IX

75 0 1
                                    

Masyadong maaga si Ramona pumasok sa eskwelahan, naunahan niya pa ang mga guro. Mabuti na lang at bukas na ang silid nila kaya hindi na namroblema si Ramona maghintay para makarating sila. Ang totoo nyan ay may ibang pakay si Ramona.

Dumiretso siya sa lamesa ni Reimi at may isinuksok na isang puting envelope sa ilalim nito. There was a flash of wicked smile on her face, she was proud of herself.

Bago pa man may kaklaseng dumating sa silid ay umalis na muna si Ramona. May iilan nang lumalakad sa corridor, mga tinatawag nilang early bird. There are lots of kiosks and benches that surround their soccer field so Ramona went there, doon siya nagpalipas ng oras.

She just kept on scrolling on her social media account, pati ba naman sa facebook ang kalat ni Reimi at Kit. Napaismid si Ramona. Hindi niya na napansin na tumunog na pala ang bell kaya nagmadali na siyang bumalik sa silid nila na para bang kararating niya lang.

Nakiusap si Ramona sa katabi ni Ruth na kung pwede ay exchange sila ng inuupuan kahit sa unang subject lang nila. Hindi naman makaayaw ang kaklase ni Ramona sapagkat mapilit siya. "Bat ka ba laging narito?" usisa ni Ruth. "Wala naman! masama bang tumabi sayo? e sa near sighted ako e." pag rarason ni Ramona.

Naparolyo lang ng mata si Ruth. Alam niya na nagsisinungaling lang to. She just let her be. Ilang weeks na rin namang tumatabi sa kanya si Ramona, madalas rin siyang niyayaya neto kumain during lunch kahit pwede naman sumabay si Ramona sa kapatid niya. Hindi niya maintindihan si Ramona but then she couldn't deny that she's enjoying her company.

Humupa na ang ingay nang nagsimula nang magturo ang guro nila pero hindi rin nagtagal ang katahimikan na ito. "Psst!" kinulbit ni Reimi si Kit na katabi niya lang. Nilingon siya na naguguluhan nang ipinakita ni Reimi ang isang papel na nakatupi. "Sayo ba to?" ha? ang nakasulat sa itsura ni Kit.

Reimi straightened up the folded paper. It was not hand written, kaya hindi niya malalaman kung kanino ito nanggaling. Mukhang hindi naman si Kit ang may gawa dahil bakit naman magsusulat si Kit ng ganito?

"Ma'am, look!" sa isang iglap ay nawala sa kamay ni Reimi ang piraso ng papel. Hinablot ito ni Jun, ang kaklase nilang bully at ang impresyon pa ni Reimi ay isa siyang malaking papansin. "That's mine!" ani ni Reimi. Naudlot ang pagsasalita ng guro nila, may bahid ng inis sa itsura neto.

Naghagikhikan ang mga kaibigan ni Jun at ang iba naman ay na kuryos kung ano ang nangyayari sa likuran kaya nakatuon na ngayon ang pansin nila kanila Reimi. Napaawang ang bibig ni Kit, iintervene ba siya o hindi? Masyado nang mababa ang grado niya sa klase na ito, ayaw niyang madamay at tuluyang mabagsak pero—

"Hmm, ahh mukhang love letter!" puna ni Jun nang binuksan ang sulat. Nanikip ang dibdib ni Reimi dahil sa sama ng loob. "Dear Reimi.. ang ganda mo sa malayo pero mas maganda pag malapitan kitang nakikita, gusto ko ang amoy ng buhok mo.. Ano rin kaya ang amoy ng nasa pagitan ng hita mo? Amoy isda ba?"

Napahalakhak ng malakas si Jun at ginatungan rin to ng mga kaibigan niya. Namula sa hiya at galit si Reimi, tears pooled on her eyes. Ramona could see how her little sister's hand curled into tiny fists.

Her little plan was sabotage the moment Kit stood up angrily from his seat. Natigil ang tawanan nila. "Oh? Ikaw ba may sulat neto Kit?" pangungutya ni Jun. Ramona could see how furious Kit was, it was as if he was the one who received the letter. What the– Bakit ka naman tumayo Kit? Was she even worth it?

Kit rushed towards Jun and roughly grab the letter from him. Nanggigigil niyang pinunit ito. "Hoy! anong ginagawa mo ha?" natigil si Jun sa pagiging siga nang nakakuha siya ng suntok kay Kit. The whole class gasp in surprise. Ramona suddenly stood up along with the other kids while Reimi cried even more.

"Aba! ang tapang mo ah?" Jun spat and they both started exchanging blows. Nilapitan sila ng kanilang guro at marahas na ipinaglayo ang dalawa. "Mga wala kayong respeto, nagtuturo ako rito?!" Pumutok ang labi ni Kit sa sobrang lakas ng pagtama ng kamao ni Jun. Natigilan ang dalawa habang hinahabol ang hininga nila.

"Siya naman ang nag umpisa ah!" pagmamaktol ni Kit at iginawaran naman siya ng matalim na tingin ng guro nila. Napangisi si Jun, akala niya tapos na ang kalbaryo nilang dalawa ngunit ikinaladkad silang dalawa palabas ng silid.

"Sinong nagsulat non?" tanong ng presidente nilang si Gloria. Naaawa siya kay Reimi na hindi pa rin napapatahan nang nilapitan ito ni Ramona. She was constantly rubbing her back. "Oo nga sino? umamin na kayo!" giit ni Ramona. Puro kibit lang ng balikat ang nakuha nilang responde.

Tumayo si Gloria sa harapan ng buong klase at napabuntong hininga. "If that's the case, Reimi.. was it handwritten?" tanong ni Gloria. Sumisinok na umiiling si Reimi. Gloria crossed her arms in disappointment. "So, paano na yan?" saad ng isa sa mga kaklase nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Romansa Ni RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon