Prologue

225 3 0
                                    

Love is like an open door ika nga. Sabi nila, makikita mo din ang "your the right one" sa tamang panahon. Dahil hindi mo pwedeng madaliin ang pag-ibig. Maaring makatagpo mo ang your the right one pero sa maling panahon, sa maling lugar, sa maling oras. Maghintay ka lang. Kasi, "True love waits". Gaya ng pangako niya....

"Manuela!", tawag sa'kin ng himpaktitong lalaking wala na mang ibang ginawa kundi inisin ako buong araw. Araw- Araw na lang sinisira niya ang buhay ko. " BAKKIIITTT NA NAMAN??", pagalit kong tanong. Ewan ko ba pero hindi ko talaga makuha kung bakit lagi na lang siyang ganyan. Minsan, binabara niya ako. Minsan naman binabato niya ako ng papel. At sa lahat ng pwede niyang gawin, pinakakitaan niya ako ng " f*ckyou sign"sa tuwing lumilingon ako sa kanya pag nambabato siya o tinatawag niya ang pangalan ko. " Freeeennnn!!", pang-iinsulto niya habang nakangising-aso na nakaharap sa dagat. Yes, sa dagat! nasa beach kami ngayon dahil magsho-shoot kami  ng video para sa project namin at sa kasamaang palad, ka-grupo kami. Hinahabaan ko lang ang pasensya ko dahil project namin to kaya kailangan ko talagang makisama sa impaktong ito. " Reign Manuela Amatori",sigaw niya sa kawalan at nakangiting-asong tumingin sa'kin. Nakangunot ko siyang tinignan at mag-aambang susuntukin siya dahil puot na puot na ako sa kanya. " Ang pangit mo!", habang gigil na pinipisil ang pisngi ko at tawang-tawa sa mukha ko. " Arrrayyy koo, ano bang problema mo?", galit kong tinanggal ang kamay niya at higpit na hinawakan para masaktan siya pero nakangiti pa rin siya. May sayad talaga ang lalaking to.  " Anong kurso ba ang babagay sa'kin?", bigla niyang tanong sa kalagitnaan ng rambolan namin. Binitawan ko ang kamay niya at sinagot ang tanong niya. " Ano bang gusto mong kunin?", tanong ko sa kanya. Syempre alam ko naman na hinihingi niya ang opinyon ko pero siya pa din naman ang magdedesisyon ng future niya. " Hindi ko alam. Kaya nga tinatanong kita di ba?", pabara niyang sagot. Tinignan ko siya at seryoso naman siyang nakatitig sa'kin. "Be practical", yan lang ang nasabi ko sa kanya. Ngunit biglang sumagi sa isipan ko na gusto niya palang maging engineer. " Di'ba gusto mong maging Marine engineer? magseaman ka na lang kaya", sabi bigla sa kanya pero mas nabigla ako sa sagot niya. " Basta hintayin mo ko ha, papakasalan kita", nakangiti niyang sabi at lumingon sa dalampasigan.

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon