Chapter Eleven

4.2K 114 1
                                    

She breathed in the salty air habang nakaupo sa buhanginan.  Nang makarating sa bahay ng matandang abogado ay agad nyang tinawagan si Tristan ngunit cannot be reached ang cellphone nito.  Nang tawagan nya ang resort ay nasa Davao raw ito at sa makalawa pa ang balik at ngayon na iyon.  Kahapon ay nagcheck in sya sa resort at sinubukang tawagan ang binata ngunit hindi pa rin ito makontak.  Inaasahan nyang makikita ito ngayon ngunit papagabi na ay wala pang balita kung nakabalik na ang binata.  Ang mama nito ay sinamahan syang maglunch kahapon.  Kaninang maliwanag pa ay nasa resort din ito ngunit ngayon ay nakauwi na sa farm.  Iniimbitahan sya nitong sa farm tumuloy at hintayin si Tristan ngunit magalang syang tumanggi.  She insulted Tristan the last time they talked.  Hindi nya alam kung paano sasabihin ngayon sa binata na tinatanggap na nya ang alok nitong kasal.  Hindi nga nya alam kung bukas pa ang alok nitong kasal. 
“Ma’am nasa parking po si Sir Tristan kadarating lang.” Anang isang empleyado ng resort.
Nagpasalamat sya at tinungo ang parking.  Nakita nya si Tristan na nakatalikod sa bandang likuran ng pick up nito.  Bagaman well lighted ang parking ay bahagyang madilim sa pwesto ni Tristan. 
Tila hindi namalayan ng binata ang paglapit nya.  Malalim syang huminga at nagsalita ng malakas bago pa sya iwanan ng lakas ng loob.  “Tristan…I’m accepting your marriage proposal.  I will marry you.”
She smiled awkwardly nang lumingon ang binata.  “Lena?”
Ngunit nabura ang ngiti nya nang mapansing hindi ito nag iisa.  Hindi nya napansin ang natatakpan nitong kasama.  A woman!  Na ngayon ay nakatingin din sa kanya with curiousity.  Napaurong sya and Tristan instinctively stepped closer bringing him to the lighted area pati na rin ang kasama nito.  She wanted to die in shame.  Bakit hindi nya naisip na maaring may nobya si Tristan?  The woman is tall and strikingly beautiful.
“Hi…sorry.  I’ll talk to you later.” Nagmamadali syang tumalikod at hindi pinansin ang pagtawag ni Tristan.
Sumandal sya sa saradong pinto ng cottage at nanghihinang pinunasan ang pawis at luha.  Luha!  Nabigla sya sa realisasyon na nasaktan syang may kasamang iba si Tristan.  Pregnancy hormones, giit nya.  O marahil ay nalulungkot lang sya para sa anak nya na hindi na magkakaroon ng kumpletong pamilya.  Kaya pala hindi na sya sinundan ni Tristan, malungkot nyang naisip habang muling nagbabanta ang mga luha.
Nagulat pa sya nang may kumatok.  Pinahid nya ang luha at binuksan ang pinto.  It was Tristan.  His face serious. 
“You wanted to talk to me?” tanong nito. 
“I tried calling you.” Umatras sya nang pumasok ito.  Naupo ito sa pandalawang dining set at sinenyasan syang maupo.  Atubiling sumunod sya.
“I left my cellphone.  Hindi ko nadala sa Davao.  Galing na ako sa farm nang sabihin ng mama na nandito ka and wanted to talk.”
Hindi sya makapagsalita.
“I’m sorry.  Hindi ko naisip na may girlfriend ka…kalimutan mo na lang siguro ang sinabi ko.”
Tumaas ang kilay ng binata.  A hint of smile curved his lips. 
“That’s Vivien.”
“Sorry, I blurted out like that…”
“Yeah, that was unromantic.” Amusement lit his eyes.  “So, why are you here again?”
She bit her lips and stopped nang mafocus doon ang atensyon ni Tristan.
“I thought…” she sighed.  “Angelo was harassing me…” mabilis nyang ikwinento ang ginawa ni Angelo at nagdilim ang mukha ni Tristan. “So I thought…if we get married, titigil na si Angelo.”
“Ipagpapasalamat ko na ba ang mga gulong ginagawa ni Angelo…”  
“Pero hindi ko naisip na may nobya ka…at kalimutan mo na lang kung makakagulo sa inyo…”
“Si Vivien?  She’ll understand…”
Nagsisikip ang dibdib nya.  Nobya nga ito ni Tristan!  “Will she be your mistress?” she asked in a small voice.
“Oh…I guess I’ll have to think about marrying you…” tila naaaliw na wika nito.
Her shoulders dropped.  “Yeah, I guess.” Hindi maipagkaila ang lungkot sa tinig nya.  Tumayo sya at binuksan ang pinto sa pag aakalang tapos na ang usapan nila.
“Pinapaalis mo na ako?” tanong nitong hindi tumatayo.
“Oh…akala ko pag iisipan mo…” she closed the door again.
“You can try convincing me…now…” Tristan said softly. 
Nalilitong nakatayo lang sya sa harap ni Tristan.  Hindi nya alam kung paano kukumbinsihin ang binata.  Kung mahal nito si Vivien, ano ba naman ang laban nya?  She took his hand at dinala sa umbok ng tiyan nya.  “I don’t know how to convince you.  Kung mahal mo si Vivien…hindi ko kayang pantayan iyon…” her voice croaked.  “But…maybe..maybe our child can…”
Tristan’s eyes softened.  Hinagkan nito ang tiyan nya at hinapit sya.  He sat her on his lap at mahigpit na niyakap.
“Will you marry me now?” she asked.
Tristan chuckled.  “Definitely.”

DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon