Chapter Ten

4K 115 1
                                    

Naiiling na ibinaba nya ang hawak na feeding bottle at tinungo ang display ng mga damit ng sanggol. Galing na sya sa OB noong isang araw at bukod sa resetang mga vitamins ay maayos naman daw ang lagay nya. Masyado pang maaga para mamili ng gamit ng baby ngunit naiinip sya sa bahay. At wala syang ginagawa kundi isipin si Tristan na mag iisang Linggo ng hindi nagpaparamdam. Hindi ba at tinanggihan mo sya? Bakit ngayon hinahanap mo? Sumbat ng isip nya. Sinaktan at itinaboy nya si Tristan, hindi sya dapat makaramdam ng pagsisisi.
Kinagabihan nang umalis sya sa resort ay tinawagan sya ni Tristan upang muling alukin ng kasal para sa kapakanan ng ipinagbubuntis nya. Ngunit nagmatigas sya at ininsulto ito.
"I don't love you. I can't marry you ng dahil lang dinadala ko ang anak mo. Besides, hindi mo kailangang isakripisyo ang kalayaan mo dahil lang nabuntis ako." Pinigil nyang gumaralgal ang tinig.
"You're selfish, Lena. I am offering you my name." Malungkot nitong pahayag. Bigla gusto nyang bawiin ang sinabi. "I love my child. Our child. Kaya kong ibigay ang kalayaan ko para mapabuti kayo." Ilang sandali itong tumahimik at akala nya ay naputol na ang linya ngunit muli itong nagsalita. "I have said my piece. Tried to be responsible. If ever you change your mind, alam mo kung saan ako hahanapin. "
"I won't change my mind." She sobbed softly nang matapos ang tawag. Hindi pa man ay gusto na nyang magbago ng isip.

Is she really selfish? Ngunit ano ang magiging pundasyon ng kasal nila kung hindi sya mahal ni Tristan? They were not even friends. Attraction is not enough. A child, sometimes is not enough.
Pinahid nya ang luhang nagtatangkang magbanta. Why am I hurting so much? Must be the pregnancy hormones, saloob nya. Walang dahilan para masaktan sya malibang mahal na nya si Tristan, napasinghap sya kasabay ng pag iling.
Tinungo nya ang cashier at binayaran ang ilang pirasong damit ng sanggol na hindi nya napigilang bilhin. After two weeks ay nakatakda syang bumalik sa OB para sa regular check up.
Matapos magbayad ay lumabas na sya ng Department store nang may tumawag sa kanya.
"Lena?" it was Angelo. Tinangka nyang umiwas ngunit mabilis nitong nahawakan ang braso nya. "It's really you!"
"Let me go..." aniya kasabay ng paghila sa braso na hindi nito binitawan.
"Let's talk." Anito.
"I can't...may pupuntahan pa ako." Kaila nya. Niyakap nya ng isang kamay ang pinamili upang itago ang maumbok na tiyan sa mapanuring tingin ni Angelo.
"You owe me an explanation kung bakit hindi ka sumipot sa kasal natin." May galit na nakiraan sa mga mata nito.
She laughed. "You cheated, Angelo. That's why."
"I can love you both, Lena. Nariyan lang si Odessa dahil hindi mo maibigay ang pangangailangan ko bilang lalaki." Sa wakas ay binitawan nito ang braso nya. Hinagod nito ng mga kamay ang buhok na napansin nyang mahaba na kesa dati.
"What a lame excuse." Matabang nyang wika.
"Hinanap kita. I still want you back." Muli tinangka nitong abutin ang braso nya na agad nyang iniwas.
"You want me back? Or your mother wants me back?" tuya nya. "At paano si Odessa? Ang pakikipagkutsaba mo para maibenta ang resort?" pinigil nya ang pagtaas ng boses dahil may mga ilang dumaraan.
"Alam ko kung nasaan sila...I can help you get the money mula sa napagbentahan." He sounded eager to help.
"You know I can't take you back kahit gawin mo iyon, Angelo." Bahagya syang nakaramdam ng awa.
"Why not?"
"Didn't you get my note?" she asked kasabay ng pagbaba ng mga pinamili upang malantad ang tiyan sa suot na bestida.
Shock was all over his face. And then anger. Bahagya syang napaurong at nilinga ang kalapit na gwardiya na may kausap na shopper.
"You really did it with that bastard." Hinablot nito ang braso nya. Napaungol sya mula sa sakit. "Well, hindi na nya malalaman." Hindi nya itinama ang akala nitong hindi pa alam ni Tristan ang kondisyon nya. "And I will take his child. You will marry me, Lena."
"No."
"You don't have a choice. I won't let you go."
Nilinga nya ang guard na ngayon ay nakatingin na sa kanila. "Guard..." agad itong lumapit.
"May problema po, ma'am?" tanong ng guard pero kay Angelo nakatingin.
"Wag kang makialam. This is my wife." Ani Angelo.
"No. Hindi ko sya asawa. He is harassing me." Hinila nya ang braso na atubiling pinakawalan ni Angelo. Agad syang nagtungo sa likuran ng gwardya. May mga ilang shoppers na rin ang nakikiusyoso sa kanila. Narinig nilang nagradyo ng additional security ang guwardya. Suddenly Angelo was his charming self.
"No need to call security. I'm leaving." Humakbang ito paurong. "I'll have you back, Lena." His eyes were on her at nais nyang kilabutan sa ngiting iniwan nito bago tuluyang tumalikod.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya.
"Okay lang po kayo, ma'am?" tanong ng guwardiya.
Tumango sya. "Salamat." Humakbang sya sa kabilang direksyon at pumasok sa isang restaurant. Nanginginig ang tuhod na naupo sya at idinayal ang number ng matandang abogado. Sinundo sya ng abogado sa kabila ng pagtanggi nya. Inihatid sya nito sa townhouse.
"Nag aalala ako sa iyo, Lena. I think Angelo is dangerous." Anito bago sya bumaba.
She tried to smile. "Sobrang abala na ako sa inyo, tito. Hindi nyo na dapat alalahanin pa si Angelo. Malabong malaman pa nya kung nasaan ako."
"You're like a daughter to me. Please call me kapag may kailangan ka."
"Thanks, tito. I will." Bitbit ang isang plastic bag mula sa supermarket at ilang pinamili ay bumaba na sya ng kotse.
Sinususian nya ang pinto nang marinig ang paghinto ng sasakyan. May nakalimutan marahil ang abogado. Humakbang sya palapit sa gate upang muling buksan iyon nang marinig ang tinig sa kabila ng saradong gate.
"Lena...I know you're there. Let's talk." Napaurong sya. It was Angelo. Nang hindi sya sumagot ay kinalampag nito ang gate. And she was holding her breath mula sa kabang nararamdaman kahit alam nyang hindi naman sya nakikita ni Angelo mula sa labas.
"You can't just leave me, Lena. I'll be back. We will talk." Anito makaraan ang ilang minutong pagkalampag sa gate.
Nang marinig ang papalayong sasakyan nito ay saka pa lamang sya nakahinga ng maluwag. Nanghihinang napasandal sya sa pader. She was about to dial the lawyer's number but decided against it. Angelo can't scare her, she thought grimly. She doesn't have to hide anymore.

DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon