Kahit walang pasok ay sanay syang gumising ng maaga. Lumabas sya sa maliit na porch bitbit ang mug ng umuusok na kape ngunit ang mga mata ay agad na hinayon ang kabilang unit. Bagaman mataas ang pader at gate sa harapan, ang naghahati sa duplex ay hangga dibdib nya lamang. Akala marahil ng contractor ng duplex ay close ang mga may ari at nais magkwentuhan, nangiti sya sa isiping iyon.
Napaunat sya sa pagkakaupo sa pasamano nang bumukas ang pinto at lumabas si Tristan. Shirtless. And her heart made that crazy beat again. Agad na nagtama ang mga mata nila. His smile was slow and sexy. When did you know it was sexy, kastigo nya sa sarili. Gumanti sya ng ngiti.
“Hi neighbor.” Anito.
“Hi yourself.” Humigpit ang hawak nya sa mug nang tumayo si Tristan sa pagitan mismo ng pader. He was taller kaya nakikita nya ang malapad na dibdib nito at balikat.
“What’s for breakfast?”
“Oh…” Pagkatapos magtimpla ng kape ay lumabas na sya upang silipin ang kapitbahay at nakalimutan nya ang almusal. “I’ll make ham and egg sandwich…gusto mo ba?”
“That would be nice.”
Tumayo sya mula sa pasimano at nagpaalam na papasok sa loob. Pagdating sa loob ay agad syang nagprepare ng sandwich. Napakamot sya nang maalalang naubos na ang ham nya kahapon. She fried the bacon instead and made another cup of coffee.
Nang muli syang lumabas ay abala si Tristan sa pagpupunas ng sasakyan. Lumapit sya sa division ng duplex at sandaling minasdan muna ang binata bago inilapag sa ibabaw ng pader ang sandwich at kape. His back was on her. Glistening sa liwanag ng araw and there was something sensual about it. Nakaboxer shorts lang ito at walang tsinelas. Gusto nyang batukan ang sarili sa kung ano anong naiisip.
“Like what you see?” anang binata na hindi lumilingon sa kanya. Sa labis nyang kahihiyan, kita ang reflection nya sa pinupunasan nitong salamin ng sasakyan. Lumingon ito at kumindat.
“I’m not…” hindi nya alam ang sasabihin kasabay ng pag iinit ng mukha. “I brought your sandwich and coffee kung hindi ka pa nagkakape…”
Humakbang ito palapit. Nais nyang umurong pa ngunit nanatili syang nakatayo gaping at him.
“Don’t look at me like that…” anito nang magkaharap sila. She almost forgot how tall he was. At sa posisyon nilang iyon, he was like a god looking down at her. And she was awed. His eyes almost golden with thick lashes. Strong straight nose and sensual mouth which curve slightly when he talks or break into a lazy smile. High cheekbones and strong jaw na tinutubuan na ng stubbles. At may ilang sandaling nais nyang itaas ang kamay at damhin iyon. Tumikhim ang binata at tila sya nagising sa hipnotismo. His eyes were suddenly sharp bago ito umatras. “Thanks for the breakfast. Isosoli ko na lang mamaya ang platito at mug. I have an early appointment.” Tumalikod na ito bitbit ang dala nyang almusal.
She cursed silently bago nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay. What is she doing? Tristan is not Angelo’s friend. Ano na lamang ang sasabihin ni Angelo kapag nalamang nakikipagkaibigan sya rito? And worse, dinalhan pa ito ng almusal. Naupo sya sa dining chair at tinuon ang atensyon sa ginawang sandwich.
She was still eating her sandwich nang marinig ang tunog ng papaalis na sasakyan ni Tristan. Pinigil nya ang sariling tumayo. Napapitlag sya nang tumunog ang cellphone.
“Hey hon. Did I wake you up?” bungad ni Angelo.
“No,kanina pa ako gising.” Nilinga nya ang orasan. It was quarter to Eight.
“Pinapauwi na ako ng mama today sa Batangas, may mga kailangan pa raw ayusin for our wedding.”
“Isasama mo na ako?” nakaramdam sya ng pagtutol.
“Oh no. Okay lang na sumunod na lang kayo ni Tita Rose and your friend on Thursday.”
“Pero di ba ngayon natin kukunin ang singsing sa mall?” naalala nya. Sa reaksyon ng nobyo ay alam nyang nawala rin sa isip nito ang pagkuha sa singsing.
“Ako na lang ang kukuha. Dadaanan ko na bago umuwi.” Tila nainis na wika nito. Isa ito sa mga kapintasan ng nobyo na tinanggap na rin nya. Madaling uminit ang ulo nito sa maliliit na bagay.
“Pwede ko ring daanan. Wala naman akong gagawin ngayon.”
“Nasa akin ang pambayad.”
“You can refund me pagdating sa Batangas…”
“Alright…” wala namang problema sa resibo dahil kilala silang pareho ng may ari ng jewelry shop. “Thanks hon.”
“Anong oras ka ba aalis papuntang Batangas?”
“Mga after lunch siguro.”
Nagpaalam na sya at hindi na umimik na mas malapit ang condo nito sa jewelry shop kumpara sa duplex at kung after lunch pa ito aalis ay mahabang oras pa iyon. Isang bagay na natutunan nya sa relasyong iyon ay ang pagbigyan ang maliliit na kapintasan ng nobyo.
BINABASA MO ANG
Destined
Romance"Hindi ako ang kasintahan mo." "Alam ko. At hindi ko gagawin kung ikaw sya." "So, my stepbrother's wife to be is promiscuous."Nanunuyang wika nito. "Ito na ang pagkakataon mong makaganti, wouldn't you take this chance?" Pilit nyang nilakasan a...