Chapter 3

824 30 10
                                    

Chapter 3


Mikee❤️

"Why did you stop?"

Wala na akong nagawa ng hilahin ako nito papasok sa bahay. Kinakabahan parin ako. Paano kung galit si Tita Margarette? Si Steven?

Paano kung magkagulo tapos malaman pa ni Spencer na may alam kung bakit sya nagkaroon ng amnesia tapos hindi ko sinabi?

Nakayuko ako habang papasok na kami sa living room.

"Oh, Spencer kumain muna kayo ng tanghalian."

That's tita Margarette, simula ng umalis ako ay di ko na ito nakausap. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nya na nandito na ako.

"Where's Steven? Akala ko kailangan na namin pumunta sa school nya?"

Nakita kong papalapit si Tita sa peripheral vision ko.

"Kuya, it's just a prank!" Biglang sulpot ni Steven.

"Steven, alam mong may trabaho ako na kailangan tapusin diba?"

"No worries, in fact, natapos na namin ni Daphne yung mga papers." Pagsabat ko.

"Shit!" Gulat na reaksyon ni Steven. Nakita ko ring nagulat si Tita Margarette pero nakabawi ito at pinagsabihan si Steven.

"What's the problem? Para kayong nakakita ng multo!"

'This is it' basa ko sa mukha ni Daphne at Dustin na nasa gilid lang.

"Ate Mikeeeeee!" Agad na tumakbo si Steven papunta sa akin at niyakap ako.

Nagkatitigan kami ni Spencer. I can only give him a nervous smile. Kunot noo nyang tinignan ang nanay nya.

"Can you please tell me what's happening?"

Ng walang sumagot ay bumaling sya sakin. "I'm part of your past and I'm one of those people you forgot."

"And you did not tell me?"

"Dahil ayoko nang maalala mo lahat ng nagawa ko!" I burst out. Pinipigilan ko umiyak. Pupuntahan sana ako ni Daph pero pinigilan sya ni Dustin at inilabas.

"Ate Mikee, it's not your fault! I know!" Tingnan ko lang si Steven. Hindi na ako makapag isip ng tama.

"Spencer!" Sigaw ni Tita Margarette.

Nakita ko nalang na nakahiga na si Spencer, hawak ang kanyang ulo at sumisigaw sa sakit.

*****

Nandito kami ngayon sa ospital, nagperform ng different operations ang mga doktor kung may existing problems pa ba sa utak ni Spencer.

"Ate Mikee, kapag di na naalala ni Kuya na mahal ka nya liligawan kita ha?"

Napangiti nalang ako. Ang laki na nya ngayon. He's already a High School student.

"Hoy! Kumag ka! Aagawan mo pa ng lovelife yung kuya mo!" Sabat naman ni... Jexie?

"Tsk! Shut up Jexie! Pati ba naman dito tinatarayan mo ako?"

Umirap naman ito at dumila,"Kawawa! Si Shasper may jowa na, si Ate Mikee meron na rin, kailan ka kaya magugustuhan ng gusto mo?"

Napatawa naman ako. Maganda sana ang batang ito pero mataray.

"Aba! Eh kung sinasakal kita baka magustuhan mo!"

Napailing nalang ako. Tumayo ako at pumusok sa loob ng kwarto kung nasaan si Spencer. Nadatnan ko doon si Tita Margarette na nagbabalat ng mansanas. Gising na pala si Spencer.

Mr. Androgynous 2 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon