Chapter Eight

3.9K 191 3
                                    


Peter arrived past 10am. Nakabihis na sya ng yellow cotton blouse at khaki pants. Isang maliit na bag lang ang dala nya bukod sa shoulder bag. Ayon kay tito Felix, kung makakausap nila ang may ari ay maari na rin silang bumalik ng Manila kinabukasan. And she feels positive, she feels that she and Marieta could get along at maiintindihan nito ang sitwasyon. Dahil mukhang matatagalang matagpuan ang pamilya ni Odessa, nakahanda syang ibalik ang halagang ibinayad nito kung kinakailangan para mabawi ang resort. Wala na syang planong ibenta ang resort kung sakaling mababawi nya ito.
"Hi. You ready?" ani Peter. Nakangiti ito bagaman halatang nagmamadali.
"Yeah." They grew up together dahil nga magkaibigan ang kanilang mga magulang ngunit hindi sila naging close. Mas close sila ng bunsong kapatid nito na si Kaye na nasa Texas na ngayon. "I'm sorry if naistorbo pa kita sa trabaho mo but tito Felix will not accept any condition."
"Well, you could have both go tomorrow." Wala namang masama sa sinabi ng binata ngunit nakaramdam sya ng guilt.
"Maybe you could suggest a car rental..."
"Sorry, Lena. It's alright. May deadline lang kasi akong hinahabol..." nilingon sya nito with a sincere smile on his face.
"I'm the one who should be sorry. Promise, I'll be alright kung may car rental na pwedeng..."
"Nonsense. Mapapagalitan ako ng papa." He said with a smile. "Saka ayaw ko rin namang magbyahe ka ng mag isa."
She murmured her thanks.
"But I'll drive really fast at pagdating doon ay ibaba lang kita and I'm gone." Tila birong totoo iyon and she smiled.
"Fine with me."
Hindi naman naging mabilis ang pagmamaneho ni Peter. Ngunit hindi rin sya nainip.

Nang pumasok sila sa solar ng resort ay tila batang excited na inilinga nya ang tingin. Marieta Sea Breeze Resort ang nakalagay sa malaking arko nito.
"Mas maganda na." aniya kay Peter.
"You're right. Nakakalungkot ang nangyari rito nang mawala ang dad mo." Inihinto nito ang sasakyan. "Mukhang naalagaan ng bagong may ari."
Nilinga nya ito. "Thanks Peter. Sana mabawi ko pa." tila may alinlangan nyang wika.
"Goodluck then." Anito bago lumabas at inalalayan syang bumaba. Binitbit nito ang maliit nyang bag at inihatid sya sa reception area.
"Good morning Ma'am, Sir..." nakangiting bati ng babae. Nakapolo shirt ito na kulay asul at may logo ng resort sa dibdib.
"May available bang room?"
"Meron po tayong cottages, ma'am. Ilang days po?"
"Overnight lang."
Matapos kunin ng babae ang ilang information at ang bayad nya ay ibinigay nito ang susi.
"Pakihintay lang po at ipapahatid ko po kayo." Magalang nitong wika.
"No need. Ituro mo lang kung saan at ako na ang bahala."
"Sige po."
"At saka pwede ko bang malaman kung nandito si Mrs. Marieta San Jose? Gusto ko sana syang makausap"
"Mamayang mga alas kwatro pa ho sya pupunta rito ma'am. Sasabihin ko po sa kanya na hinahanap nyo siya. Pwede ko po kayong pasabihan kapag nandito na sya."
Nagpasalamat sya at kasama si Peter ay tinahak nila ang direksyon ng cottage na ibinigay ng babae. Matapos syang ihatid ni Peter sa harap ng cottage ay nagpaalam na ito.
"Salamat Peter. Pasensya na ulit sa abala."
"Walang anuman, Lena. You're family." Tumalikod na ito.

Ang cottage ay gawa sa kawayan at sawali ang labas ngunit ang loob ay moderno. Off white ang tiles niyon at murang dilaw ang konkretong pader. May pandalawahang mesa sa bukana at sa dulo ng katamtamang laking silid ay queen size bed na may puting kubrekama at dalawang unang kaparehong kulay. May malaking cabinet sa gilid niyon. Tinungo nya ang banyo and was pleased. Malinis iyon. Ang shower area ay inihiwalay ng sliding door at may heater.
Lumapit sya sa bintanang kahoy at binuksan iyon. Nakatanaw iyon sa dagat. She breathed in the salty air at ipinikit ang mga mata. Noong bata pa sya ay madalas silang magtungo sa resort tuwing weekend. Nang mamatay ang mommy nya at magkolehiyo sya ay nabawasan na ang pagpunta nilang mag ama sa resort. Lumabas sya at naupo sa rattan chair na nasa maliit na balkonahe ng cottage. Malungkot nyang iginala ang tingin sa paligid. Mula sa pwesto nya ay tanaw nya ang entrada at reception ng resort. Tatlo pang magkakamukhang cottage ang katabi ng cottage nya and she was thankful na ang nasa bukana ang ibinigay sa kanya. Sa kabilang bahagi sa may likuran ng reception ay napansin nya ang isang matingkad na dilaw na gusali. Tatlong palapag iyon at sa tingin nya ay mga kwarto rin para sa resort. Sa tabi ng reception ay isang maliit na souvenir shop na hindi nya kaagad napansin. Katabi niyon sa may bahaging likuran ay isang malaking cottage na up and down at may balkonahe sa taas at baba. Base sa mga mesa at upuan ay sigurado syang restaurant iyon ng resort. She was fascinated. Hindi nya agad napansin nang pumasok ang pabilog na istruktura ng reception, souvenir shop at restaurant na magkakadikit. Tumayo sya at inilock ang cottage bago humakbang patungo roon.
Pasado alas dos na at bagaman nagdrive thru sila ni Peter sa isang fast food chain ay nakaramdam ulit sya ng gutom. Inikot nya ang nasabing istruktura and even found a diving booth sa likurang banda na hindi tanaw ng cottage nya. Huminto sya nang makarating sa harap ng restaurant.
Itinulak nya ang pintuan at pumasok. May mag asawang foreigner na kumakain sa isang sulok. Maliban sa mga ito ay wala ng ibang customer.
"Good afternoon po." Bati ng tila nag iisang waiter.
Ngumiti sya at naupo sa isang pandalawahang mesa. Iniabot ng waiter sa kanya ang menu at magalang na nagpaalam. Nang bumalik ito ay may dala ng four seasons juice na anito'y complimentary ng restaurant.
"Thank you." Nag order sya ng pansit at siomai. Kinuha nya ang baso ng juice at lumipat sa balkonahe. May tatlong mesa roon na pang apatan. Naupo sya sa isang sulok at marahang ininom ang juice. Kahit may araw pa ay hindi masakit sa balat sapagkat malakas ang hangin. Natanaw nya ang ilang kabataan na nagkakatuwaan sa banana boat na mukhang pag aari rin ng resort. Mula sa kinauupuan ay tanaw nya ang unang palapag ng dilaw na gusali at hindi iyon mga kwarto gaya ng akala nya. Ang ikalawa at ikatlong palapag lamang ang mga kwarto. Ang unang palapag ay hanay ng mga mesa at upuan for day tours marahil. Natanaw nya roon ang ilang teenagers na marahil ay kasama ng mga nasa banana boat. May ilang maliliit na kubo pa sa harapan ng dilaw na gusali.
Nang ilapag ng waiter ang pagkain nya ay magana syang kumain.
Noong mga unang buwan ng pagbubuntis nya ay madalas syang magsuka at mahilo. Halos lahat ng kinakain nya ay isinusuka nya kaya naman medyo namayat sya. Kaya ngayong nababawasan na ang pagsusuka nya ay sinasamantala na nyang kumain ng maayos. Sa makalawa ay ang appointment nya sa OB na inirefer ng tito Felix nya at excited na syang malaman ang gender ng baby. She was suddenly emotional.

Palabas sya ng restaurant nang masalubong ang babae sa reception.
"Ma'am...andito na ho si Ma'am Marieta." Anito. "Galing ho ako sa cottage ninyo."
"Thank you. Saan ko sya maaring puntahan?"
"Nasa souvenir shop po sya." Nagpatiuna na ito. Nang maihatid sya sa pintuan ng souvenir shop ay nag paalam na ito. Dalawang babae ang naabutan nya sa kabilang counter ng souvenir shop. Both in their mid 50's at parehong nakangiti sa kanya.
"Hinahanap ko po si Mrs. San Jose?" aniya
"That will be me." Anang babae. She noticed her light brown eyes and she dismissed the image of Tristan na agad pumasok sa isip nya.
"Maari ko po ba kayong makausap tungkol sa resort?"
"Maari tayong mag usap sa restaurant." Sinenyasan nito ang babaeng kasama at itinulak nito ang wheelchair ng matanda na hindi nya agad napansin. Agad syang sumunod sa mga ito.
"Would you like coffee or tea?" alok nito sa kanya nang lumapit ang waiter.
"Hindi na po,kakatapos ko lang hong kumain." Humingi ito ng kape sa waiter.
"So ano ang maipaglilingkod ko sa iyo. Nabanggit ni Grace na hinahanap mo nga raw ako." Simula ng matanda matapos ilapag ang hininging kape.
Tumikhim sya. "I'm Lena. Maria Helena Basco."
Kumunot ang noo ng matanda. "Should I know you?"
"Ako po ang dating may ari ng resort." Mabilis nyang ipinaliwanag kung paanong naibenta ng ama ni Odessa ang resort sa pamamagitan ng pekeng power of attorney. At ang nais nyang bilhin muli ang resort.
"Oh, that was sad. Nakakalungkot na may mga ganoong uri pa rin ng tao."
She felt hopeful. "Papayag ho ba kayong bilhin kong muli ang resort?"
"As much as I want to help you ay hindi ako ang makakapagdesisyon nyan."
"Ano hong ibig nyong sabihin?"
"Sa akin lang nakapangalan ang resort. This was a gift from my son. Sya dapat ang kausapin mo."
"Oh." Nanlumo sya.
"Why do you want this place back?"
"For sentimental reasons." Mabuway nyang wika. Wala ng bakas ng lumang alaala ang resort. Everything is new. Maliban sa swing malapit sa entrada na bagong pintura na rin. Marahil ay mas tamang magpokus na lamang sya sa paghahanap kay Odessa at sa ama nito at baka sakaling may makuha pa siyang pera mula sa napagbentahan ng resort.
"Why don't you talk to my son, Tris?" kapagkuwan ay wika ng matanda. "Maybe you two can work out something..." may maliit na ngiting naglalaro sa mga labi nito.
"Nandito ho ba sya?" tanong nya bagaman hindi na umaasa.
"You can come with me sa farm."
"Farm?"
"Malapit lang dito. About 2 kilometers?" her smile was kind and friendly.
"Pwede ba akong bumalik dito sa resort after?" nais nyang sa resort magpalipas ng gabi.
"Of course, dear. Ipahahatid kita sa driver."

Ilang sandali pa at sakay na sila ng isang pick up. Magkatabi sila sa likuran ng sasakyan at likas na palakaibigan ang matandang babae. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga alaala nya sa resort.
Ang halos dalawang kilometrong sinasabi nito ay hindi naman pala ganoon kalayo sapagkat pagkalabas ng resort ay pag aari na ng pamilya nito ang lupain. Lamang ay nasa bandang dulo pa ang bahay ng mga ito.
Maliit na ang daan habang papasok sa farm. Halos eksakto lamang para sa dalawang sasakyang magkasalubong.
Nang makalampas sa hile hilerang puno ay isang malawak na lupain ang bumungad. May mga baka roon na malayang nanginginain. Sa dulo ng tinatahak nilang direksyon ay tanaw na ang pulang bubong ng isang malaking bahay. Habang papalapit ay mas lumalaki iyon. Gawa sa semento ang unang palapag at ang ikalawang palapag ay gawa sa magandang klase ng kahoy. May malalaking bintana sa itaas at may terrace sa pinakang gitna na nakatunghay sa malawak na lupain.
"This is so big." Bulalas nya nang makababa ng sasakyan. Binuhat ang matanda ng driver at itinulak ang wheelchair papasok. Hindi nya inaasahang moderno ang loob ng bahay bagaman sa ilang antique pieces on display. May malaking beige L shaped sofa sa sala at tawag pansin ang magandang disenyo ng chandelier sa kisame. Sa kabilang bahagi ay natanaw nya ang mini bar.
"You have a beautiful house." Sinserong pahayag nya.
"Thank you. Pinaradyohan ko na ang anak ko. Pero dito ka na maghapunan." Anyaya nito.
"Oh...I.." nais nyang tumanggi. "Matatagalan ho ba ang anak ninyo?"
"It depends kung marami syang-oh, he's here." Nilinga nito ang pumaradang lumang wrangler jeep.
Nais nyang tumayo upang tingnan ang dumating ngunit piniling hintayin na lamang makapasok ang tinutukoy nito.
"What's your emergency, ma?" tanong ng pumasok. Pigil ang hiningang nilinga nya ang pinanggalingan ng tinig. Faded jeans that hug his thighs, maputik ang puting tshirt at bota. But it's Tristan. Tris is Tristan! His hair longer and stubbles darken his face ngunit tila ito modelong lumabas sa isang magazine. Hindi pa sya napapansin ng binata and she wanted to hide. Nagpapanic na napatayo sya. And then their eyes locked.

Few chapters left, please don't forget to vote and follow.  Thank you.

DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon