IV

114 3 0
                                    

The incident about her dad's was on the news and the talk of the town for days, naririndi na si Ramona kung gaano silang lahat ka peke sa pagbibigay dalamhati sa pamilya nila. Alam naman ni Ramona na kinaayawan siya at ng kanyang ama.

Dumidilim ang paningin ni Ramona tuwing nakikita niya ang kanyang ina sa loob ng tahanan nila, wala man lang bahid ng lungkot sa itsura niya. Kung meron man, pag may ibang tao ang nakaharap sa kanila.

Tuwing lalapitan siya ng kanyang ina ay agad na tumatakbo palayo si Ramona.

May isang pagkakataon na nahuli ni Ramona ang ina na kinakausap ng masisinsinan ang nanny nila sa kusina.

"May alam ba siya tungkol sa away namin ng tatay niya?" namutla ang nanny niya at nag aalangang umiling, napansin niya na sumisilip si Ramona sa may pinto. "Itikom mo yang bibig mo kundi mawawalan ka ng trabaho."

Hindi pumasok ng eskwelahan si Ramona at nagkulong lang sa kanyang kwarto. Nakadungaw lang ang bata sa bintana nang pumasok ang kanyang nanny na may dalang meryenda. "Ramona, kumain ka." walang imik ang nasabing bata.

"Ramona, may sasabihin ako sayo." her nanny pulled her up from her sitting position at sabay silang dalawa naupo sa dulo ng kama ni Ramona.

Tahimik lang siyang tinitigan ni Ramona. "Alam mo namang mahalaga sa akin ang trabaho ko, hindi ba?" dahan dahang saad ni nanny, na para bang pinapaintindi ang bigat ng mga salitang ipinakawala niya. Wala ni isang reaksyon ang nakuha ng nanny kay Ramona.

Napabuntong hininga ang nanny niya at umalis palabas na disamayado, bakit pa ba siya umasang papakinggan siya ng batang to? She was already expecting to lose her job the very next day but then nothing happened.

Ramona kept her mouth shut, she was silent and it seemed that she cut her own tongue, there was no emotion nor anything in her face. No anger, no grief, nothing.

"Kawawa ka naman! wala ka nang daddy!" pangungutya ng isa sa mga kaklase ni Ramona habang nagtuturo ang kanilang guro. "Ssh! what did I say about keeping your mouth shut?" pag susuway ng guro nila.

Sa isip ni Ramona ay hindi siya ipinagtanggol ng guro nila, it was a funny thing, it seemed their teacher did save her but she actually did not. She just reprimanded her student of being noisy not because of what he said.

"Where's my teddy?!" sigaw ni Ramona mula sa kanyang kwarto. Hindi niya mahagilap ang teddy bear niya sa cabinet, sa drawer at kahit sa ilalim ng kama niya. Nagmamadali siyang bumaba sa ikalawang palapag para hanapin ang nanny niya.

Alas stres na ng hapon kaya naroon si Kit sa tahanan nila Reimi, narinig naman niya ang sigaw ng panganay. "Anyare?" kuryos na tanong ni Kit kay Reimi, nasa may malaking puno sila na nasa likuran ng bahay nila Reimi.

Nagkibit balikat lang ang kalaro ni Kit. "Yung teddy niya siguro. Ssh ka lang." inilapat ni Reimi ang hintuturo niya sa bibig niya. "Kinuha ni mama, malas daw yon sabi niya."

Romansa Ni RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon