VII

84 3 2
                                    


May dugo sa kanyang mga daliri. Inamoy ito ni Ramona at tinikman ito.

Pagsapit ng ika labing tatlong taon niya ay masasabi na siya ay ganap na dalaga na. Inalis niya ang suot niyang underwear na may dugo at itinapon to sa basurahan na tabi ng lababo.

"Ate? You okay?" saad ni Reimi na nasa labas ng cr. Sinundan siya ng kanyang nakababatang kapatid nang napansin na balisa ito, nagpaalam naman to sa guro nila bago umalis.

"I'm fine!" saad ni Ramona na nakatitig sa repleksyon niya sa salamin. "Do you need anything?" Ramona rubbed her bloody stained fingers on her lips like it was a lipstick. Ngumiti si Ramona. "Actually, yes."

Nauna kasing dinatnan si Reimi kesa sa kanya kaya alam na ng nakababatang kapatid niya kung ano dapat ang ibibigay. "Mabuti na lang at may extra ako, wait there." Tumango lang si Ramona. "Thanks."

She was smiling often, which at first, baffled her sister and especially her mother.

She didn't want them to abandon her, so she tried to mend her image. Eto ang gusto mo Daddy, hindi ba? Her eyes sparkled, but it wasn't out of being grateful or anything. It was more of a hidden resentment towards her mother and everyone else.

"Are you okay, Ramona?" tanong ng guro nila ng nakabalik na ang magkapatid.

Tumango siya at ngumiti ng tipid. "Opo, medyo nahihilo lang po." Nasa ikalawang row nakapwesto si Ramona habang nasa likuran naman si Reimi at ang lagi netong kalaro na si Kit. Silang tatlo ay naging magkaklase pagtungtong nila ng high school.

"Are you sure? I think you should go to the clinic."

Her efforts of trying to change her image from being a brat of a child to a behaved child was a success and now everyone is kind to her.

Gustong matawa ni Ramona, niloloko niya lang naman sila. Mga uto uto rin tong mga taong to. "Ma'am you don't need—" kahit ang kanyang boses ay naging mahinahon kahit na umaayaw sa gusto ng guro.

"Ikaw." Nalilitong itinuro ni Kit ang sarili niya nang idinuro siya ng guro nila. "Huh? me?" tumango ang guro nila.

"Dalhin mo si Ramona sa clinic, para naman magising yang diwa mo! kanina ka pa natutulog dyan." nagtawanan ang mga kaibigan ni Kit. Namula ang binata.

Nakitawa rin si Reimi na katabi neto. "Just go, Kit." natatawang saad ni Reimi.

Humupa ang tawanan ng mga kaklase nila nang nakalayo na ang dalawa. Tanging mga yapak lang nila ang umaalingawngaw sa naka tiles na corridor dahil on going pa ang mga klase ng iba.

Napakamot sa batok si Kit, mukhang okay naman tong si Ramona bat pa siya ang naisipang guluhin ng guro nila.

Bumaba sila mula sa second floor. Sinulyapan ni Ramona si Kit. May maliit na ngiti ang naglalaro sa kanyang labi. "Do you like my sister?" kung mayroon mang iniinom si Kit sa mga oras na iyon, ay malamang nabilaukan na siya.

"W- what?" ang tanging nasambit ni Kit. Nag init ang kanyang tenga. Huminto si Ramona sa paglalakad at hinarang si Kit na dahilan para mapatigil rin siya. "Be careful around her, she's not as innocent as she seems to be." Of course, Ramona was just straight up bluffing, gusto niyang matawa sa panlalaki ng mata ni Kit.

No one can be as innocent and dumb as her little sister. "Lakas ng trip mo eh no." naiiling na saad ni Kit.

"Your little sister also said the same thing about you." sinakyan naman ni Kit ang trip ng babaeng to. Ang pinagkaibahan lang ay nanggaling mismo iyon sa bibig ni Reimi.

Nag aktong parang nasaktan ang damdamin ni Ramona. "Wow, and you believed her?"

Natawa nang marahan si Kit. Ipinagbuksan niya si Ramona ng pinto nang nakarating na sila sa tapat ng clinic. "Of course not, di mo na nga inaaway ang kapatid mo e."

Naiwan nang mag isa si Ramona sa loob ng clinic. "Balik na ko sa room." Napakagat siya sa ibabang labi niya, pinipigilab ang namumuong ngiti.

Romansa Ni RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon