When I fall in love... it start for my stuttering mouth.
Chapter 3
Hug
"Ang tahimik mo yata ngayon?" Bulong sa akin ni Andy habang nagsasalita ang prof namin na nasa unahan. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tahimik, Andy. Baka makita tayo ni Sir—-" napapikit ako ng tawagin ni Prof ang apelyedo naming dalawa.
"Saavedra and Suarez, can you share with us what you're talking about?" Mas lalo kong sinamaan ng tingin si Andy. Tanging ngiti at kibit balikat lang ang sinagot niya sa akin. Nakakainis!
"We're not talking, Sir. She asked me about what you're topic today. Sinagot ko lang po ang tanong niya. Sorry for disturbing your discussion." He warned us before he continued his lesson. Nakakainis talaga minsan si Andy. Tss.
Natapos ang klase na tanging bulong at salita lang ni Andy ang naririnig ko. Gusto kong matawa. Kahit sobrang daldal niya, hindi ko magawang magalit sa kanya. She's my bestfriend after all.
Isang malakas na tilian ang nagpalingon sa aming dalawa ni Andy pagkatapos lumabas ni Prof. Lahat ng mga kaklase naming babae ay nag-unahan sa paglabas ng classroom. Ang mga lalaki naman ay dinedma ang taong nasa labas. Nagkatinginan kami ni Andy saka sabay nagkibit balikat.
Sino na naman kaya ang pinagkakaguluhan ng mga babaeng 'to? Panibago na namang gwapo? Tss.
Andy knows me being addict with handsome guys. I acted like one but honestly, I'm not. I like seeing her being happy even if I pretended being fan of handsome guys. Masaya akong nakikita siyang naiinis kapag tumitili ako kapag nakakakita ng mga gwapong lalaki. She's my happy pill. She's my other half.
"You two, someone wants to see you." Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Nakataas ang kilay nito habang naka-crossed arm ang dalawang braso. Problema ng isang 'to?
Papansinin ko sana ang pag-iinarte ng babaeng nasa harapan namin kung hindi lang ako pinigilan ni Andy para tumayo at puntahan ang someone na tinutukoy ng pangit na babae. May araw din siya sa akin, pangit siya.
"What are you doing here?!" Nangunot ang noo ko sa naging reaksyon ni Andy nang makita ang lalaking nakausap ko noong isang linggo. Nakaturo na naman ang daliri niya sa direksyon ng lalaki.
"Bunso, calm down—-" Andy cut him off. "Why would I'll calmed down?! What are you doing here all of a sudden? Sinong pinunta mo rito, KUYA!" Nanlaki ang mga mata ko. Napanganga. M-Magkapatid sila? P-Paano?
"K-Kuya? M-Magkapatid k-kayo? Andy!" I'm hyperventilating right now. Hindi ako makapaniwala. May kutob na ako pero hindi ko alam na totoo pala talaga. This guy and my bestfriend is siblings. I can't believe it.
"Umalis ka na, Kuya. Huwag na huwag mong lalandiin ang bestfriend ko. I'm warning you." Kahit matapang ang boses niya, may respeto pa rin ang pagsasalita niya.
She's between me and her brother. Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling landiin nga ako ng kapatid niya. Pero hinding-hindi 'yon mangyayari.
"Bunso, relax. I'm here not because of her. I'm here to see you. That's all." Tiningnan ko ang magiging reaksyon ni Andy. Mas lalong tumaas ang kilay nito. Hindi naniniwala sa sinasabi ng kapatid niya.
YOU ARE READING
When She Fall In Love
Fiksi RemajaWhat if her bestfriend's brother fall inlove with her. What if her bestfriend's brother is 25 years old and She was 20,What will happen then? What if she feels the same way? Is she risk her heart to that man she loves? Or she stay away from him. ...