Isla: Part 1

43 5 1
                                    

Share ko lang sa inyo ang panaginip ng kaibigan ko na ikinwento niya sa akin.

*1st POV*

Masamang panaginip. Isa na namang masamang panaginip. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat.

Isang gabi, ako ay nanaginip. Ako daw ay napadpad sa isang malayong isla. Di ko alam kung paano basta nagising nalang ako sa loob ng isang kubo na nakatali ang mga kamay. Mahigpit ang pagkakatali na para bang siniguradong hindi ako makaka takas rito. Binuhos ko ang buong lakas ko para makapiglas dito na halos nagdulot ng pagkakaroon ng pasa pasa sa kamay ko. Hanggang sa may nakita akong matulis na bagay sa isang sulok. Doon ko kiniskis ang lubid na nakatali sa aking mga kamay para makatakas.

Pagkatanggal ng lubid, tumakbo ako papalayo sa kubo. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang narating ko. Basta takbo lang ako ng takbo. Dahil sa pagod dulot ng pagtakbo ng malayo, nagpahinga muna ako saglit sa tabi ng isang puno.

Laking gulat ko nang biglang may tumulong dugo sa balikat ko. Kinapa ko ito pero parang hindi naman galing sa akin ang dugo. Sa aking pagtingala, isang ulo na pugot ang tumumbad sa aking harapan. Halos napatalon ako paatras sa puno sa labis na gulat.

Isang ulo ng sanggol na nakatali sa taas ng puno.

Muli kong tinignan ang nakasabit baka sakaling namamalikmata lang ako. Pero hindi. Dahil sa pag ikot ng aking paningin sa buong paligid, puno ng mga patay na sanggol ang nakita ko. Hindi ko na ipapaliwanag kung ano o paano ang itsura nila habang nakasabit sila sa mga puno. Mahirap ipaliwanag ang takot na nararamdaman ko.

Dahil sa nangyare, ilang minuto din akong napatulala habang umiiyak dahil sa mga sanggol na nakita ko. Iyak dahil sa awa...

O iyak dahil sa labis na pagkakot. Dahil sa mga oras na ito, alam kong hindi ako ligtas sa kinalalagyan ko...

Pinoy Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon