CHAPTER 43 -a trio date!

554 16 8
                                    

ANNE'S POV

dahil maaga ako magoout ngayon. issurpirse ko si Janelle sa store nila! yey! matagal narin ata since the last time I went there. nakakakamiss na din. parang dati lang lagi akong nagpupunta dun.

"oh Anne, after mo maglunch mag-out ka na. puyat ka pa ata oh. baka mahiwa mo na naman kamay mo at akalain mong Okra. hahaha." sabi nang manager namin. aba. haha. busy kasi kagabi sa restaurant, mag-oout na sana ako nang dumami ang tao. so halos magstraight shift na ko. from oening to closing. eh ang layo pa nang uuwian ko, mga 2 hours na byahe. at ang aga ko pa today.. 8am. so yun nga, pampalubag luob, maaga ako pinagoout ngayon! yey. pabor na pabor naman ako. :)

"haha. opo ma'am. pinapalayas mo na naman ako pero if I know mamimiss mo na naman ako. haha." hahaha. pang-aasar ko. totoo naman no! maingay man, mamimiss din. haha

"ano ka. akala mo lang no! buti nga nang mabawas bawasan naman ang maiingay sa kusina! nabubulabog ang mga guests eh. haha." loko loko tong manager ko. inaasar na naman ako. if I know kapag wala ako dito, ang tahimik nang buhay nila no!

"haha ma'am naman eh! sige po, stuff ko nalang po yung squid then out na po ako." sabi ko naman. makapagpalayas wagas. :) pero sempre gustong gusto ko rin naman un. sana laging ganito! hahah.

"alam kong may date ka eh. ikaw pa! gustong gusto mo rin naman." namula naman ako sa sinabi nitong manager namin. natahimik tuloy ako. pasipleng kilig lang naman. hahah

"uyyy namula siya. totoo nga! hahahah. ikaw ha!" sige asar pa. ako na naman napagtripan nito.

"hoy Anne di ka nagkkwento ah! kaya pala blooming ka nitong mga panahon na to eh. kaya pala hindi ka na nababalikan ng pagkain na malaat oh walang lasa kasi inspired ka na. hahahhaha" pangg-aasar pa nang isa kong katrabaho. isa ka pa!! che!! pulang pula na talaga ako sa mga pang-aasar nila. hmp.

"che! ako na naman inaasar niyo! hahahah." at tuloy tuloy parin sila sa pang-aasar at sa pangungulit na magkwento ako. che! ayoko nga! mamaya agawin pa nila si JanJan sakin no. no way! :P

I remembered JanJan texted me this morning.

ALL ABOUT BAKING, ALL ABOUT YOU.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon