Chapter 1

639 85 16
                                    

Chapter 1

"Ano ba naman 'yan anak! Bago ka naman sana umalis ng bahay, baka pwede namang ikaw ang mag-hugas ng plato! Magwalis-walis ka naman ng bahay bago ka maglakwatsa! Dalaga ka na anak! Magbago ka naman!"

Kung 'yang mga linyang 'yan ang lagi mong maririnig tuwing umaga na ginawa ng Diyos sa buhay mo, matutuwa ka pa kaya?

Iyan ang naging dahilan ko kung bakit madalas na akong naiiwan sa bahay, walang pinupuntahan, hindi sumasama sa gimik ng barkada at higit sa lahat, ang dahilan kung bakit ako naging active sa mga Social Networking Sites.

I'm Jade Valzaro, 16 years old, nagagandahan sa sarili, 5'3 ang height at medyo maputi, mabarkada, lakwatsera, walang pakialam sa pamilya. 'Yan ako dati pero nagsimulang magbago ang lahat.

(habang kumakain)..

"Anak, pagkatapos mong kumain, maghugas ka ng plato, magwalis ka na rin sa loob ng bahay. Isama mo na ring diligan ang mga halaman natin sa labas. Si Buksit, (alagang pusa) pakainin mo na rin. Kung may time ka, baka kaya mo namang maglaba ng mga damit natin para di na ako maglaba sa Sabado"...

"Tignan mo nga naman oh. Kung su-swertehin ka, talagang uutusan ka." Bulong ko na lang sa sarili.

"Opo ma!" sagot ko.

Pagkatapos sabihin ni mama lahat ng gagawin ko, umalis na siya. May mina-manage kasi siyang negosyo namin. Kaya heto, nganga ako sa bahay. Patingin-tingin sa paligid at ewan ko ba! Nagawa ko lahat ng trabaho eh. It was like a MIRACLE!

Kakaiba ang mood ko ngayon. Iba ata ang ihip ng hanging nalanghap ko kaya natapos ko lahat ng iniutos sa akin. Naisipan kong manuod ng TV habang nag-papahinga. Pag ka-open ko, patalastas ng globe 'yong bumungad sa akin. Sabi, may free FB daw! Edi ako itong si na-excite, dali kong in-open ang account ko at

FB...

FB...

Scroll...

Scroll...

Boriiiiiiiiiinngggg..

Nai-like ko na lahat ng mga status ng mga friend ko, nakapag-comment na din lahat-lahat. Wala na akong maisip gawin. Kaya nag-search ako ng different groups sa FB at sinalihan ko. Well, ginawa ko lang 'yon para may mapaglibangan lang. May isa akong nakitang group sa FB na kumuha ng pansin ko. Ang group name, "Relate Ka Dito."

Eh syempre, feeling ko sa group ay talagang makaka-relate ako kaya agad akong sumali baka maka-meet ako ng mga kapareho kong tamad! Edi magkakaroon pa ako ng "Circle of Lazy Friends".

Habang tumatagal ang panahon, napapamahal na ako sa grupo. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan na talaga namang masasayang kausap.

Sa pagka-busy ko sa grupo, sa sobrang enjoy ko sa pakikisalamuha sa iba through internet, winawalang-bahala ko ang madalas na pagkakaroon ko ng lagnat. Nagkakaroon ako ng pasa ng walang dahilan. Madalas ko ring hinahabol ang hininga ko, although, hindi naman ako napapagod dahil nasa loob na lang ako parati ng bahay at gumagawa ng mga gawaing bahay.

Para sa akin, wala lang 'yun. Pakiramdam ko kasi, 'di ko lang talaga nararamdaman or sadyang wala lang akong pake.

Hanggang sa naging admin ako ng grupong Relate Ka Dito. Maraming nag-send ng kanya-kanyang friend request sa akin, at lahat naman ng iyon ay ina-accept ko. Well, hindi naman ako snobber o kung sino mang famous eh.

------

Hi!

Biglang nag-pop up ang message box ko kaya't agad kong tinignan ang pangalan sa facebook.

(Ahh. So, Jared is the name, bulong ko sa sarili ko.) "Hello din po!" reply ko.

"Salamat sa pag-accept ng friend request ko ha!" agad niyang reply.

"Naku! Wala po iyon! Hindi kasi ako snobber 'di tulad nang iba."

"Ang ganda mo"

(Wow! Ayos ng topic niya. Beauty ko pa ang pinansin ng loko. Nice!)

"Nakooow! Kuya! Wala akong perang pansuhol sayo kaya umayos ka. Hahaha!"

"Haha. Ayaw maniwala eh. Totoo nga ang sinasabi ko. Maganda ka talaga."

(Tsk. Duma-da-moves. Naglipana na talaga ang mga nag-ga-galawang breezy.)

"Actually, matagal ko na po talagang alam 'yan, kuya! Don't state the obvious."

"Oo na. Sorry na agad. Ilang taon mo na nga pala ganda?"

(Sabi na nga ba. Kampon ni Breezy 'to.) "16 pa lang po."

"19 ako. Alam mo, ang sarap titigan nang profile picture mo ganda."

(Ugh. Ano bang pinagsasabi nitong nilalang na'to?! Kairita. Kung bakit ko ba sinabing hindi ako snobber kasi hindi ako famous. Nebeyern!)

"Koya nemen eh, Kailangan talagang ganda ang itawag sa akin? Jade na lang po okay?"

(After 3 minutes, pinalitan ko ang profile picture ko ng pusa.)

Kung ang ibang babae, feel na feel talaga kapag sinasabihan ng maganda, ibahin niyo ako. Aside, from they are actually stating the obvious, ang totoo ay everytime na may nagsasabing maganda ako, sobra akong nasasaktan. Bakit? Later explanation. Nag-chat pa si kuya eh.

"Ayy. Bakit mo naman pinalitan ang profile picture mo." (insert pa-sad emoticon)

"Yuck! Emote kuya?"

"Eh nagsasabi lang naman ako ng totoo, tapos pinalitan mo iyong profile picture mo."

"Eeew! Send mo sa MMK iyang ka-dramahan mo kuya."

"Bakit ba ang galing mong mambara?"

"Well, hindi ko na kasalanan iyon. It's in the genes. Haha!"

Natatawa talaga ako habang kausap 'tong Jared. Maliban sa tuwang-tuwa ako sa panti-trip ko sa kanya, medyo nakalimutan ko na rin 'yong mga reasons bakit ako naging taong-bahay. Bakit pa nga ba ako lalabas ng bahay kung enjoy na ako sa mga newly found friends ko sa other side of the world, 'di ba?

The Virtual CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon