Chapter 6
Spencer❤️
Hindi matanggal ang kunot ng noo ko ngayon, at ang mas nakakainis pa ay di mapansin ni Mikee na naiinis ako sa presensya ni Samonte.
"Chips?" alok ni Samonte kay Mikee.
Kasalukuyan kaming nasa sasakyan papunta sa resort. Pinaggigitnaan namin si Mikee. Lintek na yan! Masyado kasi akong nagmadali dapat ako na ang gumitna.
"Thanks."
Sinenyasan ko si Dustin na nagdadrive. "Itigil mo dyan sa gasoline station."
Mabilis akong bumaba at hinawakan si Mikee. "Spencer?"
Hindi naman sya pumalag at sumunod lang.
Binitawan ko na sya pagkapasok namin ng CR. I stared at him with heavy breathing.
"Bakit wala kang reaksyon?"
Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko. "Kanina pa nagpapapansin yung isa, sinasakyan mo!"
"Aba't tinatawanan mo lang ako?"
Mas lalo akong nainis sa reaksyon nya. "Spencer, alam ko naman na nagseselos ka. Bakit di mo kasi ako binabakuran."
I sighed. "Ayaw kitang sakalin Mikee katulad ng dati. Baka kumawala ka na naman."
Natahimik sya sa sinabi ko, then he smiled at me. "Tara na, you can tell me what you want para di ka magselos. Ikaw na ang umupo sa gitna."
We went back in the car with interlocking fingers. "Wag ka na bumusangot dyan! Nawawala kagwapuhan mo."
Pagdating nga namin ay sa gitna na ako umupo. Bakit ba kasi sa amin pa nakisakay to? Engineer walang kotse? Agad din naman nakatulog si Mikee ng tumuloy kami sa pagbyahe.
*****
Mikee❤️
"Mikee..."
"Mikee... we're here..."
Ayaw ko pa sana magmulat pero may naramdaman akong basa sa labi ko. May hininga pang tumatama sakin.
Pagmulat ko ay nasa harap ko na si Spencer at magkadikit nga ang labi namin.
"Hmmphh!"
Naitulak ko sya ng bigla, pero inalalayan ko rin dahil nahulog sya sa upuan ng kotse.
"Sorry, ikaw naman kasi!"
Napakamot nalang sya sa batok.
"Okay lang, tara na!"
Palabas na kami ng kotse ng maramdaman kong napakapit ng mahigpit sa braso ko si Spencer.
"Argh.."
Ng makita ko sya ay hawak hawak nya ang ulo nya. "Bakit?"
I cupped his face. Kita sa mukha nya ang sakit.
"Aaaaaaaahhh! Ang sakit Mikee!"
I panicked. Di ko alam ang gagawin. Niyakap ko nalang sya kahit nagwawala na sya sa sakit ng ulo. Nasasaktan ako pero tiniis ko hanggang sa kumalma sya.
"Anong nangyari? Bakit sumisigaw si Spencer?"
Tinignan ko si Daph na kararating lang. Walang malay si Spencer. Tinulungan ako ni Dustin na alalayan si Spencer papasok sa isang cabin ng resort.
BINABASA MO ANG
Mr. Androgynous 2 (BL)
HumorMikee and Spencer's story continuation and the beginning of another love story.