Jared’s POV
August 16, 20** nang sinagot niya ako.
1 year na pala kami. Ang bilis ng panahon.
Kahapon ang first anniversary namin ng pinakamamahal kong babae sa balat ng lupa. Ang babaeng pinaka-unang nagpatibok ng puso ko. Ang pinakaUna at huling babae na mamahalin ko. Si Jade Landingin Valzaro lang yun. Wala ng iba. Pero, 'di pa niya ako binabati ng happy 1st Anniversary, pero siguro may importante lang siyang kailangang gawin. Kung ako ang tatanungin, ayoko sana ng ganitong relasyon na super long distance. 'Di ko kasi sya maalagaan or mapuntahan man lang sa bahay nila. Pero ayos lang. Darating naman ako sa time na 'yun na magkakasama na kami.
3 months later…………
Wala pa rin akong balita kay Jade. Sobra-sobra na akong nag-aalala. Ganito pala ang mahirap sa long distance relationship. Wala kang alam sa nangyayari. *sigh* Ano na bang nangyayari sa mahal ko? Bakit biglaan na lang siyang hindi nag-reply? O kahit magpaalam man lang na hindi siya makakapagFB ng mahabang panahon? Kahit isang ligaw lang na message niya ay wala. Pero hindi ako mawawalan ng pag-asa. NagOpen ako ng account ko sa FB at may nakita ako na nagmessage sa akin.
…
…
Si Jade!
Si Jade Nga!
Siya ang nagMessage sa akin! Masayang-masaya ako! Sa wakas! Makakausap ko na ulit ang mahal ko! Yeah! Excited akong basahin 'yung message niya sa akin. Siguradong punong-puno iyon ng I Love You at Muah!
.
,
.
,
.
,
.
,
.
,
Jade: Sorry. Pero kailangan na nating magBreak.
WHAAAAAATTT!!!!!! Out of the blue, bigla siyang magsasabi ng ganyang mga salita! Ni 'di man lang ako kinamusta. WOW! She might be kidding me! So, I replied her.
Me: Wifey naman eh. 'Wag ka namang magBiro ng ganyan oh! Alam mo bang sobrang tagal ko na hinintay na magmessage ka ulit. Araw-araw at oras-oras kong binabantayan itong FB kung nakapagmessage ka na tapos gaganyanin mo ako? Ano bang nangyari sayo? Bakit bigla ka na lang nawala? i-Explain mo lang Mahal, maiintindihan ko. 'Di ako magagalit. Mahal kita eh.
Jade: Kailangan na nating magBreak at seryoso ako doon.
My Goodness! Maybe she’s really out of her mind! Or pwede rin na may nangtiTrip sa account niya! Hindi ako naniniwalang siya 'yung nag Message sa akin! Ayokong maniwala! Ayoko! Alam kong mahal niya ako at hindi niya kayang makipagBreak sa akin! No way! No!

BINABASA MO ANG
The Virtual Couple
Short StoryAlam niyo ba 'yung feeling na ipinangak kang tamad? 'Yung ubod ng katamaran ba? I guess, makakasundo mo si Jade Valzaro. Isang anak na laging pinapagalitan ng ina dahil sa katamarang taglay niya na naninirahan sa kanyang katawan. Wahaha! Pero dumati...