Chapter 2

317 76 12
                                    

Chapter 2

Nagpatuloy lang kami sa ganoong set-up na kulitan, barahan, at iba pang ma-trip namin sa isa't-isa without us noticing na 1 year na pala kaming nasa ganoong komunikasyon. Marahil ay sadyang nag-enjoy lang kami kaya umabot kami nang ganoon katagal. Ngunit, dumating ang oras na para bang may something. Parang may nagbago. Heto na ba 'yung sinasabi nilang, "People do change."? For now, I still don't have clues. Basta ang alam ko at sure akong nararamdaman kong may nagbago.

Ako ang naunang nag-pm. Ganoon kasi kami na kung sino ang unang magising, siya na ang start ng conversation.

"Uy! Kamusta na?"

(seen 7:39 am)

"Hi bradah! Kagagaling ko lang ng school. Grabe! Tambak ng assignments. Ngarag nanaman this!"

(seen 5:31 pm)

"GoodNight!"

(seen 9:45 pm)

S

E

E

N

Z

O

N

E ............

Well, seen zoned lang naman 'yan. Walang may pake. Sheeems! Hindi eh! Hindi 'yon seen zone lang! Seen zone 'yon! At ang masaklap, paulit-ulit pa! Wow! Palakpakan ka Jared. Seen zone lang naman kasi. Hindi naman sa sobrang nakakasakit ang ginagawa niya. For me, it feels like I AM IGNORED, NEGLECTED, FORGOTTEN AND ABANDONED.

Masyado nang napapadalas ang mga ganoong pangyayari. Naiisip ko minsan na tumigil na sa pag-pm pa sa kanya kasi sino ba siya? Eh hindi ko pa nga siya kilala personally. Pero may kung ano sa akin na nagsasabing kamustahin ko siya kahit na hindi ako nakakatanggap ng response. At dumating na ako sa maximum level. Sumabog na ako. 'Di na ako nakatulog kakaisip kaya nag-pm ako lahat ng hinanakit ko sa kanya.

---

"Hoy Jared! Grabe ka! Sige! I-Seen zone mo lang ako kung diyan ka sasaya! Ano bang problema mo? May nasabi ba akong masama? Sabihin mo naman sa akin oh! Para alam ko 'yung ginagawa ko! Hindi 'yong ganyan na biglang hindi ka na lang makaka-usap!" (sent 4:00 am)

(seen 4:05 am)

(Aba't sinusubukan talaga niya ang pasensya ko.)

"Ano po bang kasalanan ko? Sorry po. 'Di ko po sinasadyang masaktan ko kayo. Hindi ko talaga alam ang kasalanan ko bakit mo ako ginaganito eh. Pero kung ayaw mo talaga, sige, suko na po ako."

Bigla kong nakita ang word na "typing". For so long, ngayon ko lang ulit nakita iyon.

"Jade, wala kang kasalanan. Sorry kung nasaktan kita. Pero sinubukan ko lang talaga na iwasan ka kasi unti-unti na akong nahuhulog sayo! Pero hindi ko napaglabanan! Mahal na kita Jade!

Pagkabasa ko nang mga line na 'yun, naging emotionless ako. Marahil dahil nabilisan ako sa nangyari? O sadyang hindi ko ine-expect na ganoon na pala ang nararamdaman niya ever since naging SEENer siya.

Nagpop-up muli ang message box ko hudyat na may nag-message muli.

"Ikaw naman ang nangseen zone. Pasensya na kung nabigla kita. Iiwas na lang ako."

Gulat pa rin ako at hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko.

Sa hindi inaasahan , . .

Log-Out..

"OMG!!! Ano ito? Wala akong reply sa kanya, napindot ko pa ang log-out button! Gosh! Anong nangyayari sa akin? Hey Jade!! Gising!!" sabay pa ng mahihinang hampas sa mukha para kahit papaano ay mahimasmasan.

"What's happening ba kasi? Bakit ang bilis ng beat ng puso ko! Anong ibig sabihin nito? Mahal ko din siya? Ganuoo? Pero di ako sure sa nararamdaman ko! Baka infatuation lang or carried away lang sa emotion niya."

Gusto kong makasiguro sa nararamdaman ko.

Ngunit hindi ko alam kung paano.

The Virtual CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon