Chapter Nine

4K 112 2
                                    

She saw him first or he saw her first, it doesn't matter. Tristan cannot believe his eyes. Pagkatapos ng ilang buwang paghahanap kay Lena, nandito ito mismo sa bahay nya. She lost weight but still the same sweet looking girl. Kinakabahang inayos nito ang salamin sa mata. She looked like she's ready to run but not this time, he thought. He stepped closer ngunit saglit na natigilan nang mapansin ang bahagyang umbok sa tyan nito. Nagbabara ang lalamunan nya nang magsalita.
"You're Maria Helena Basco." Hindi tanong iyon kundi kumpirmasyon. If he only knew na ang dating may ari ng resort na si Marial Helena at ang Lenang hinahanap nya ay iisa ay matagal na syang nakipag usap sa abogado nito. He thought talking to them was a waste of his time bukod sa talagang abala sya sa farm. Naipaliwanag na ng abogado nito ang illegal na pagbebenta ng resort. He couldn't care less. Noong panahong iyon ay abala rin sya sa paghahanap kay Lena. He almost asked Angelo about her. He hired private investigators ngunit lahat ay nabigong hanapin ang babae.
"Yes. And you're Tris." Nilinga nito ang mama nya na tila amused na nakatingin sa kanila.
"Tris to my mother..." hindi nya hinihiwalayan ng tingin ang babae. Tila takot syang panaginip lang ang lahat at maglaho itong muli.
"Well...I guess you're not selling and I should be going..." isinukbit nito ang shoulder bag.
"You're not leaving me this time, Lena." Isang hakbang ang ginawa nya at magkaharap na sila. "We have to talk. At sa palagay ko ay may dapat kang ipaliwanag sa akin." He was referring sa hindi maikakailang umbok ng tyan nito. Her face turned white.
"I have to leave, Tristan..." she stammered. Humakbang ito paurong ngunit agad nyang nahawakan ang braso nito.
"You didn't wait for me back then. Not this time, Lena. We're going to talk."
"I'm only here para sa usapin ng resort."
"Then we'll talk about it." Iginiya nya ito patungo sa library.

Ang tinutukoy nitong library ay isang kwartong tila nagsilbing opisina rin nito. May mesa at computer sa kabilang bahagi at may sofa sa kabilang bahagi. Iginiya sya nitong maupo sa sofa. She saw his eyes linger sa tiyan nya kanina at alam nyang hindi nya ito mapagsisinungalingan.
"So what do you want to talk about?" tanong nitong sumandal sa mesa at humalukipkip. He looks lethal and sexy.
"I came here about the resort...I thought I can buy it back?" alanganin nyang wika.
"You must have noticed na malaki na ang ipinagbago ng resort." Tumango sya. "I invested money. Magkano mo planong bilhin ang resort?"
"How much did you buy it from Odessa's father?"
"15 Million."
She gasped. Hindi nya akalaing ganoon kalaki. "They wanted 20 Million pero nakadiscount pa ako. Mukhang minadali nila ang bentahan. But I can't let you buy it back for 15 Million, sweetheart. Marami na akong naidagdag sa resort."
"How much are you selling, then?" nanlulumong tanong nya. Hindi na nga nya kayang maafford ang 15 Million what more ang presyong gusto nito.
"25 Million." Anito watching her face.
Napayuko sya kasabay ng paghilot sa sentido. "I can't even afford the 15 Million." Pag amin nya. He smirked at humakbang palapit sa kanya.
"Now, I want to talk..." anito. They were closed but not touching ngunit pakiramdam nya ay nawalan ng hangin ang paligid.
"About what..."
"About us...where we left off..." anito na tila kahapon lang nangyari ang pag alis nya sa duplex nito. "About this..." ang kamay nito ay humaplos sa tiyan nya and she froze. "I bet kaya kong hulaan kung ilang buwan na ito..." wika nitong nakayuko sa tiyan nya. His hands continue to caress the roundness of her belly. Tenderness reflected in his eyes.
"I...I don't ..." hindi sya handa sa confrontation na ito.
"Don't tell me you're going to deny me this child." May galit na nakiraan sa mga mata nito. His brown eyes turned a shade darker.
"Of course not..."
"And yet you have no plans of telling me." Akusa nito.
She guiltily bit her lips at doon natuon ang mga mata ng binata.
"I want to kiss you..." ang isang kamay nito ay humaplos sa pisngi nya bago marahang bumaba ang labi nito sa labi nya. His lips gently tasting the softness of her mouth and she suddenly feels emotional. "Hey, it's only a kiss..." pinahid ni Tristan ang luhang pumatak sa mga mata nya.
"..I'm okay..it's just..." hindi nya maipaliwanag sa binata na kasabay ng halik nito ay ang pagsalakay ng libo libong emosyon sa kanya.
"You must be tired. Iniradyo lang ng mama na may Maria Helena na naghahanap sa akin. Says it's an emergency."
"She seems to know me."
"She must have guessed." Nagkibit balikat ito.
"Guessed what?"
His smile was guarded. "Nothing. Why did you left, Lena? I told you to wait."
Namula sya. "I don't know what to say after casual sex..."
"Casual sex...so that's what you called what happened." Tumiim ang mukha nito.
"Hindi ba?" she asked challenging him.
"Maybe." Tumayo ito. "Let's have dinner. Para maihatid na kita sa resort."
She was hurt. Hindi nya alam ang tamang isagot nang hindi napapahiya but when he agreed na casual sex nga ang nangyari sa kanila ay nasaktan naman sya. She thought differently ngunit hindi nya kayang sabihin sa binata iyon. Pinigil nya ang mga luha na muling nagbabanta. Pregnancy makes her so emotional.

DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon