Hapunan: Part 1

23 2 6
                                    

Share ko lang itong story sa inyo na nabasa ko sa FB. Marahil ang iba sa inyo ay alam na ito. Pero kekwento ko pa rin dahil wala ka ng pakialam dun. Trabaho lang.

Kunteng paglilinaw lang, hindi ito yung eksaktong storya. May mga ilang bagay lang ako na idinagdag para humaba ang kwento (as usual).

- - - - -

Dear Diary,

Isa na siguro ito sa karanasan na hinding hindi ko makakalimutan sa aking buhay. Alam mo ba kung anong araw ngayon? Oo tama ka! Anniversary namin ngayon ng boyfriend ko. Mainggit ka. Joke lang.

So, dahil mahal na mahal ko ang boyfriend ko, nais kong magkaroon para sa kanya ng kunteng surpresa. Ako naman ang babawi. Sa tuwing anniversary kasi namin siya lagi ang nagsu surpresa sa akin.

Nais ko sana siyang regaluhan ng paborito niyang sapatos. Di ko na sasabihin yung brand baka sabihin mo rich kid ako.

So tinawagan ko yung freind kong lalake para samahan akong bumili ng sapatos sa mall. Wala kasi akong alam sa mga sapatos na yan. Kaya dapat dun ako magpapatulong sa alam kong may alam pagdating sa ganung bagay.

Nagtext ako sa boyfreind ko na aalis muna ako. May bibilhin lang kunyare na pagkain sa palengke. Sana di niya malaman yung plano ko hehehe.

Pag punta namin ng freind ko sa mall, biglang tumawag yung boyfreind ko.

“Umuwi ka na dito babe. May surpresa ako sayo hehehe” sabi ng boyfreind ko sabay patay ng phone.

Syempre bilang babae, alam mo na kung anong iisipin ko sa mga ganung sinabi niya. Punta daw ako sa bahay niya eh. Ano pa nga ba ang iisipin ko? Hahaha

So sinabihan ko yung freind ko na cancel na yung plano. Kaylangan ko din kasi magmadali umalis eh. Mahalaga kasi ang bawat oras hahaha. Binigyan ko nalang muna siya ng pera para naman di sumama yung loob nya sa akin. Pampalubag loob.

Pagdating ko sa labas ng bahay, alam kong andun lang siya sa loob, naghahandang isurpresa ako. Ako naman na todo kilig habang papasok sa pinto.

Kumatok ako. Agad naman niyang binuksan yung pinto. Sabay biglang yumakap siya sa akin ng mahigpit.

“Happy anniversary babe” sabi nya sa akin. Pero ako tameme lang. Naghihintay na ilabas niya ang ano niya ay este regalo niya.

So ayun na nga mga kapwa ko green minded, sinabihan niya akong pumikit muna ako para ihanda niya ang surprise niya sa akin. Anak ng teteng, ngayon niya palang ihahanda? Kanina pa nga ako ready eh hehehe.

Pagdilat ko ng mata ko may pinakita siyang papel. Nung una Di ko agad na realize kung ano yun. Pero nung nagsalita na siya, isa itong ticket sa eroplano. Napaisip ako. Anong ibig sabihin nito?

Doon na nga niya ikwinento kung para saan yun. Magbabakasyon daw kami ng isang linggo sa pamilya niya. Ipapakilala niya daw ako sa magulang niya.

Halos mapalundag ako sa tuwa. Bagay na matagal ko ng gustong gustong mangyare. Masarap kasi sa feeling yung ipapakilala ka ng boyfreind mo sa mga magulang niya. Di katulad ng iba dyan ehem.

Matagal na pala tong pinaplano ng boyfriend ko. Ngayon niya lang sinabi ngayong anniversary namin.

- - - - -

Pero syempre bibitinin ko muna kayo hahaha. Bahala kayong mag antay ng part 2 nito. Gaya nga ng paulet ulet kong sinasabi: wala ka ng pakialam dun.

Sa mga magtatanong kung nasaan ang horror dun? Wala ka na din pakialam dun. Mag antay ka dyan. Wag mo ako pangunahan. Bye.

Pinoy Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon