May napanaginipan akong story. It's about zombies. Gusto ko tuloy isulat. Pero mukhang madugo hahahaha. Saka na siguro pag natapos ko nang isulat itong tatlong kwentong ito. Sana di mawala sa isip ko yung plot.
****
NOW
"Bespren, wake up!" Sabi ni Adrian habang niyuyugyog si Cheyenne.
"Antok pa ako. Five minutes okay." Sagot naman ni Chey.
"Huy Bespren, do you wanna build a snowman?"
Natawa si Cheyenne sa narinig niya. "Ano ka si Anna? Bespren naman eh, antok pa ako. Di mo ba alam kung anong hirap ang dinanas ko at pagod ang natamo ko kagabi, maiuwi lang kita dito? Please let me sleep. Tinatamad na akong pumasok. Ngayon lang ako aabsent, please?" Pagmamakaawa ni Chey habang nakapikit pa rin.
Biglang naramdaman ni Chey na tila lumutang siya sa ere. Idinilat niya ang mga mata niya at nakitang binuhat siya ni Adrian papuntang kwarto.
"O-oy bakit mo ako binubuhat? Saan mo ako dadalhin? Anong gagawin mo sa akin? Koya wag po! Bata pa po ako." Paghihisterya ni Chey.
Inilapag ni Adrian si Chey sa kama. "Sira ka talaga. Dito ka na matulog at alam ko namang masakit na ang katawan mo sa pagtulog mo dun sa sofa. Sleep tight." Pagkasabi nito ay iniwan na ni Adrian si Chey sa kwarto.
Akala ko pa naman may mangyayari na sa amin. Bulong ni Chey sa sarili. Huy asa-ness lang?
Golay, paano pa ako makakatulog kung kinikilig ako??? I decided na tumayo na at lumabas ng kwarto.
"Bespren, saan ka?" Sabi ko habang hinahanap ko siya
Hindi ko siya makita sa sala, so I went to the kitchen.
Nakita ko siyang umiinom ng alak. "Adrian ano ba ang aga-aga para diyan." Awat ko sa kanya.
"Hayaan mo na ako. This is the only way para makalimutan ko ang sakit." Sabay tungga sa beer in can niya.
"You know that's absurd. Kahit lasing ka siya pa rin ang bukambibig mo." Sabi ko. At masakit sa akin ang makita kang nasasaktan. Gusto ko sanang idagdag.
"Chey, please help me. Tulungan mo akong maibalik si Dianna sa akin." He begged.
"Ano naman ang mapapala ko pag tinulungan kita?" Tanong ko
"Siyempre happiness. Matutulungan mo ako na maging masaya. At makakalibre ka ng expenses kasi dito ka na titira sa akin pati food mo ako na ang bahala. At saka hatid sundo na kita sa school." Sabi niya.
"Talaga? Gaano naman katagal?" Grabe alukin ba naman ako ng ganyan, eh libre yan, makakatanggi ba ako?
"Hanggang maka-graduate tayo. O ano deal?"
BINABASA MO ANG
His Rebound
RomanceSa ngalan ng PAG-IBIG, are you willing to be HIS REBOUND? ***** Si Cheyenne Madrigal ay isang simpleng babae, may 5 talampakan ang taas, maputi ang balat at pag natatamaan ng araw ay mamula-mula ang kanyang kutis. She's in her 3rd year in college, t...