Chapter 3

21 4 0
                                    

Maghapon kaming nag-bilad sa tirik na tirik na araw noong sa oval na malapit sa bahay ni Tito. Isang linggo narin nang mangyari iyong unang isabak ako ni Rio sa ensayo. Hindi ko inakala na ganoon kalala ang magiging training ko! Biruin mo, 145 lapses ang pinagawa sa akin ng mokong na ito! Tawa pa ng tawa noong una, paano ba naman kasi, sinasabayan niya akong tumakbo papaikot. Mukha na raw akong mahihimatay, 28 lapses palang. Hindi na hassle dahil may stepping plate kami, iyon ang ginagamit namin para makatakbo sa oval. Makaikot. Nakalagay iyon sa high-speed dahil ang sabi ni Rio, mabibilis gumalaw ang mga ULC. Kaya, habol hininga rin.

Pero pinuri rin niya ako noong matapos ko ang pang 145 lapse. Ang nagagawa lang raw kasi nila ay 100 lapses. Kaya hayun, sa bwisit ko ay pinagbabato ko siya ng combat gears. Nakakainis, masyado akong pinahirapan!

May purpose rin naman raw iyong ganoon na karaming lapses sa training. Sa pagtakbo. Matutulungan raw nito ang lungs mo na lumakas. Sa una mahirap, pero kapag nasanay ka na sa araw-araw na ganito, mas lalakas na ang paghinga mo. Magiging sisiw nalang, kumbaga.

Tinuruan niya ako ng iba't-ibang klase ng paggamit ng armas laban sa ULC. Isa siyang baril na naglalabas ng lazer na kulay asul. Iyon raw ang pinakamainam na gamitin panlaban sa mga ULC. Dahil nasusunog sila roon. Ang tamang patama ng lazer ay dapat sa leeg, naroroon kasi ang weak-point nila. Malalaki rin ang mga ULC, hindi bababa sa 9ft. Kaya ang kailangan, lumipad ng mas maatas gamit ang stepping plate para maabot ang leeg nila.

Gumagamit rin sila ng Bomba at Cannon na naglalabas ng poison kapag naabot na nito ang target na mga ULC. Hindi ko nga maiwasang hindi mapatili kapag inihahagis ko iyon sa ere. Ang lakas kasi ng pagsabog. Pero hindi nila ako pinapagamit ng cannon, delikado raw.  Naglalabas kasi rin iyon ng mas nakakapanganib na poison kaya ang dapat na gumamit ay well-trained na force. Magagawa ko rin naman iyon, tiwala lang.

Si Rio pala ang assistant trainer ni Tito Jerwin sa mga Force. Kumbaga nakataas rin na rango. Kaya si Rio rin ang naga-assist sa akin, at sa iba pang Force.

Magaling siya, promise. Gamay na gamay na niya ang lahat, kahit anong larangan pa iyan basta patungkol sa mga ULC.

Gaya ko, namatayan rin pala siya ng mahal sa buhay kaya nagpursigi talaga siyang mag sundalo. Parehas rin kami ng iniisip, ang makaganti. Pero sinasamahan niya ng pag-iisip. Ako, puro galit lang.

"Kaya mali iyang pag-iisip mo, puro paghihiganti ng hindi nagp-plano." Sabi niya habang umiikot kami sa oval.

Walang training ngayon, ipinagpaliban muna ni Tito Jerwin para daw hindi naman masyadong occupied ng pageensayo namin ang aming utak. Trip lang talaga nitong si Rio ang mag-excercise ulit, kumain nga pala kami. Hehe.

"Oo na, susunod na po ako sa'yo, Master.." Ani ko at umaktong sinasamba siya. Umiling iling naman siya at napatawa.

"Mag-isang ikot na lang tayo, tapos sumama ka sa akin."

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko. Di naman ako niyaya nito e.

"Basta, hindi naman kita pababayaan."

*Dug* *Dug*

*Dug* *Dug*

"A-ah, sige." Ang abnormal ng puso ko!

Naaning ka na naman, Ceri e! Palagi naman siyang ganiyan diba?

Tama, tama.

Kahit nga noong nasa kalagitnaan kami ng training e,

Flashback

"One two three, Kick!"

"Hyaah!"

The Last Living Girl Where stories live. Discover now