VIII

76 0 0
                                    


Malapit nang maubos ang pasensya ng guro nila, maingay pa rin ang mga estudyante kahit na kakaumpisa na ng movie na papanuorin nila. Isa itong drama. Korean drama. Kailangan nila magkaroon ng reflection paper na ipapasa kinabukasan patungkol sa napanuod nila.

Walang interes si Ramona sa movie na ipapalabas pero napaayos siya ng upo nang pumwesto sa tabi niya si Kit. "Nasaan ang kapatid mo?" ang unang bungad ni Kit, nakangiti pa rin si Ramona kahit naasar siya kasi lagi na lang, simula pagkabata pa, si Reimi ang laging hanap niya.

"Ah, nagkasakit siya."

Napakamot naman ng ulo si Kit. "Ang tigas kasi ng ulo." bulong ni Kit sa sarili niya. Rinig naman to ni Ramona.

Malakas kasi ang buhos ng ulan kahapon, huling lumabas si Ramona ng paaralan dahil inasikaso pa niya ang inutos sa kanya ng guro nila. Alam ni Ramona kung ano ang tinutukoy ni Kit sapagkat namataan niya ang dalawa sa labas ng eskwelahan nila.

May bitbit na payong iyon si Kit. "Sayo na to, isauli mo na lang bukas." Umiling iling si Reimi. "Ano ka! hindi ba pwedeng mag share tayo?" napasapo sa noo si Kit. "Maliit tong payong, mababasa ka."

Nasa isang gilid si Ramona sa mga panahong iyon, nakaharap ang likuran nila sa kanya kaya hindi mapapansin si Ramona. Mga ilang talampakan lang naman ang layo niya sa kanila.

"Kung ganoon, ganito na lang!" Hinablot ni Reimi ang payong na hawak ni Kit at inilagay to sa paanan nila. "Anong gagawin mo—" Nanlaki ang mga mata ni Kit nang mabilis siyang hinila ni Reimi sa ulan.

Reimi was giggling. "Reimi!" suway ni Kit ngunit hindi niya rin mapigilang matawa hindi dahil sa ginawa ni Reimi kundi sa tawa niya mismo na nakakahawa. They both ran despite the rain pouring hard on them.

Their figures disappeared and Ramona was left with the umbrella few feet away from her. Pinulot ito ni Ramona. Sumulyap siya sa kanyang paligid. Wala nang ibang estudyanteng lumalabas maliban sa kanya. Ginamit niya ang payong pauwi.

"Hindi ko na mahagilap yung payong ko, si Reimi kasi." pag kukwento ni Kit kay Ramona sa mababang boses, humupa na rin ang ingay sa loob ng silid at halos lahat ay nakatuon na sa palabas. "Nasaan niyo ba iniwan?" pabulong na ani ni Ramona.

"Ssh!"

Natahimik si Ramona at Kit. Hindi na sinubukan pang ituloy ni Kit ang sasabihin niya sana.

Nasa kalagitnaan na sila ng pinapanuod nila nang napansin ni Kit na nanginginig ang balikat ni Ramona. Ayun pala ay umiiyak na siya. Kinulbit siya ni Kit. "Huy, umiiyak ka ba?" pasimple lang na pinupunasan ni Ramona ang luha at uhog niya gamit ang likod ng kamay.

"Hindi ah." pag dedeny ni Ramona ngunit inabutan pa rin siya ng panyo ni Kit. "Oh ayan, pati yang uhog mo punasan mo!" natatawang saad ni Kit. Inirapan lang siya ni Ramona pero tinanggap pa rin to.

"Naalala ko si Daddy kahit papaano dito sa movie e." mahinang sambit ni Ramona, Miracle in Cell no. 7 kasi ang title ng movie at kilala ito bilang nakakaiyak na palabas.

"Ganun ba.."

Natapos na rin ang huling subject nila sa hapon na iyon. Nilakasan ni Ramona ang loob niya at lumapit kay Kit na busy sa pagliligpit ng gamit niya. "Kit." sinulyapan naman siya at isinara ang bag. "Bakit?"

"Pwede bang ano.. sabay tayo umuwi?" nahihiyang tanong ni Ramona. Ngumiti si Kit at umiling. "Sorry, may club meeting kasi ako. Sa susunod na lang." Naiwan si Ramona sa loob ng silid kasama pa ang iba niyang mga kaklase na nag uusap pa bago umuwi.

Kung si Reimi ang nagyaya sa kanya, walang pag alinlangang tatanggapin ni Kit ang pagyaya neto. Napakuyom ang kamay ni Ramona habang siya'y nakangiti pa rin. "May dumi ba sa mukha mo?" tanong ni Ramona sabay kapa sa pisngi niya nang napansin ang kaklase niyang si Ruth na nakatingin sa kanya.

Nagulat naman si Ruth at umiling. "Ah, wala. Ang weird lang kasi ng ngiti mo." puna niya. Napahagikhik naman si Ramona. "What do you mean ba?" umiling uli si Ruth at tumayo sa kanyang inuupuan. Napunta ang pansin ni Ramona sa diary na isinarado ni Ruth.

"Crush mo si Kit no?" may nakakalokong ngiti na naglalaro sa labi ni Ramona. "H- ha?! hindi no!" mabilis na depensa ni Ruth sa sarili niya sabay tago ng diary sa bag. "Sus, namumula ka nga dyan. Wag ka mag alala, magaling naman ako magtago ng secret."

Romansa Ni RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon