II

170 4 0
                                    

Mas gugustuhin pa ng batang si Kit na magkulong sa kwarto niya kesa makihalubilo sa iba pero kararating lang nila at hindi pa naaayos ang kanyang mga kagamitan at inuna pa ng magulang niya ang mangapitbahay.

Nang iniwan siya ng kanyang ina ng walang pasabi sa sala kasama ang dalawang batang babae, parang gusto niyang maiyak sa kaba. He was never good at interacting with kids at his age.

His hand was grab by Reimi all of a sudden, she had a gleeful smile plastered on her face. It was too bright, it made him somehow uncomfortable. "Let's be friends!" hindi iyon tanong, it was more like a statement. "Um.. okay."

Walang bakas ng anino o presensya ang nasa likuran ni Reimi nang lumingon siya para yayain sana ang ate niyang makipaglaro sa kanila.

Umakyat muli si Ramona sa ikalawang palapag ng bahay nila at tahimik na tinatanaw ang kapatid niya at ang batang lalake na si Kit na nag uusap. "Nuod na lang tayo TV." Pag yaya ni Reimi.

May napansin si Kit na laruan sa sofa kung nasaan sila nakaupo, kinuha niya to at sinuri. Ang mga mata neto ay hindi magkapares, ang isa ay butones na tinahi.

May mga mantsa na hindi naaalis sa tela neto. "Sa ate ko yan, ang panget hindi ba?" saad ni Reimi nang napansin na nasa iba ang atensyon ni Kit. Umiling si Kit. "Hindi naman.." narinig iyon ni Ramona habang siya ay papalapit sa likuran ng sofa.

Nakalimutan niyang kunin ang teddy bear niya at nagulat siya sa sinabi ng batang lalake na to. "Ha? May sira ba ang mga mata mo?" hagikhik ni Reimi.

Hinablot ni Reimi ang laruan mula kay Kit at bago pa man niya ito maitapon, mabilis ang kamay ni Ramona sa pag dakma ng buhok ng kanyang nakababatang kapatid. Reimi shrieked in surprise and pain, napalayo bigla si Kit sa pwesto niya. "Sige, subukan mo!" bulyaw ni Ramona at inagaw kay Reimi ang teddy bear niya.

"Mama!" Sigaw ni Reimi na humihikbi, natigil ang tawanan sa kusina at lumabas ang ina nila Ramona.

Kahit hindi pa alam ng nanay nila ang buong pangyayari, ang mga matalim na tingin nito ay nakatuon kay Ramona. Tahimik na umalis si Kit palayo sa kanila at dumiretso sa kusina kung nasaan ang mga magulang niya.

"Ano na naman ba ang ginawa mo, Ramona?" umiiyak na hinagkan ni Reimi ang ina nila. Hindi nagpatinang si Ramona at nanatiling nakabusangot at masama ang tingin sa kanilang dalawa.

"Isusumbong kita sa Daddy mo ha, ikaw ang ate Ramona! Wag mong paiyakin ang kapatid mo." Lumabas lang sa kabilang tenga ni Ramona ang sinasabi ng kanyang ina. Her mother sighed, she had too much on her plate so she decided to let it pass. "Tara, kumain na tayo."

Araw araw nang bumibisita si Kit makalipas ang isang lingo sa kapitbahay nilang sila Reimi at Ramona. Sa pagsapit ng alas tres ng hapon ay makikita na si Kit na tumatakbo papunta sa bahay nila Reimi dala dala ang iba niyang laruan.

Pag nakakasalubong ni Kit si Ramona sa bakuran, ang lagi niyang tinatanong sa kanya ay kung nasaan si Reimi. Madalas ay hindi kumikibo si Ramona at nagpatuloy lang sa pagbungkal ng lupa gamit ang mga plastic na laruan niyang lutulutuan.

"Lagi ba kayong nag aaway ni Reimi?" tanong ni Kit, nagtataka kasi siya na kahit isang beses ay hindi tinanggap ni Ramona ang pagyaya ni Reimi na makipaglaro sa kanila. Tinutukan ni Ramona ng plastic na kutsilyo si Kit. "Ano bang pake mo?" masungit na saad niya.

"Kit! Tara rito!" Binalewala ng batang si Kit ang pakikitungo ni Ramona sa kanya nang tinawag na siya ni Reimi.

Paulit ulit ang ganitong eksena pagkatapos ng kanilang klase, pag hindi agaad nakikita ni Kit si Reimi, kinakausap niyang sandali si Ramona. "Bakit ang sungit mo?" tinapunan ni Ramona si Kit ng lupa na hinubog niya sa maliit na bilog. "Wag mo nga akong kausapin!"

After how many weeks, nakauwi na rin ang Daddy ni Ramona galing sa business trip. Malugod niya itong sinalubong at ganun rin si Reimi.

Tinanong ng tatay nila kung nasaan ang ina nila. "Nasa kwarto po." He pat Ramona's head and a small warmth spread all over her tiny body. "Psst! Reimi!" sumisilip si Kit sa may pinto. "Bukas na lang ulit, babye." Reimi nodded and waved her hand at him.

Tinawag ng nanny nila silang dalawa mula sa kusina. Nauna si Reimi at sumunod naman si Ramona.

May mga dala palang pagkain ang tatay nila, karamihan sa mga ito ay imported at mukhang mamahalin. "Wag niyong kalimutan maghugas ng kamay, lalo ka na Ramona. Lagi kang naglalaro ng lupa!"

"Ramona, tawag ka ng tatay mo." Papaalis na sana si Ramona sa kusina nang sinalubong siya ng kanyang inay. Malamig ang pagkakatugon neto. "Okay." Alam na ni Ramona kung bakit siya pinapatawag sa study room ng daddy niya.

"Po?" umupo si Ramona sa bakanteng upuan na kaharap ng study table kung nasaan may tinitipa ang kanyang itay sa laptop neto.

Iniangat ng tatay niya ang tingin neto sa kanya pagkatapos isinara ang laptop. His face was etched with concern which she never found in her mother, in her teachers and in everyone else.

"Last time you promised to me that you'll be a good girl, am I wrong?" umiling si Ramona at napayuko, tinitigan niya ang brown carpet na nasa paanan niya.

"I'm sorry.." mangiyak ngiyak na saad ni Ramona, sobrang namiss niya ang kanyang tatay. Napabuntong hininga ang daddy niya. "Come here, you brat." Mahigpit naman na niyakap siya ng kanyang tatay. "You can't be like this forever Ramona."

Romansa Ni RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon