GEUMJAE'S P.O.V
A/N: Just imagine that it was written in korean 😁 except the conversation between Geumjae and Jehnsie.
Naghahanda na ko para sa magiging date namin ilang buwan nadin ng ipa background check ko siya.
Minsan nga natatakot na ko sa sarili ko nagiging stalker na ko.
Naka tingin ako sa salamin habang nag iisip.
Magugustuhan kaya niya ko eh 6 years na siyang nakabuntot kay Yoongi.
Bakit ba kasi lahat ng magugustuhan ko nagkakagusto sa kaniya.
Malaki parin naman ang pag asa ko dahil sa dami dami ng babaing nagpapapansin sa kaniya ni isa wala pa siyang magugustuhan.
Saan ko kaya siya dadalhin alam ko na magtatanong ako kay Namjoon. Nakakahiya mang mag tanong sa mas bata sakin mas may experience naman siya kaysa sakin.
Naging mag Kaibigan kami dahil nga sa ka grupo siya ng nakababata kong kapatid.
Me: Hey bro sa tingin mo saan kaya magandang makipag date? Yung gustong puntahan ng mga highschool girls?
Namjoon: Bakit bro makikipag date ka ba? Sa amusement park or pwede rin kayong manood ng horror movies.
Me: Thanks bro! Maasahan ka talaga!
Habang naghahanda ako may narinig akong kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Sino yan? Pasok bukas yan"
"Ahm bro aalis ka ba? Bihis na bihis ka ata ah"
"Oo makikipag date ako"
"Ahm kung isa nanaman yan sa mga-"
Di niya na natuloy ang sasabihin niya ng tinitigan ko siya ng masama.
"Kung ano? Kung isa siya sa mga fan mo tigilan ko na tong ginagawa ko habang maaga dahil ginagamit niya lang ako para makalapit siya sayo ganon ba?" tanong ko sa kaniya na para bang isang malaking biro ang sinabi niya.
"Pinaalalahanan lang kita bro-"
"Na baka maulit yung nangyari? Alam mo kung hindi ka lang sana naging sikat hindi nila ko makikilala bilang kapatid mo lang. Masiyado ka kasing bida bida gusto mo lahat ng atensiyon nasa sayo!! " pasigaw kong sabi.
Nag init ang ulo niya at sinigawan niya rin ako.
"BAKIT SA TINGIN MO GUSTO KO LAHAT NG ATENSIYON NA BINIBIGAY NILA. GUSTO KO LANG NA MAY HUMANGA SA TALENTO KO. ALAM MO HINDI KASI AKO TALUNANG TULAD MO NA WALANG GINAWA KUNDI ANG KAINGITAN AKO!!!"
"Ako naiingit sayo ulitin mo nga yang sinabi mo! "
"Ang sabi ko isa kang malaking talunan na naiinggit sa mga narating ko sa buhay"
Pagsabi niya nun nagdilim ang paningi ko kaya nasuntok ko siya. Nag away kami na mabilis ding inawat ni mama at papa.
"Geumjae ano ba sa tingin mong gnagawa mo minsan na nga lang umuwi ang kapatid mo nag aaway pa kayo! " ang sigaw ni mama.
"Tapos ngayon ako nanaman ang may kasalanan? Ganun ba? "
"Ikaw ang mas nakakatanda kaya dapat ikaw ang umunawa kung si Yoongi man ang nag upisa ng gulo!" ang sigaw ni papa.
"Ano bang aasahan ko sa pamilyang to? Dahil ba nakapag bibigay ng milyong milyong pera si Yoongi. MAMA, PAPA ANAK NIYO RIN AKO KAHIT ISANG BESES ISIPIN NIYO RIN AKO!!! "

BINABASA MO ANG
My Bias! (Min Yoongi)
FanfictionBeing gay is not a sin. Pero pano nalang kung isa kang taong tinitingala ng lahat. "Ano bang nagawa kong masama sayo bakit ba lagi ka nalang nagagalit skin?" pasigaw na sabi ni Jehnsie kay Yoongi habang umiiyak. "Tinatanong mo pa. Gusto mo ba sabi...