Chapter 3

264 74 6
                                    

Chapter 3

Days passed, pero hindi na nag-iiwan ng message si Jared sa akin. Mukhang desidido talaga siya sa sinabi niyang pag-iwas. Pero ang katunayan, 'di ko rin naman kasi nireplayan iyong last message niya. Ako pa tuloy 'yung nang-seenzone.

Habang dumadaan ang bawat araw, lagi kong hinihintay kung may message ba siya sa akin o wala, Nag Log in ba siya o hindi, o active pa ba o hindi na.

Bakit ganito ang dating sa akin? Everytime na hinihintay ko siya sa FB world, may nararamdaman ako. May masakit. 'Di ko ma-explain, pero masakit talaga eh.

Can this be love???

"Hay Jared . . ." -buntunghininga ko habang nakaupo sa isang sulok.

"sino nga ulit iyon?"

"Ay! Butiki! Kalabaw! Baka! Baboy! Mukha kang unggoy Mikaela!" gulat na sabi ko nang biglang magsalita si Mikaela mula sa likuran ko.

"baka ikaw riyan!" agad niyang sagot.

"whatever......" at lumayo na ako sa kanya.

"Ayan kasi! Ang lalim ng iniisip. Tama na kakaisip sa kanya, mahal ka nya." Pahabol naman ni mikaela.

Lihim akong napangiti sa sinabing iyon ng pinsan kong si Mikaela.

Sa sobrang pagod sa buong umaga, ay nakatulog ako. Pagkagising ko, bigla agad napasok sa isip ko si Jared. Parang may nag-uudyok sa akin na mag-send ako ng message. Basta kahit anong message para mapansin lang ako.

Nung mga time naman na iyon, parang may kakaibang feeling akong nararamdaman.

Masaya.

Natutuwa.

Natatawa.

Kinikilig?

Hmm.........

Pwede!!

Bumangon ako sa higaan ko, kumain at agad na tinapos lahat ng gawaing bahay, naligo at nagkulong sa kwarto. Dali-daling nagLog-In sa facebook at tinignan kung sinong online at, nakita kong may kulay green na bilog sa may tabi ng pangalan niya.

ONLINE SIYA!!!!!!!!!!

Pumunta kaagad ako sa message button, hinanap at binasa ang mga past conversations with him. I took some breathe in and out exercise for me to have this guts and courage to leave him a personal message.

inhale......

exhale......

inhale......

exhale......

............type

............type

(SEND)

Nagma-malfunction ang kamay ko.

Tagaktak ang pawis ko na para bang kasing laki na ito ng mga butil ng mais.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

In short, kinakabahan ako.

Wala akong ideya kung ano ang maaaring kalabasan ng ginawa kong pag-pm sa kanya. Bahala na. Let the fate decide.

The Virtual CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon