CHAPTER 7

4 0 0
                                    

CHAPTER 7

Kinbukasan, paggising ko katabi ko sya at yakap nya ako. Pagtayo ko pumunta ako sa labas at nag isip isip. Nakita ako ni Hershy at pinuntahan nya ko.

Hershy: What happened?

Dyenie: Ewan ko, feeling ko mali.Mali yung nararamdaman ko ngayon.

Hershy: Anong mali? Mali na magmahal.

Napatingin ako sa kanya.

Hershy: Love is not a mistake, its a choise

Dyenie: Oo its a choise pero ipinangako ko sa sarili ko na di ako magkakagusto sa isang katulad nya.

Hershy: But you can't tell what you gonna do. Because love takes time.

Dyenie: Natatakot ako.

Hershy: Afraid of what? Afraid of falling apart and falling

Dyenie: Oo kasi yung love namin nasa papel lang naman nasusulat eh kaya kami magkasama ngayon.

Hershy: Kung mahal ka talaga nya kahit walang papel kayo pa din.

Niayakap nya ako. Buti na lang nandyan sya para sa akin. Thanks Hershy sana all may ganitong kaibigan. Sa loob ng cottage namin nakita ako ni Deiblor na malalim ang iniisip.

Deiblor: What's wrong D?

Dyenie: Wala

Deiblor: Wala, eh kung makaemote ka dyan wagas.

Dyenie: Yung contract

Deiblor: Ano ka ba D kahit naman mag end yung contract ikaw pa rin naman pipiliin ko. Wag ka ng umiiyak ok. Uuwi na tayo mamaya.

Niyakap nya ko. Yung time na yun pakiramdam ko safe ako. Ok lang ang lahat at masaya lang kami. Pagdating namin sa bahay.........

Dyenie: Thanks for taking me here.

Deiblor: Anytime

Dyenie: Bye ingat

Deiblor: Wait, wala bang goodbye kiss

Lumapit ako sa kanya at nagkiss kami. Ewan ko kung bakit ko naisip na gawin yun pero siguro dahil gusto ko na rin sya. Pagpasok ko ng bahay hinanap ko si mama at humingi ako ng tawad sa ginawa ko.

Dyenie: Ma, I'm sorry about sa nangyari last time

Mama: Ok na yun nak. Musta nga pala ang lakad nyo ni Deiblor.

Dyenie: Naku ma ang daming nangyari.

Naupo kami at nagkwentuhan habang nagmemeryenda. Sa bahay naman nila Deiblor sinalubong sya ng mommy nya.

Mom: Oh son, how's your trip?

Deiblor: Its good mom. Very happy vacation

Mom: Why? Kayo na ba ni Dyenie?

Deiblor: Yes ma. I tell her already everything

Tuwang tuwa ang mama nya kaya napaiyak ito. Grabe iba din si mother. Lakas maka bestactress sa emotion. haha. Habang nagluluto ako kinabukasan tumunog ang cellphone ko at tumatawag si Deiblor.

Dyenie: Hello

Deiblor: Hello D. Pupunta ako dyan mamaya,

Dyenie: Bakit?

Deiblor: Pasyal sana tayo. Yung tayong dalawa lang.

Dyenie: Ok.

Nag ayos ako ng sarili ko at nagbihis ng maayos. Paglabas ko nakita ko agad si Deiblor na nag aabang na para sa kin. Nakasuot sya ng polo na blue at nakapants.

Deiblor: Hi D

Dyenie: Hi

Deiblor: Let's go na

Pinagbuksan nya ko ng pinto at sumakay sa kotse nya. Dinala nya ko sa bahay nila. Tinakpan nya ang mata ko at dahan dahan akong dinala sa garden nila. Pagbukas nya ng mata ko nagulat ako ng makita ang table na may foods at candle. Binigyan nya ko ng red rose.

Deiblor: Come on let's eat

Kumain kami tapos sinayaw nya ko. Pagkatapos naming kumain nagpunta kami sa isang carnival. Nagtry kami ng mga rides. Unang ride nami na sinakyan is roller coster

Dyenie: Ahhmm, Deiblor takot kasi ako sa High

Deiblor: Ano ka ba masaya toh. I'm sure mawawala takot mo sa high kapag natapos na toh.

He hold my hand at pinakalma nya ang loob ko dahil sa sinabi nya. Then nagtiwala nalang me sa knya. Next ride na sinubukan namin ay horror boot. Pagkatapos ng mga rides kumain kami ng ice cream.

Deiblor: Nag enjoy ka ba?

Dyenie: Oo naman siguro tagal na din nung huli kong naramdaman yung ganitong saya. Kaya thanks Deiblor kasi pinaranas mo ulit yun.

He hold my hand.

Deiblor: I love you

Natahimik ako ng sinabi nya yun. At di ako nakapagsalita sino ba namang di magugulat na sabihin syo yun face to face diba. I'm sure maiilang din kayo.

Deiblor: Wala man lang bang I love you too?

Dyenie: Excuse me Deiblor CR lang ako.

Tinalikuran ko sya at pumnta ako sa CR. Kinausap ko ang sarili ko sa salamin. Akala ko ba ok na kaming dalawa. Pero bakit parang di ko pa rin kayang icomfess ang feelings ko sa kanya. Lord help me. Biglang kumatok si Deiblor sa pinto.

Deiblor: D? Tapos ka na ba uwi na tayo

Dyenie: Ahh, oo D lalabas na ko. Wait a minute

Lumabas ako ng CR at hinatid na nya ako sa bahay.


My Destiny Boy (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon