kami para sa laban, mamaya." Tugon ko.
"Kami rin, si dad ay kasama si Tito, tumutulong silang magkumpuni ng gamit na nasira na dati. At andito, AZI! mali iyong kabit sa turnilyo!"
YOU ARE READING
The Last Living Girl
General FictionWhat would it feel living in 3200? Is it much enjoyable because the technologies were much upgraded, or is it much miserable because of the danger from the space? Aren't you amaze? Ceriguap always thought for being in a normal life, even though the...