Share ko lang sa inyo ang isang kwento na ikinwento sa akin ng lolo ko...
Minsan, natanong niyo na ba sa sarili niyo kung bakit tayo nagsasabi ng “tao po” kapag tayo ay kumakatok sa pintuan? Alam nga ba natin sa sarili natin kung bakit natin ito sinasabi?
Alam ko, sa buong buhay natin, ginawa natin ito. Pero di natin alam kung bakit natin ito sinasabi kapag kumakatok. Saan nga ba ito nagmula? Hayaan mong ikwento ko sayo ang ang kwento (Bagamat may mga ilang detalye akong dinagdag para medyo humaba ang usapin).
- - - - - - - - - -
Noong unang panahon, sa isang baryo sa bansang Pilipinas, ang ganitong kagawian ay normal nalang sa mga taong naninirahan doon. Simula bata hanggang pagkabata ay kaylangang ginagawa nila ito para na rin sa kaligtasan ng bawat taong naroon.
Ang dahilan kung bakit nila ito ginagawa, dahil ang lugar na yun at pinalilibutan ng mga aswang. Yung tipong mas madami pa ang lahi ng aswang kaysa tao sa lugar na iyun. Dahil na rin siguro sa sunod-sunod na taong nabibiktima ng mga aswang.
Ang simpleng pagsabi ng “tao po” kapag kumakatok ay nakakapagligtas ng buhay. Dahil sa ganitong bagay, nalalaman daw ng taong nasa loob ng bahay na tao ang kumakatok sa labas. Ibig sabihin, gustong sabihin ng taong kumakatok na siya ay tao at hindi aswang.
Alam naman natin na ang mga aswang ay walang kakayahang gayahin ang salita ng tao. Ang kaya lang nilang gawin ay gayahin ang mga hayop.
Kaya ikaw... Kung biglang may kumatok sa bahay ninyo sa kalagitnaan ng gabi at wala kang narinig na salitang “tao po”, magdalawang isip ka na.
BINABASA MO ANG
Pinoy Horror Stories
HorrorAng mga kwentong kababalaghan na mababasa mo rito ay ilan lamang sa mga naranasan ko sa aking buhay at mga kwentong aking narinig sa mga kapamilya o kakilala. Enjoy sa pagbabasa :)