NOW
"What?! Pumayag ka sa inalok niya sa'yo? Are you that desperate?" Tanong ni Danielle sa akin. Naikwento ko na kay Danielle ang lahat minus the Cr part. At eto na nga reaksyon niya. "Oo friend. Desperada na ako." Sagot ko naman sa kanya.
"Saan ka ba desperada, sa pera o sa atensyon at pagmamahal niya?" Tanong niya. "Masama bang umasa na mamahalin niya rin ako in the long run?" Tanong ko naman.
"Oo naman friend! Hindi mo naman actually kailangan ng pera niya eh, bigyan nalang kita ng trabaho, dun ka na rin tumira sa condo ko. At saka mahal kita na parang kapatid ko na, at ayaw na ayaw kong may mahalaga sa akin na nasasaktan! Wag ka ngang tanga!" Singhal ni Danielle sa akin.
"Daniela kailangan talagang sigawan mo pa ako? At saka ouch ha! Tinawag mo akong tanga! Thank you for that." I said sarcastically.
"Tanga ka naman talaga. Hindi ba siya ang opposite ng lalaking pinangarap mong magiging first boyfriend mo? He's a chain smoker, an alcoholic guy and he even asked you to try weeds before too! Tapos ngayon, pinatos mo ang alok niya sayo by thinking na baka mainlove sayo yang gagong yan in the long run? That's bullshit!" Galit na sabi nito.
"I know he's everything that you have just said, but what should I do? Hindi naman natin matururuan ito kung sino ang pwedeng mahalin." Sabi ko while pointing at my heart.
"Harujusko! Kaya ayoko yang pag-ibig pag-ibig na yan eh. Nakakatanga. Sayang, matalino ka pa naman, sa pag-ibig lang TANGA." Sabi niya.
"Nakakatatlo ka na ha? Direct to the point talaga, walang kuskos balungos." Sabi ko. "Ano pa't naging kaibigan mo ako kung kukunsinitihin ko yang katangahan mo? Utang na loob Chey, gumising ka nga sa katotohanan! Wag kang parang pulubi na kuntento na sa kapiranggot na atensyon na ibinibigay niya sayo. Marami pa namang lalaki diyan, bakit ka nagtitiyagang maulanan ngpagmamahal niya?" Sabi niya ulit.
Tuluyan na akong naiyak. Ayoko rin naman nang ganito. Lumaki akong ulilang lubos, kaya I deserve to be loved...wholeheartedly. Pero makulit tong puso na ito eh, wrong love at the wrong person at the wrong time. Sana may utak din ang puso no?
"Chey, I didn't mean to make you cry. Ayoko lang na masaktan ka, kaya tinutulungan kitang makita ang mga bagay na dapat mong makita. Pero mahal kita bilang kapatid at kaibigan, kaya kung masaya ka diyan...I'll support you. Basta friend, pag masakit na pwede mag-let it goo let it gooo can't hold it back anymore...." biglang kanta niya ng kanta sa Frozen. Natawa tuloy ako, kasi diba ang seryoso ng aura biglang me ganun?
"Yan di ba napatawa kita? Cliché man gaya ng sabi nila, pero I'll be here with you. That's what friends are for. Payakap nga!" Sabi ni Daniela ulit at niyakap ako.
"Salamat ha? Maswerte ako at may kaibigan akong katulad mo." I hugged back. "Oh tama na ang kadramahan, lafang na tayo. Kakagutom magbigay ng advice eh wala pa nga akong experience sa ganyan eh." Sabi niya habang nakakunyapit sa braso ko at nagsimula na kaming maglakad.
"Eh saan mo ba nakuha yang mga punchline mo?"tanong ko. "Eh kanino pa, edi kay Papa Jack! Yung true love conversation. Pero favorite part ko yung Wild confessions. Yung may chukchakan, lugawan, escabeche, sarciado yun ganun." Kinikilig na sabi niya.
"Ano yun puro pagkain? Umandar na naman ang katakawan mo." Sita ko sa kanya. "Hay nako, ang hirap talaga pag inosente ka pa. Try mo makinig, 12am 90.7 sa fm. Sa phone mo merong fm radio diyan." Sabi niya ulit.
"Hay ewan ko sayo. Bahala ka nga diyan. Dudumihan mo pa utak ko. Oh ano ba oorderin mo?" Sabi ko dahil nandito na kami sa canteen. Umorder na kami nang kanya-kanyang pagkain at naghanap ng mauupuan. Nakahanap kami ng bakanteng lamesa sa may corner. Mahaba-habang chikahan na naman to.
BINABASA MO ANG
His Rebound
RomanceSa ngalan ng PAG-IBIG, are you willing to be HIS REBOUND? ***** Si Cheyenne Madrigal ay isang simpleng babae, may 5 talampakan ang taas, maputi ang balat at pag natatamaan ng araw ay mamula-mula ang kanyang kutis. She's in her 3rd year in college, t...