Chapter Three

4.2K 162 3
                                    

Inilapag ni Tristan ang cellphone ngunit muli itong dinampot at muli ring ibinaba sa sidetable.  Kahihiga lang nya nang tumawag ang kapitan sa San Juan upang ibalita na may nambato sa duplex.  Matagal na nyang iniwan dito ang kanyang contact number in case of emergency ngunit nang huli nyang luwas ay muli syang dumaan dito upang ibilin si Lena.  He closed his eyes and saw her face once more.  Tila ordinaryo lang sa unang tingin, idagdag pa ang salamin sa mata nito but boy, without  those eyeglasses, her eyes are driving him crazy.  Dark expressive eyes, small upturned nose at mga labing natural na mapula.  At ito na yata ang may pinakamakinis na kutis na nakilala nya.  Nagbuntong hininga sya nang maalala ang intimate na eksena na namagitan sa kanila.  At natural ang reaksyon ng katawan nya.  He muttered a curse.  He is Thirty Four ngunit tila sya teenager kapag naaalala ang naging eksena nila ni Lena sa duplex.  He is Angelo’s fiancée for crying out loud. Sigurado syang walang ikwinentong maganda si Angelo tungkol sa kanya. 
Bumangon sya at lumabas sa terrace ng kwarto.  Nakatanaw iyon sa malawak na lupain na ipinamana sa kanya ni Alfred.  Ang ama ni Angelo.  At ama rin nya. Iniisip nya kung sinabi ba ni Angelo kay Lena na magkapatid sila sa ama o gaya lang ng lagi nitong paninira na ampon lamang sya ng ama nito.  Lena again. 
Ang lugar na ito ay namana ni Alfred sa mga magulang nito.  Kapehan ang malaking bahagi samantalang ang dulong bahagi ay bakahan.  Ang kanilang kape ay ini export nila sa ilang Asian countries samantalang ang mga baka ay sa mga palengke ng Laguna, Batangas at Manila  nila dinidistribute.  Dulo na ito ng Lemery at ang pinakamalapit na kapitbahay ay isang lumang resort na ibinibenta sa kanya.  At nakatakda syang magbigay ng napagkasunduang halaga sa sunod na linggo.  Mataas ang presyo para sa luma at wala ng mga gamit na resort.  But the place itself is beautiful.  Dati ay dinadayo ang resort dahil bukod sa pino at puting buhangin ay magandang diving spot.  Ayon sa seller, may malubhang karamdaman ang  may ari ng resort at kasalukuyang nasa ibang bansa.  Pinsan daw nito ang may ari at binigyan ito ng special power of attorney para maibenta ang resort dahil kailangan ang pera para sa pagpapagamot.  Nacheck na ng abogado nya ang legalidad ng mga dokumento at pasado lahat.  Ang tanging kaduda duda ay ang nagbebenta ng lupa.  He met the old man through a client.  He was loud and nosy.  And he empathized sa may ari ng resort for having him as a relative.
Muling bumalik kay Angelo ang isip nya.  Sa paningin ng ibang tao ay sya ang kontrabida.  At wala syang pakialam para itama pa iyon.  Ang lupang ito ay legal na sa kanya.  At isa ito sa pinagmumulan ng matinding galit ni Angelo.  Dati ay isang nakatiwangwang na lupa lamang iyon ngunit nagpursige sya.  Maging ang malaking bahay na nakatirik dito ay sya na ang nagpatayo mula sa pagtitiyaga nya.  Maliit na bungalow lamang iyon nang dalhin silang mag ina roon ni Alfred.  At ngayon ang tanging kasama nyang naninirahan sa bahay na ito ay ang ina at ang bunsong kapatid ni Angelo, his half sister, Dana.  Nang maglayas ito mula kina Angelo ay sa kanila ito tumuloy.  That was Three years ago and it fuelled Angelo’s anger more.  Maraming beses nyang iminumungkahi na bumalik na si Dana kina Angelo at sa ina nito na nasa Batangas din ngunit ayaw nito.  She loves the farm.  At sigurado syang mag eenjoy itong lalo kapag nabili na nya ang resort.   She is not like her mother nor Angelo and she is a good company to his own mother, Marieta, na nakawheelchair.  Sapagkat gaya ni Angelo, ang ina nito, si Elizabeth ay walang pinapalampas na pagkakataon na ipahiya sila tuwing magtatagpo ang kanilang landas.  At minsan ay nauubos din ang pasensya nya lalo kay Angelo na sa tuwina ay nais syang iprovoke at lahat ay itinuturing na kompetensya.  And he admires Dana for staying in neutral ground para sa dalawang pamilyang magkaaway.  At si Alfred ay napakaswerteng natakasan na ang gulong ito naman ang nagsimula.
Sa susunod na linggo ay nakatakda syang lumuwas muli para sa bayaran ng resort. Hindi pa nya nababanggit sa ina ang gagawing pagbili ng resort.  Nais nya iyong maging sorpresa para sa ina na magugustuhan ang tabing dagat.  Bago sila natagpuan ni Alfred ay naninirahan sila sa baybayin sa Quezon.  Nasa kolehiyo sya at isa sa mga organizers nang makilala si Alfred na syang guest speaker sa isang school program.  Maraming personal na tanong at agad ay nagawan nito ng paraang makatagpo ang kanyang ina and made himself a part of their life.  Ayon sa mga ito ay magkasintahan ang dalawa noong kabataan, nagpakasal sa huwes ngunit nangibang bansa si Alfred.  He never came back.  Ayon dito ay nakulong ito sa ibang bansa at nang makalaya ito ay wala na si Marieta sa dating address.  Nagpakasal itong muli at nagkaanak ang mga ito.  That’s Angelo and Dana.  Sa mata ng batas ay ang kanyang ina ang legal na asawa ngunit sa mata ng tao ay kabit ang kanyang ina.  At hindi nila kayang ipaliwanag iyon sa lahat.  Dahil sa paninindigan ng ina ay hindi na muling nagsama ang mga ito ngunit dinala sila ni Alfred sa Batangas.  Ang malaking lupaing namana nito mula sa mga magulang at maliit na bungalow  ay ipinamana nito sa kanya, na hindi tinutulan ng ina.  Ayon sa ina ay legal syang anak at karapatan nya iyon mula sa ama.  Huli na nila nalaman na ang pangalawang pamilya nito ay nasa Batangas din lamang at ang pamanang lupa sa kanya ay hindi nalingid sa mga ito.  Simula noon ay wala ng sinayang na sandali ang mga ito para ipahiya silang mag ina.  At isang insidente ang  naging sanhi ng pagkawheel chair ng mama nya.  Nagdilim ang mukha nya mula sa alaala.  Ipinasya nyang bumalik sa silid at matulog na.  Who needs negative thoughts at this hour?  And his mind wanders, an image forming on his mind.  Naiiling na ipinikit nya ang mga mata ngunit hindi bago tuluyang nabuo ang anyo ni Lena sa isip nya.

Kinabukasan ay naabutan na nyang nag aalmusal si Dana at ang ina nang bumaba sya.
“Oh, you’re late.” Ani Dana.  Nasanay ang mga ito na maaga syang umaalis.  Lalo ngayon na nagsisimula na silang magdagdag ng mga baka.
“Hindi ka ba nakatulog ng mahimbing?” tanong ni Marieta.  “Sana ay nagpapahinga ka rin hindi yung puro trabaho.”
Naupo sya at nagtimpla ng kape.  Alam na nya kung saan patungo ang usapang ito.
“Sana ay magkaroon ka na ng nobya ng hindi puro hayop ang nakakasama mo.” Anang ina.  Pigil nya ang ngiti at kinindatan si Dana na nagpipigil rin ng ngiti.
“Well, tama ngang magmadali ka na kuya kasi speaking of nobya, si kuya Angelo ay magpapakasal na by end of this month.” Ani Dana.
He froze.  “Ikakasal na sila ni Lena?”
“You know his fiancée?” ani Marieta.
“Uhm…we met…” pahapyaw nyang ikwinento kung paano nya ito nakatagpo sa duplex.  Iniwasan na nyang banggitin ang intimate part kung paano sila nagkakilala.  His mother would love that.
“Hindi kaya serendipity iyon?” anang mama nya.  Dana giggled.
“Ma…she’s Angelo’s fiancée.  At sabi nga ni Dana e ikakasal sila ngayong katapusan ng buwan.”
Nagkibit balikat ang ina na tila nais pang mangatwiran.
“So,what do you think of her?” si Dana.
“She’s okay.”  Iniwasan nyang dagdagan pa ang deskripsyon sa dalaga sa kabila ng maraming salitang gustong lumabas sa bibig nya.  Like her eyes are very expressive, she’s sexy sa kabila ng eyeglasses and her skin is perfect.  Tila kumikinang kinang ang kutis nito.
“Mama loves her.  Perfect daw sa lahat ng naging girlfriend ni kuya.  At talagang sya ang pinaka excited sa wedding na ito.  Buong baranggay yata ang inimbitahan ng mama.”  Sa kabilang bayan lang nakatira ang ina nito about 45 minutes drive mula sa kanila.
“Have you met her?” tanong ni Marieta
“Once.  Sa birthday ng isang kamag anak.  She’s quiet.  Kind of pretty.” Humigop ng kape si Dana.  “I love her skin.”
“Yeah.  Perfect.” Wala sa loob na sambit nya. Naubo sya nang mapunang nakatitig sa kanya ang dalawang babae.  Nagkibit balikat na tinapos na nya ang pagkain at tumayo.  “I have to go.”  Aniya at mabilis na tumalikod bago pa makasagot ang dalawa.
He smiled with thoughts of Lena nang makasakay sa pick up at pinaandar iyon. 

Enjoying the story?  Please don't forget to vote and follow.  Thank you 😊

DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon