Share ko lang sa inyo ang aking karanasan nung nagswimming kami ng pamilya ko at pamilya ng mga katrabaho ni papa. Bagamat hindi ako ang direktang nakaranas nung kababalaghan, nakita naman ng dalawa kong mata ang buong pangyayare.
Isang gabi, bago kami umuwi galing sa isang kapagurang swimming, nagpahinga muna kaming lahat sa ilalim ng puno. Hindi rin kasi kami pwede magpatuloy sa pag-uwi dahil pagod yung dalawang driver ng truck na sinakyan namin papunta rito sa dagat na pinaglanguyan namin. Yung iba sa loob ng truck natulog at ang iba naman ay naglatag nalang ng karton sa labas para matulog o magpahinga. Kanya kanyang usap na tila ba hindi pa nakaka move on sa paglangoy namin kanina.
Maya-maya ang katabi kong si John (hindi totoong pangalan) ay biglang nagising. Kinausap ko siya pero hindi naman ako sinagot. Dumeretso lang siya sa pagtayo at hinayaan ko nalang dahil baka iihi lang saglit.
Paglipas ng mga tatlumpung minuto, kami ay naghahanda na sa pag-uwi. Pero bago yun sinigurado muna naming kumpleto ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, biglang nawawala si John, ang lalakeng kausap ko kani-kanina lang.
Halos nilibot na namin ang buong paligid at kami ay naghiwalay hiwalay sa pagtatangka na siya'y agad naming mahanap dahil malapit na ring magsara ang resort na aming pinaglanguyan. Makalipas ang isang mahabang minuto ay hindi pa rin namin siya mahanap. Ang mga magulang at kapatid niya ay nag-aalala na. Ang iba ay nagtanong tanong na sa mga malapit na bahay pero wala daw silang nakita.
Ilan pang sandali ay may dalawang lalaki na palapit sa amin mula sa madilim na lugar. Isang bata at isang matanda. Flashlight lang nung lalake ang naaaninag namin. Habang papalapit sila sa amin ay biglang nagsalita ang matandang lalake. “Sa inyo ba tong batang ito?” Lahat kami ay nabuhayan dahil nakita ng matanda si John.
Pero hindi ang pagkawala ni John ang kinatakot naming lahat, kundi ang kwinento ng matanda at ni John kung ano ang nangyare kaya kami natakot.
Base sa kwento nung matanda, nakita daw niya si John sa daan, iyak ng iyak. Iniwan daw kasi namin siya sa truck. Ang nakakapagtaka lang, kinausap ko pa si John bago siya umalis sa hinihigaan nya kanina at bago siya nawala.
Sabi ng iba naming kasamahan, baka daw naalimpungatan si John. Lalo na dahil nasa ilalim daw kami ng puno. Pero sa kabila ng lahat, kami ay nagpapasalamat dahil siya ay nakita na namin.
BINABASA MO ANG
Pinoy Horror Stories
TerrorAng mga kwentong kababalaghan na mababasa mo rito ay ilan lamang sa mga naranasan ko sa aking buhay at mga kwentong aking narinig sa mga kapamilya o kakilala. Enjoy sa pagbabasa :)