Bula!!!

20 2 5
                                    

Share ko lang sa inyo ang nakakatawang nangyare sa akin noong March 31, 2020. Oo, hindi siya horror pero ikekwento ko pa rin dito. Wala ka ng paki dun dahil ako ang author dito. Magbasa ka nalang diyan. Bleh.

- - - - -

Isang gabi, tahimik na gabi, isang nakakatawa (na medyo nakakatakot) ang nangyare sa akin. Nasa kusina ako ng mangyare ang mga iyun. Sila mama, papa at kapatid ko ay nakahiga na sa kani-kanilang mga higaan habang nagse cellphone.

Katulad ng gabi-gabi kong routine sa bahay, pagkatapos kong kumain at maghugas ng mga plato, maglilinis na ako sa sarili ko para makapag handa sa pag tulog.

Sa hindi inaasahan, habang ako ay nagto toothbrush, isang malaking bagay na hindi maipaliwanag ang dumaan sa harapan ko. Kulay puti. Parang hugis tao.

Sa sobrang kaba ko, halos atakihin na ako sa puso. Oo, kung nakita mo lang sana mahal kong mambabasa ang reaction ko. Sobra ang pagkakagulat ang naranasan ko ng mga time na yan. Nais ko pa nga sanang tumakbo papunta kanila mama sa sobrang takot. Pero di ko na nagawa.

Hanggang sa na realize ko kung ano ang bagay na dumaan sa harap ko. Alam mo ba kung ano ang dumaan sa akin? Isang bula. Oo, tama ka, isang bula (bubble in english). Isang bula na halos magpa atake sa puso ko. Isang bula na halos magpadapa sa akin sa pagpaplano kong tumakbo. Isang bula na halos ikatigil ng buong sistema ng katawan ko.

Kung iniisip mo na isang kabobohan ang nangyare sa akin. Pwes tama ka. Inaamin ko yun. Bwisit hahaha.

Ang alam ko, galing yung bula dun sa pagto toothbrush ko. Pero kung ang tanong ay paano siya nakalabas sa bibig ko --- hindi ko rin alam. Masyadong mabilis ang mga pangyayare. O hindi kaya, sadyang mabagal lang ang pag proseso ng utak ko kaya di ko agad na realize kung ano ang bagay na halos ikamatay ko.

(1) Paano naging puti yung bula? Sa tingin ko dahil yun sa reflection ng ilaw. (2) Paano nagmukang malaki ang bula sa paningin ko? Siguro dahil malapit ito sa mata ko. (3) Paano naging hugis tao ang bula? Siguro dahil sa pag gawa ko ng mga horror stories dito sa wattpad kaya kung ano ano ang mga iniisip ko.

Pero ano't ano pa man ang isipin natin sa nangyare... Babalik na tayo sa totoong purpose ng librong ito hehehe.

Paalala:
Huwag mo lalakasan ang pagkuskos ng toothbrush sa ngipin mo para hindi mangyare sa iyo ang nangyare sa akin hehehe. Bye.

Pinoy Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon