Chapter 4
Mikee❤️
Nakatingin lang ako sa labas habang papunta kami sa kung saan. As you can see, we are having a date 'daw'!
Habang nasa byahe ay nakatingin lamang ako sa labas, paunti unti ay nagiging pamilyar ang daan. Teka?
Lumingon ako kay Spencer at nakita itong nakangiti. "Canion Colleges?"
"Teka? Bakit dito?" Nakangiti lang sya hanggang nakapagpark kami.
"Let's go."
Kahit nawi-weirduhan ako e sumunod nalang ako. Naapektuhan ata ang utak nya, nabaliw na ganun! Kawawa naman.
"Fountain?" Naupo sya sa bench malapit sa fountain.
"Naalala mo ba? Dito kayo nakapwesto ni Steven noong una kitang makilala."
Natigilan ako, naaalala nya nga lahat. "Yes, manyak ka nong time na yon."
He smiled, "Napagkamalan pa kitang babae non."
Umupo ako sa tabi nya. "Na-love at first sight ka sakin non no?"
Natawa ako sa sinabi ko. Conceited much.
Tiningnan ko sya ng wala akong nakuhang reaksyon. He looked back and that's when I realized how I miss him.
"Siguro nga, naalala ko kung paano ko tanungin si Steven kung anong pangalan mo at kung paano ka nya nakilala." I blushed. Still the same Spencer, walang preno.
"Mikee..." He holds my hand.
Nagkaroon ako ng mini heart attack ng hawakan nya ang kamay ko. F*ck! Alam nyo yung feeling na parang may part sa katawan mong gusto mong sabunutan pero di mo malaman kung saan?
"I want to start again with you."
*****
"AAAAAAAHHHHH! BAKLA KAAAAA!"
Napatakip ako sa tenga sa lakas ng tili ni Daphne.
"Bunganga mo bakla! Nasa kabilang kwarto lang yung dalawa!" Pagsaway ko dito.
Kasalukuyan kaming nanonood ng BL series at nakwento ko yung nangyari kanina sa fountain.
"So? Anong sinagot mo?"
"Hmm, secret!"
"Bakla ka may pasecret secret ka pa! Siguro nagjugjugan kayo sa kotse no? Aminiiiin!" sabay tulak pa sakin.
"Gaga! Di ako masyadong hayok tulad mo ano! Tsaka kilala mo si Spencer ingat na yun!"
"Anong meron? Bakit ka sumisigaw Babe?" Pumasok si Dustin kasunod si Spencer. Napatutok tuloy ako sa TV.
"Wala naman babe, may nagkwento lang sakin ng nangyari sa fountain."
P*ta!
Nahampas ko bigla si Daphne, nakakahiya!
"Bakla ka! Ang ingay mo!"
Tiningnan ko naman kung anong ekspresyon ni Spencer, nakangiti lang to habang nainom ng canned beer.
Gabi na at he insisted na dito na ako magstay muna. Ayoko rin naman sa bahay, tsaka na ako uuwi kapag nandoon na si Kuya.
"Mikee, kamusta pala naging buhay mo dun sa France?" Tanong sakin ni Dustin.
BINABASA MO ANG
Mr. Androgynous 2 (BL)
HumorMikee and Spencer's story continuation and the beginning of another love story.