Chapter 9

253 61 8
                                    

Jared’s POV

Pilit ko siyang mine-message pero lagi niya akong siniSeenZone. Paulit-ulit ko siyang sinasabihan na kung may nagawa man akong kasalanan, humihingi ako ng kapatawaran.

Sobrang napamahal na sa akin si Jade at nai-pangako ko na rin sa sarili ko na siya na ang una at huling babae na mamahalin ko. Kaya ngayon, kahit pilit siyang nakikipaghiwalay sa akin, patuloy ko pa rin siyang iniintindi. Wala pa ring nagbabago sa pagmamahal ko sa kanya.

Hanggang dumating na at lumipas ang isang linggo, dalawang linggo, tatlong linggo, apat na linggo, at Isang Buwan pero kahit kaunting pagpaparamdam lang sana mula sa kanya, ay wala! Lagi-lagi akong nag-iiwan ng message sa kanya pero hindi niya binabasa.

May nararamdaman akong mali. Parang may nagyayari sa kanyang hindi maganda. Ayaw niyang sabihin sa akin dahil siguro, ayaw niya akong pag-alalahanin. Pero sana, hindi totoo itong nararamdaman ko. Sana, hindi totoo! Sana! Please lang!

Jade’s POV

Gusto kong mainis siya sa akin! Gusto kong kamuhian niya ako! Gusto kong magalit siya sa akin para mawala na 'yung feelings niya sa akin. Kahit anong pilit pa namin, wala na. Hanggang dito na lang talaga siguro ang love story namin. Magalit kayo sa akin pero, alam niyo na ba ang side ko? Gusto ko lang naman na tapusin na ang relasyon namin. Kasi habang tumatagal, alam kong mas lalong sasakit at mas mahirap tanggapin pag sinabi ko ang totoo sa kanya. May sakit ako. Malala. Mahirap tanggapin. Binigyan na ako ng taning ng doktor.

August 15, 20**, naghahanda ako at nag iisip ng mga pwedeng gawin kinabukasan para sa 1st anniversary namin ni Jared. Gumawa ako ng letter at ipapadala ko na lang sa LBC kinabukasan. Nagplano na rin ako ng kung anong pwedeng lutuin at ihanda para sa sarili ko. Nagpuyat ako para doon. Gusto kong maging memorable ang 1st anniversary namin. Nang matapos ko na lahat, bigla akong nahilo at tuloy-tuloy na nagsusuka. Pakiramdam ko, parang pati mga intestine ko ay mailalabas ko na din. Nanlambot ang buong katawan ko at napahiga ako sa sahig. Pagkagising ko na lang, may nakita akong nakaputi.

“Angels na ba itong nakikita ko?”

.

.

.

.

“Check lang namin ung BP mo ma'am.”

Inayos ko yung kaliwang kamay ko para makuha na ang BP ko. Nakita ko ang sarili ko sa salamin. Sobrang putla. Ang bibig ko, parang uminom ng sampung gallon ng suka! Pagkatingin ko sa damit ko, napalitan na. Isang blue hospital dress. Pag tingin ko sa gilid, nakita kong nakaUpo ang mama ko. Umiiyak. Kasama ang tita ko.

Bakit sila umiiyak? Anong meron? Nahilo lang ako kaya napasuka. Hindi pa naman ako mamatay ah! Bakit nila ako iniiyakan? Ahh! Alam ko na. Malamang, malaki ang babayaran na hospital bills.

Me:Mama, bakit po kayo umiiyak?

Mama: Anak, binigyan ka na ng taning ng doctor. Malala na yang kondisyon mo dahil hindi naagapan. Anak! Bakit mo nilihim sa akin ung nararamdaman mo? Bakit!!! Anak kayanin mo! Kayanin mo  Please lang, Para sa akin anak. Wag mo akong iiwan.

Me: Mama, anong wag kang iiwan? Anong kayanin? Hindi kita naiintindihan mama.

Mama: Anak, may leukemia ka. Ang sabi ng doctor, 2 months na lang ang natitira sa buhay mo.

Seryoso? 2 Months? Saan nakuha yun ng doctor? Nagwoworry si mama. Ayoko siyang nakikitang ganyan. Ayokong nakikitang umiiyak siya ng dahil sa akin.

Leukemia.

Leukemia.

Nang unang sabihin sa akin ni mama, wala lang sa akin, pero habang tumatagal, nanginginig ako. Bigla kong naisip ung mga taong maiiwan ko. Si Mama, Si papa, si Jared.

1st anniversary namin pero ganito? May titindi pa ba sa regalong natanggap ko ngayong 1st anniversary namin?

Hindi ko siya mabati. Hirap ang katawan ko sa pag galaw. Sobrang hina. Dinagdagan pa ng sinabi ni mama na Taning? Gosh!

Can I Call This, The Best Gift Ever?

Hindi ko maiwasang magtanong. Ano bang ginawa kong kasalanan para parusahan ako ng ganito? Karma nga ba ito? Sa dinami-dami ng taong walang pakinabang sa mundo, ako pa talaga? AKO PA TALAGA!!! AKO PA!!!!

Biglang pumasok ung nurse at sinabing kailangan daw ay iUndergo na ako ng chemotherapy. At first, tinitignan ko kung anong ginagawa nila pero, sadyang mahina ako. Mas lalo akong kinakabahan kapag iniisip ko.

Naisip ko si Jared. Paano siya? Paano ko pagkakasyahin ang nalalabing 2 buwan namin? Alam kong marami siyang plano para sa aming dalawa at ganun din ako pero alam kong, malabo ng mangyari. Paano? Hindi ko kayang sabihin.

 ANG HIRAP!!!   ANG SAKIT ! ! !

Buong linggo ko ung iniisip. Pero nagEnd sa break Up. Yun na lang ang nakikita kong solusyon. Alam kong habang tumatagal ang bawat panahon na umaasa siya, mas lalo pa siyang nasasaktan. Kaya mas maganda ng makipagHiwalay ako at para na, hindi na rin niya matanong ang patungkol sa akin.

Naging araw-araw ang session ko sa chemo, kaya mas lalong humihina ang katawan ko.

Natapos ang 1 month, at ganun pa rin ang kalagayan ko.

Natapos ang 2 months, at ang sinabi ng doctor na taning ay wala!

Pinagpatuloy ko ang pagcheChemo, at meron pang radiation therapy. Nalalagas na ang buhok ko. Eto na ung pinaka Ayaw ko sa lahat. Kapag nakikita ko ung mukha ko sa salamin, parang dinudurog at binabasag ang uso ko.

***Hirap na hirap na ako.    Gusto ko ng lumimot.   Gusto ko ng magpahinga. ***

November 15 ngayon. Bukas ang eksaktong pag 3 months mula noong 1st year anniversary namin. Miss na miss ko na si Jared. Gusto ko na siyang makaUsap! Gusto ko na siyang makasama! Pero hanggang imagination na lang lahat ng ito.

Ano bang dapat kong gawin? Susundin ko ba ang sinasabi ng puso ko na nagpapadala sa emosyon ko? O ang isip ko na mas alam kung ano ang tama at mas nakakabuti sa karamihan? Ano? Itutuloy pa ba namin itong relasyon na to? O tapusin na itong lahat ng kalokohan ko?

Before the day ends, nakapag decide na ako.

Ang BREAK-Up.

November 16, 20**, pagkagising ko, nagOpen ako ng facebook ko. Agad akong nag message kay Jared.

Me: SUPER MISS NA MISS KITAAAAAA!!!!!!!!!! KUMUSTA KA NA!!!!!!!

Erase.

Erase.

Erase.

Take two, totoo na ito. NakaOnline siya kaya alam kong magrereply agad siya sa akin.

Me: Sorry. Pero kailangan na nating magBreak.

.

.

. ang tagal niyang nagreply. Pakiramdam ko, sobrang apektado siya. Pero ayoko siyang paiyakin. Ayokong nalalaman na may mga taong umiiyak ng dahil sa akin. Ayoko.

Hanggang sa biglang nag pop mung message box ko.

Jared: Mahal naman eh. Wag ka namang magBiro ng ganyan oh! Alam mo bang sobrang tagal ko na hinintay na magmessage ka ulit. Araw-araw at oras-oras kong binabantayan itong FB kung nakapagmessage ka na tapos gaganyanin mo ako? Ano bang nangyari sayo? Bakit bigla ka na lang nawala? iExplain mo lang Mahal, maiintindihan ko ;) Di ako magagalit  ;) Mahal Kita eh.

Habang binabasa ko ung message niya, parang madudurog puso ko! Gusto kong bawiin ung mga sinabi ko. Pero ano? Papaasahin ko nanaman siya? Unti-unti kong binubuo ang emotion ko para ituloy ang break-up.

Me: Kailangan na nating magBreak at seryoso ako dun.

At nagLog-out na ako.

The Virtual CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon