Chapter 11

21 3 0
                                    

Umiiyak parin ako nang makarating ako sa airport kung saan nagiintay ang mga kasama ko. Wala akong ginawa buong isang oras kundi ang umiyak, ng umiyak, ng umiyak.

Ang sakit makita na iiwan ko si Rio habang ganon siya, pero bakit siya umiiyak? Kaibigan lang naman niya ako.

Kaibigan,

Lang.

Natanaw ko na ang mga equipments pang natira na gagamitin ko sa pakikipaglaban, indikasyong andoon na rin siguro si Mr. Waltz.

Hindi nga ako nagkamali nang makalapit ako, si Mr. Waltz ay nakatayo sa akin at kumakaway.


Siguro kailangan ko munang alisin si Rio sa utak ko. Kahit ngayon lang, Ceri.


Napansin ko rin na nasa kabilang parte ng mga gamit ko si tito Jerwin, kasama ang ibang mga forces na sasama siguro sa akin. Nakangiti siya sa akin,

Gusto kong tanungin si tito kung bakit hindi man lang niya pinigilan si Rio sa desisyon niya. Edi wala na akong tagabantay? Personal bodyguard?


"Malakas ka naman, hindi mo na kailangan iyon."

"Shut the fuck up, Azi." Ani ko. Kanina ko pa talaga nararamdaman ang presensiya niya, hindi lang ako nagpapahalata.

"Hija, ang mga equipment na ito ay pahabol lang, the forces will gonna carry it. Oh, by the way. You two knew each other?" Pagtatanong sa amin ni Mr. Waltz habang nakatingin sa amin ni Azriel. Napabuntong hininga naman ako at tumango, habang si Azi ay proud na proud pa habang nakangiti at nakaakbay sa akin.


"Mabuti naman at hindi na kayo mahihirapan sa pagkikilanan. Anyway he's the one who has special ability. Azriel Waltz." What? Waltz?

"Nagtaka ka pa, Ceri. Eh kamukha ako ng tatay ko." What the? Kaya pala medyo may pagka-palabiro rin itong si Mr.

"By the way, hija. Asan si Rio? Hindi ka ba niya sinamahan papunta rito?" Tanong ni tito, "Tiyaka bakit parang umiyak ka? Namumugto ang mga mata mo hija.." Dagdag pa niya na mas lalong nagpabigat sa dibdib ko.

Tito, kung alam niyo lang.

"N-Nakapag paalam na n-naman p-po ako," Utal utal kong sabi.


"Ms. Blue-Golden Ten, are you okay?" Tanong ng isa sa mga forces. Ngumiti naman ako at tumango. Kahit parang sasabog na ang puso ko.

"Tito p-pasabi nalang kay Rio na mag-ingat siya ha." Kahit naguguluhan, tumango nalang si tito at ginulo ang mahaba kong buhok.


"Mag-iingat ka hija. Aasahan namin ang pagbalik mo." Nakangiti niyang sabi.

"You should get going, and Azriel. Please, don't do anything stupid to Ms. Yanison." Nagbabantang sabi ni Mr. Waltz.

"Dad, Of course! Ako pa ba, mabait kaya ako. Let's G?" Aya na niya sa akin. "Bye Daddy!" Paalam niya pa kaya lumingon rin ako sa Presidente ay kay tito para kumaway. Saka naman nagsunudan ang ilan pang mga kasama naming force.

Pero bigla akong napahinto sa pag-akyat sa eroplano nang maramdaman ko ang presensiya ni Rio.


"What's the matter, Ms. Blue-Golden Ten?" Ani ng isang force na nabunggo ang balikat ko dahil sa pagtigil ko.


Nauna nang umakyat si Azriel sa eroplano at siguro nakaupo na rin iyon.

Pero si Rio, Ceri? Susundan ka?

Mukhang malabo. Hindi ka niya mahal, Ceri. You should accept it na.

Nagpasensiya nalang ako at bumaling nalang sa eroplano at tumaas rito. Kahit medyo nalulungkot talaga ako.

The Last Living Girl Where stories live. Discover now