THEN
"Uyy Chey bumaba ka na dun sa lobby at mag-settle ng worship absences mo para makapag-file ka na nang gatepass for weekend!" Sabi ni Naomi. (Pronounced as NOWMI)
"Ay oo nga pala ate Nao. Thanks for reminding me." I smiled at her and left our room.
Dito sa school namin ay maraming dormitories. May pambabae at panlalaki. Mas marami ang women's dorm kasi mas maraming kalahi si eba. Marahil nagtataka kayo kung bakit ako nakadorm. Our school forces students to stay inside the campus because it is so much safer at malayo pa raw kami sa temptasyon. Pero duh, siyempre pera ang gusto nila no. Mahal kaya ang dorm dito pati yung load pa sa cafeteria. Dahil hindi naman kami mayaman, dun ako sa pinakamurang dormitory.
Pababa na ako nang lobby. Our dorm is a two-storey building. My room is at the end of hallway 4 na nasa ikalawang palapag. The floor is marble and the color of the paint used in this dorm is pink.
Nakita kong maraming occupants ang nagkumpulan sa monitor's desk kung saan ka magse-settle ng worship absences mo. Dito sa school namin ay obligado kaming dumalo sa worship to promote Christ-like image. Kaso may isa akong absent dahil nga sa busy ako sa paggawang requirements ko.
Lumapit na ako sa desk. I said, "Ate Mai, pwede magsettle ng worship absence?"
"Oo naman Madrigal, pili ka nalang nang gusto mong gawin. Maglilinis ng CR sa hallway 3 at 4, o kahit ano sa mga worship participants?" Tanong nito sa akin.
Ayokong maglinis ng CR especially sa hallway 3 and 4. Eww to infinity and beyond. Ayoko nang idescribe, baka masuka pa kayo. Isipin niyo nalang kapag ang gumagamit ng banyo ay burara, ganoon kasaklap ng mga banyo dito sa dorm.
"Ah ano nalang, pwede special number?" Tanong ko.
"Oo sige. Sige ito na yng Icard mo, isulat mo na diyan kung kelan ka aalis at babalik, saan ka pupunta." Sabi nito sabay abot ng worship settlement slip at yung iCard ko.
"Salamat ate Mai." I smiled as I started writing.
"Miss, excuse me, is Dianna Rivera here?" Sabi ng isang boses na nakaka-in love.
I looked at my right and I saw this handsome guy. He's tall, lean, tanned and he's wearing a sunglass. But dang, totoo siguro ang sinasabi nilang 'love at first sight.'
"Sino po sila?" Tanong ng monitor na si ate Mai.
"Pakisabi po Adrian Gonzales." Sabi naman ng huli.
Teka, did he just say Dianna Rivera? Bakit hinahanap ng gwapong lalaking ito si Ate Dianna? Kaano-ano niya si ate Dianna?
Bumalik na si ate Mai galing hallway 2 at nagsalita, "Adrian wala dito si Rivera. Nag-day leave pala siya kanina pa mga 12 noon."
"Ah ganun ba? Sige salamat nalang." Sabi nung nagngangalang Adrian at umalis na sa lobby ng dorm namin.
Sa loob-loob ko, ano ang koneksyon ni Ate Dianna doon sa gwapong nilalang? Ngayon nalang ako nakakita ng gwapo dito sa campus.
Nang matapos na akong magsettle at magfile for weekend para makakuha ng gatepass para payagan akong makalabas ng campus sa friday dahil may trabaho ako. Working student ika nga. Nagpunta ako doon sa room ng dati kong roommate si Ate Angelica.
"Ate Angge, hello? Are you here?" Sabi ko when I opened the door.
"Oh Chey, bakit may kailangan ka ba?" Tanong nito habang may ginagawa sa laptop niya.
"Ahh wala naman. Busy ka ba?" Tanong ko.
"Hindi naman. Nagfefacebook lang ako." Sabi nito at ngumiti.
"Tanong ko lang, may naghahanap kasi kay Ate Dianna kanina. Adrian Gonzales ata yung pangalan. Narinig ko lang doon sa lobby."
"Ahh yun ba? Bagong boyfriend ni Dianna." Sabi nito.
"What? Eh anong nangyari dun sa boyfriend niyang si Lance? I remember nung birthday mo, ang sweet-sweet pa nila. Bakit may bago na siyang boyfriend agad?" Gulat na tanong ko.
"Ganun talaga. Magulo kasi yung lalaki eh. Kaya nakipaghiwalay siya." Kibit-balikat nalang na sabi nito habang busy sa laptop niya.
"Ahh ganoon ba. Sige alis na ako, may klase pa ako mamaya eh." Paaalam ko at umalis na.
Sabi na malandi talaga yung babaeng yun eh. Tsk. Masyadong makati ang keps niya. Sa isip ko lang sinabi.
Lumipas ang ilang linggo at hindi ko na nakita yung Adrian. But I really like him. Sana magkita pa ulit kami.
****
Short update. Sowreh.
Ok. Ang magiging style ng story na ito ay Now(present time) and then (past) alternately. Like nung prologue, kasalukuyang pangyayari. Ngayon itong chapter 1 (nakaraan). So hindi ko alam kung hanggang ilang chapter itong ganitong system. Basta pag nagtagpo na ang present time sa past. Basta ayun. K. Bye.
BINABASA MO ANG
His Rebound
RomanceSa ngalan ng PAG-IBIG, are you willing to be HIS REBOUND? ***** Si Cheyenne Madrigal ay isang simpleng babae, may 5 talampakan ang taas, maputi ang balat at pag natatamaan ng araw ay mamula-mula ang kanyang kutis. She's in her 3rd year in college, t...