Chapter 3

64 4 0
                                    

THEN

"Ate Jenna labas tayo dali. Gusto komag mang-inasal." Yakag ko sa roommate ko.

"Tara! Gutom rin ako kasi ako eh. Yayain natin si Angge." Sabi ni Jenna

"Sige puntahan ko lang siya doon sa room niya tapos magfile ka na ng dayleave sa lobby. I-file mo na rin ako."

"Wala ka bang worship absences?" Tanong nio

"Wala. Kaya go, punta na ako sa room nila." Sabi ko at naglakad na papuntang room 311

Nagtungo ako sa kwarto kung saan nananatili ang dati naming roommate na si Ate Angge. Mula sa second floor, bumaba ako papuntang 1st floor hallway 2.

"Tao po!" I said while knocking. "Pasok!" Sagot nang nasa loob ng room 311.

"Ate Angge, gusto mo kain tayo inasal?" Tanong ko. Napansin kong nandoon si Ate Dianna. "Hi ate Dianna!" Ngiti ko sa kanya.

"Uhhh.....sige." sabi ni Angge sabay tingin sa bestfriend niyang si Dianna. "Dianna gusto mong sumama?" Tanong nito sa huli.

"Sige, tutal wala naman akong gagawin eh. Pwede ba natin isama yung boyfriend ko, may kotse yun at least makakalibre pamasahe na kayo di ba?" Sabi ni Dianna

"Sige sabihan ko si Ate Jenna kasi kasama in siya." Sabi ko at lumabas na ng kwarto nila.

Nakilala ko si Ate Dianna through at Jenna. Magkabatchmate sila dati pero si Ate Dianna ay may back major subject ata kaya naiwan siya ng original batch niya. Sila ay two years older than me so kung 1st year college ako, sila ay 3rd year na. Pero dahil nga naiwan si Ate Dianna ng batch niya, eh second year pa rin siya.

Palaging napunta noon si Ate Dianna sa kwarto namin upang bisitahin si Ate Jenna noong magkakasama pa kami sa isang kwarto nina ate Jenna at ate Angge. Ngunit mas naging malapit ito kay ate Angge dahil na rin siguro pareho sila ng mga hilig, medyo easy go lucky, unlike kay ate Jenna na masipag mag-aral. Pero matalino si Ate Dianna ha. Kahit di yan nag-aaral, nakaka-top siya sa exam. Napabayaan niya lang siguro yung pag-aaral niya dahil sa banda niya. Isa kasi siyang vocalist ng isang banda.

Nagtungo na ako sa kwarto ko sa taas upang makapagpalit ng damit. Black fitting top na long sleeves at maong shorts na hindi super short ang suot ko. Simple lang naman ako manamit, dahil na rin siguro hindi kami mayaman.

Bumaba na ako at nakita kong nag-aabang sina ate Jenna, ate Angge at ate Dianna. Lumapit ako kay ate Jenna at nagsabing, "Ate Jenna, nasa iyo na ba yung gatepass natin?"

"Oo. Tara na napakabagal mo talaga, you're such a DV." Sabi ni Ate Jenna sa akin.

"Kill yourself. Bleh!" Sabi ko at I stick my tongue out.

"Ano guys ready na kayo? Nasa labas na ang boyfriend ko at naghihintay." Sabi ni ate Dianna.

Omg. Makikita ko na naman si Poging may bedroom voice. Naexcite ako ng sobra.

Lumabas na kami ng dorm at nagsimulang maglakad patungong parking lot.

"Bakit kasama pa yang Dianna na yan? Alam mo namang imbiyerna ako diyan eh." Bulong sa akin no Ate Jenna. "Psst! Hinaan mo nga, baka marinig ka. Hayaan mo na at least libre tayo sa pamasahe diba?" Sabi ko.

"Hayyst. Naku kung masama lang talaga ugali ko kanina ko pa yan inaway eh." Sabi niya.

Nasa unahan namin si Ate Dianna at Ate Angge. Lumapit si Ate Dianna sa isang asul na sasakyan. May isang lalaking lumabas mula rito na naka-v neck na tshirt na hapit sa katawan nito, naka-maong na pantalon ito at nakasuot ng shades. Sheet of paper, gwapo talaga eh. Swerte ni ate Dianna at may pumatol sa kanya na ganito kagwapo. Hindi sa panlalait, pero hindi naman kagandahan si ate Dianna. Sus nilait mo na. Maliit lang siya mga 4'11'' siguro, morena, mukhang tao. Insekyora lang? Bakit nagsasabi lang ako ng katotohanan. Maganda lang daw talaga ang boses niya though di ko pa naririnig. Insecure ka teh kasi siya ang pinatulan nung gwapong koya hindi ikaw! Bulong ng konsensya ko.

His ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon