One

660 21 8
                                    

Choi Beomgyu

Sept. 12 2016

"Beom!"

Abala ako sa pag aayos ng mga bagahe ko habang nasa tapat ng tenga ko ang cellphone. Kanina pa nag-aagawan ang mga siraulo kong kaibigan.

"Choi Beomgyu! Buong buo na ba ang desisyon mo? Huy!" Yeonjunnie hyung asked

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa paulit ulit nyang tanong. "Oo nga hyung!" Kumunot na ang noo ko. Please just let me..stay away just for awhile. Humigop ako ng hangin bago muling itinapat ang cellphome sa tenga ko.

"Gyu.." Walang emosyon na tawag sakin ni Soobin hyung..

"Gyu, paano naman iyong babae? Mananapak talaga iyon." Aniya.

Out of the blue umangat ang gilid ng labi ko. I'm imagining things again and again. Naiimagine ko kung gaano lalaki ang ilong nya habang kinikwelyuhan isa isa ang mga kaibigan ko. Even without her mere presence she can still manage to make me smile.

Napawi ang ngiti ko at kinisap ko ang talukap ng mga mata ko. Wala akong maisagot sa maikling tanong ni Soobin hyung.

"Babalik rin naman ako, hyung." Rason ko.

"Bakit ba kasi urgent masyado?" Tanong ni Taehyun.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit napakabilis ko magdesisyon na umalis ng 'pansamantala'. Basta gusto ko munang magpahangin..

"Sige na..papunta na akong airport..paalam." agad kong binaba ang tawag.

Kinuha ko na ang maleta ko. Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko at akmang isasara na ang pinto ng nahagip ng mata ko ang picture frame naming dalawa ng siga kong bestfriend.

Kinuha ko ang picture frame.

It was a cute school picture. Ang ganda nya dito. Nakasuot ng skirt at school blouse tapos ako nakaschool uniform rin ng hanlim. May nakasulat rin sa ilalim ng frame. Partners in crime.

I smiled bitterly. I hope I could be also that beloved partner forever.

Pinunit ko ang picture. Sapat na para kunin ang sarili kong kuha at itago ang parte nya sa bulsa ko.

Sinarado ko na ang pinto. Nagpasundo na ako sa driver namin papuntang airport. Ilang minuto na lang flight ko na papuntang korea. Sure na hindi na makakaabot pa ang mga kaibigan kong ngayong umaga ko lang din sinabihang aalis ako ng bansa. Siguradong nagkukumahog pa iyon sa banyo.

Hindi nagtagal nakarating na ako sa airport. Kukunin ko na sana ang passport ko ng biglang nagring ang cellphone kong nakaconnect sa airpods ko kaya naman napangiwi ako bago ko sinagot ang tawag.

"Choi Beomgyu!" Isang desperadang sigaw ang una kong narinig na ikinagulat ko. Hindi ko man lang chineck kung sino ang tumawag. Nagulat na lang ako ng marinig ko ang boses ni Ryujin sa kabilang linya.

Rinig ko pa ang marahas nyang paghingal. I could imagine her furiously beautiful face back on my mind. Hindi man lang ako natakot sa galit nya. Napangiti pa ako ng malapad.

Too bad hindi nya ako magawang sapakin ngayon..

"Mahimbing akong natutulog sa pinakamamahal kong kama tapos bigla na lang akong gigising sa tawag ng putangina mong mga kaibigan na aalis ka daw ng bansa?!" Inilayo ko muna ang airpods ko dahil sa sakit ng tenga ko.

"Look...sorry ryu-"

"I don't need that fucking sorry choi beomgyu! Ang kailangan ko ay ikaw dito sa harapan ko! Bumalik ka dito! You fucking deserve a spank you idiot!" I chuckled. Hingal na hingal pa sya dahil sa mga pinagsasabi nya.

"Pagkatapos mo kong-" pinutol ko na ang sasabihin nya. Alam ko na iyon kaya naman sobrang naguilty ako. "I have to go"

"Wha-"

"baby ryu." Bigla syang natahimik.

"I'm sorry..." I took a deep breath

"What the fuck beom-"

"Please wait for me...I'll be back." Hindi na sya makapagsalita dahil sa kadramahan ko.

"I love you, Ryu...goodbye." pinutol ko na ang tawag.

Nang papasok na sana ako sa eroplano nilingon ko muli ang araw na nagbabadyang magpakita na ngayong umaga.

Alam ko ngayon na nakatitig rin sya sa papasikat na araw. I remember how she cutely adores the sunrise.

The last sunrise we'll witness together with my beloved cute little angel.

I promised that after I sort my feelings. I will quickly..with no doubts, come back to her. But as for now. I will leave her so she could also find the right feeling.

September 12, 2016...I left the Philippines and also left the old feeling. Carrying a photograph I will always treasure forever.

Photograph ( Beomgyu X Ryujin )✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon