Aswang: Part 1

48 5 2
                                    

Share ko lang sa inyo ang karanasan ng mama ko noong ipinagbubuntis niya ako.

Kung meron man akong maikekwento tungkol sa mga aswang, yun ay yung ipinagbubuntis ako ni mama sa probinsya. Sabi ng mama ko, malakas daw ang pang-amoy ng mga aswang pagdating sa mga buntis. Paborito nila ang amoy nito dahil para kasing fresh na fresh sa kanila ang amoy ng isang sanggol. Ito ang dahilan kung kaya't lagi siyang dinadalaw nito. Pero ito ay laging nagpapanggap sa anyong tao.

Sa tuwing dinadalaw siya nung aswang, lagi itong may dalang pagkain, na inaalok sa mama ko. Yung iba dito ay hindi tinatanggap ng mama ko. At ang iba naman ay tinatanggap niya pero itinatapon kapag umalis na ito. Mahirap din kasi magtiwala sa taong (o aswang) hindi mo naman kilala.

Sa probinsya namin, normal lang talaga ang nagbibigayan ng mga pagkain. Pero itong si aswang, kakaiba. Dahil walang araw na hindi ito dumalaw at nagdala ng pagkain sa mama ko. Minsan nga nagugulat nalang ang mama ko na bigla bigla nalang ito sumusulpot. At may mga time din na nagtataka nalang ang mama ko kung paano siya nasusundan nito.

Nung mga time na yun, kalat na talaga ang balita na aswang yun. Kaso hindi ito alam ni mama. Dahil sa takot at duda na nararamdaman ng mama ko, nagkwento siya sa mga kapitbahay. Doon lang niya nalaman na aswang pala iyun.

Hanggang isang araw, nagpadala ulet ng pagkain yung aswang sa mama ko. Malugod niya itong tinanggap at nagpasalamat. Pag alis ng aswang, dinala ng mama ko yung pagkain sa ambularyo.

Laking gulat ng lahat ng budburan ng ambularyo ang pagkain ng asin...

.
.
.

Bigla itong gumalaw na parang mga bulate.

Pinoy Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon