I

259 3 0
                                    

"Ano ka ba namang bata ka! Diba sinabi ko sayo you should change your clothes?" sita ng nanny ni Ramona nang nahuli niya ang bata na nakadapa at nilalaro ang lupa, she was building a small hill and underneath it was a dead bird.

"Fine! you dont have to shout, okay?" mataray na sabat ng pitong taong gulang na si Ramona.

Ikinaladkad naman siya palayo ng kanyang nanny sa bakuran nila. Tinapunan ng huling sulyap ni Ramona ang mini cemetery niya. She smiled, rest in peace little bird.

May kakaibang ning ning sa kanyang mga mata na minsan ay ikinakabahala ng nanny niya. Hindi naman makapagsalita ang nanny niya sa iba patungkol sa batang to dahil isang kilalang politician ang tatay niya.

"Dapat gayahin mo ang kapatid mo e, behave lang!" napabusangot si Ramona nang ibinanggit na naman ng nanny niya ang kapatid niyang si Reimi, puro na lang siya. siya. siya. Edi siya na! Dinaanan nila ang kapatid niya na nasa sala at nakasuot na ng formal dress.

Mas nakakatanda si Ramona kay Reimi pero halos lahat ng nakakakilala sa kanila ay laging nagkakamali ng akala. Hindi naman sila masisisi ng nanny ng dalawang bata dahil pati siya ay mas nanaising si Reimi ang panganay.

Bumaba mula sa ikalawang palapag ang ina ng dalawang bata. Nasa kuwarenta anyos na ito pero may mukha siyang pang bente anyos.

"Nasaan na ang ate mo?" tanong niya kay Reimi na tahimik na nanunuod ng cartoons sa  flat screen na telebisyon nila. "Binibihisan po ni nanny." magalang na sagot ng bata.

"Sino po ba ang mga bisita, mama?" kuryos na tanong ni Reimi. Inayos at ni braid ng ina niya ang mahabang buhok neto. "Bestfriend ko nak, they will be our new neighbours. Be a good girl, okay?"

Hawak ni Ramona ang teddy bear na may mga tahi na sa bawat parte nito. It was hideous looking, her mother always tried to persuad her to throw it away pero nasa nature na ni Ramona ang pagiging matigas ang ulo at sa isang rason na regalo ito ng kanyang tatay. Inilalabas niya lang to pag may mga bisita para mambwisit.

"Huwag ka nang tumakbo! marurumihan ka na naman!" pasigaw na paalala ng nanny ni Ramona nang nakalabas na ang bata sa kwarto neto.

Tanaw ni Ramona ang kapatid niya at ang ina niyang naglalambingan sa harap ng telebisyon. Para bang sumakit ang kanyang mga mata sa nakita. "Where's Daddy?!"

Nilingon siya ng kanyang ina. Her eyes were different everytime she looks at her oldest daughter, Ramona. There was no warmth. The very least she could muster to give is a smile, a fake one at that and Ramona couldn't care less. She resented her anyway. Kinaayawan niya ang lahat maliban sa kanyang tatay.

"He couldn't make it honey, he's busy." hahaplusin na sana ng ina niya ang maiksing buhok ni Ramona pero she slapped her hand away. "Yeah, right." bulong ni Ramona sa kanyang sarili.

Nginitian siya ni Reimi nang tumayo ang kanilang ina nang tumunog ang doorbell sa labas, hudyat na nakarating na ang bisita nila. "You should listen to mommy and throw that away." Reimi was referring to her battered teddy bear.

Tinitigan lang siya ni Ramona. "Mas maganda pag ikaw ang itinapon." napasimangot si Reimi, halatang nasaktan sa sinabi ng kanyang ate.

"Pasok kayo, naku, ang ganda mo pa rin girl!" matinis ang boses ng ina ni Ramona na sinalubong ang best friend niyang galing abroad. Nag beso beso sila at mabilis namang kinuha ng nanny ang mga dalang pagkain ng bisita. Tatlo ang pumasok sa loob ng tahanan nila, mag asawa at ang anak nilang lalake.

"Anak mo?"

"Oo, ang gwapo no? mana sa tatay niya."

Naghalakhakan ang dalawang ina habang lumapit naman si Reimi sa ina nila at kumapit sa kamay neto. "Ay, eto nga pala mga anak ko. Eto si Reimi, Ramona! halika rito!" tahimik na sumunod ang batang si Ramona, nakabusangot. "Hi po!" nagagalak na bati ni Reimi sa kanila. "Naku, ang cute mo namang bata! Kit, say hi rin!"

Para bang hangin lang si Ramona sa tabi ni Reimi, binigyan lang siya ng isang tingin ng mga bisita at alam na nila na hindi kaaya aya ang ugali neto.

Napadako ang tingin ng dalawang batang babae kay Kit, isang mahiyan at tahimik na bata. Natutuwa si Reimi dahil mukhang may bago siyang makakalaro na hindi nanggagaling sa eskwelahan habang si Ramona naman ay walang interes sa batang ito.

"Dito ka na muna, Kit ha?" Nag aalangang tumango ang batang lalake nang iniwan siyang mag isa sa sala kasama ang dalawang babae. Tumango ang ina neto kasama ang ina nila Ramona sa kusina para maghanda ng kakainin nila para sa dinner.

Romansa Ni RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon