Jade's POV
Nag o-online ako sa FB kapag wala akong session ng chemotherapy. Binabasa ko ang mga message niya sa akin, pero hindi ko siya nire-Replayan. Though, gustong- gusto ko ng sabihin na SOBRANG MISS KO NA SIYA, pinipigilan ko pa rin ang sarili ko.
Nilibang ko ang sarili ko. NagDownload ang kapatid ko ng iba't-ibang masasayang applications sa phone ko. Nakakalimot ako pag naglalaro ako. Hanggang lumipas ang 1 month.
6:30 ng umaga noon. Pagkatapos kong inumin ang mga gamot ko, biglang nag-vibrate ang phone ko.
May tumatawag.
Number.
Me: Hello? Sino po sila?
Unknown: Hahanapin kita. Magkikita pa tayo. Matutupad pa lahat ng pangarap natin. Gagawa pa tayo ng isang masayang pamilya. Kaya lumaban ka please. Mahal na mahal kita.
(call ended)
Ano daw? Hahanapin ako? Magkikita pa kami? Wala naman akong maalala na pinag-utangan ko ah! Matutupad pa lahat ng pangarap namin? Gagawa pa kami ng isang masayang pamilya. Kaya lumaban daw ako? At nag-please pa, at mahal na mahal daw niya ako?
Si Jared! Baka si Jared iyong tumawag! Pero paano? Kanino niya nakuha number ko? Bakit pa? Para saan pa? Break na kami! 1 month ng wala kami! Bakit 'di pa siya nakalimot! Bakit hindi na lang niya pag-aralan ang pag Move-On! Bakit pa siya bumabalik! Naiinis na ako!
Pero, gusto ko siyang makita. Gustong-gusto.
Pero sobrang mahina na itong katawan ko. Pero! Pero! Pero! Ang daming Pero!
Jared's POV
Isang malapit na kaibigan ni Jade ang naging concern sa relasyon namin ni Jade. Siya si Janelle. Binigay niya ang number sa akin ni Jade at location ng ospital kung nasaan si Jade. Masayang-masaya ako dahil sa wakas! Magkikita na kami! At hindi ko hahayaang mawala pa siya sa akin! Pagkakuha ko ng number ni Jade, agad ko siyang tinawagan. Nasa bandang Cebu ako at tagaBaguio si Jade. Malayo-layong paglalakbay din iyon. Pero sa kanya ako humuhugot ng lakas ng loob para matupad lahat ng pangarap at plano namin ng magkasama.
Buti na lang at mabait ang mga nakatatandang kapatid ko at binigyan nila ako ng pamasahe at suporatado nila ang plano ko. Mas lalo akong nagpursige.
Dalawang araw na akong nagbibiyahe. Pero siyempre, hindi ako nagbibiyahe kapag alam kong aabutan ako ng dilim sa paghihintay ng masasakyan kaya naghahanap ako ng mauupahan.
Sa pangalawang araw ko, mukhang makakasundo ko ung nagpapa-upa. 'Di ko alam pero, nasabi ko ang sitwasyon ko sa kanya. At pagkakataon nga naman, mag babakasyon ang pamilya nila sa Baguio. Tamang-tama rin na doon na-confine si Jade. Natanong sa akin ng land lady kung sakaling gusto kong makisabay sa kanila dahil, may sarili silang sasakyan papuntang baguio, at sa kanila na lang daw ako mamasahe. Masaya akong pumayag sa offer niya. Kung ang pagkakataon namang talaga ay umayon sayo oh!
Excited na ako. Nagtagal ako ng 1 week sa boarding house at dumating na rin ang araw na pagpunta namin ng Baguio. Hindi ko ma-explain ang saya na nararamdaman ko dahil ilang oras na lang ay makikita ko na ang babaeng makakasama ko habangbuhay. Ang nag-iisang babaeng pinakasalan ko sa FB at pakakasalan ko sa harap ng dambana ng Diyos.
Jade's POV
Habang dumadaan ang mga araw, mas lalo akong nanghihina. Hindi na ako nakakatayo mag-isa. Hindi na makakain mag-isa. Hirap ng gumalaw mag-isa. Nagkakaroon ako ng malalaking pasa sa hita at kamay. Habang naghihirap ako, naghihirap din ang mga magulang ko. Nakikita at nararamdaman ko un. Ayoko na silang pahirapan pa lalo. Awang-awa na ako sa kanila at sa sarili ko. Ayoko ng tignan ang sarili ko sa salamin. Ayoko ng ayusin ang sarili ko. Wala ng pag-asa. Suko na ako. Pagod na pagod na ako. Ayoko na. Gusto ko ng mag-pahinga.
Jared's POV
Nagising ako ng biglang paZigzag na ang sasakyan namin, hudyat na nasa Benguet na kami. Tanghali na ngunit makapal pa rin ang fog. Nag-uumapaw ang puso ko sa saya. Minuto na lang ang bibilangin makikita ko na ang "BUHAY KO"..
Driver: Jared, hijo, narito na tayo sa Baguio Medical Center.
Nang marinig ko iyon, gusto kong lumundag! Gusto kong sumigaw at magtatakbo sa saya!
Nangmakabayad na ako ng pamasahe, agad akong tumakbo papasok sa ospital at agad na nagtanong sa Nurse.
Me: Nurse, matanong lang sana. Anong room po ni Jade Landingin Valzaro?
Nurse: Nasa room, 143 po sir.
Tumakbo ako ng sobrang bilis pagkarinig ko kung saang room si Jade. Excited na ako eh! Pake niyo ba ha?
Room 139
Room 140
Room 141
Room 142
Room 143.........
Huminga ako ng malalim. Heto na 'yun.
Hinawakan ko ang door knob ng room.
Inikot ko, at binukasan.
Isang nakatalikod na babaeng nakaputi ang nakita ko, at nag-aayos ng higaan. Wala siyang kasama.
Sa sobrang saya ko, agad ko siyang niyakap. Pero, bigla akong sinuntok ng babae. Pag kaharap niya sa akin....
"Sir! Huwag niyo po akong yakapin!"
Nagulat ako. Nurse pala. Agad kong tinanong kung nasaan na ung pasyenteng nagroom dito.
Nurse: Sir, ikinalulungkot ko po, ngunit, ............
Me: NGUNIT ANO!!! SABIHIN MO!! ANOOOOO!!!!
Hindi ko napigilang hindi sigawan ang nurse. Ayaw ko nang mga ganitong nangyayari!
Nurse: Sir, nasa morgue na po.
Nasa morgue..
Nasa morgue..
Nasa morgue..
Pagkarinig ko ng mga bagay na 'yon, para akong matutumba anumang oras.
Nanginginig ang tuhod ko.
Nanghina ang buong katawan ko.
Wala na akong naririnig. Hanggang unti-unti nang nagdilim na ang paligid ko.
**** THE END ****
BINABASA MO ANG
The Virtual Couple
Short StoryAlam niyo ba 'yung feeling na ipinangak kang tamad? 'Yung ubod ng katamaran ba? I guess, makakasundo mo si Jade Valzaro. Isang anak na laging pinapagalitan ng ina dahil sa katamarang taglay niya na naninirahan sa kanyang katawan. Wahaha! Pero dumati...
