Nine

151 18 7
                                    


Choi Beomgyu




"Beomgyu tama na iyan." Inilayo na sakin nila Soobin hyung ang soju na kanina ko pa tinitira.





Nagdabog ako ng inagaw nila iyon sakin. Umiinon pa iyong tao! Ang babastos naman!



"Hindi ko akalaing lasinggero ka rin pala." Napahilot sa sentido si Yeonjun hyung. He dyed his hair. Ampangit niya. Buti pa ako ang gwapo ko pag blonde. Kaso pinaitim ko rin muna ang buhok ko kasi kawawa anit ko.



"Hoy! Ihahatid ka na naming kulangot ka." Pinatayo na ako ni Soobin hyung at Taehyun pero pinilit long umupo.



"Hyung naman eh!" Pagngangawa ko.



Sinapak ako ng mahina ni Yeonjun hyung. "Iuuwi ka na namin o tatawag kami kay ryujin?"



Narinig ko na naman pangalan niya. Kumirot na naman puso ko. "Geh uwi na tayo." Ngumuso ako at tumayo. Umiling iling lang si Kai habang pinipigilan niya tawa niya. Gusto ko siyang sapakin bilang hyung niya. Kanina pa iyan natatawa sa sitwasyon ko. gago talaga.





Binaba nila ako sa kantp ng subdivision namin. Rason nila? Takot sila kay pag nalaman ni papa na nilasing nila ako.





Kaya ko pa namang maglakad. Medyo pilay nga lang. While I'm on my way to our house I saw a familiar silhouette. Naningkit ang mata ko upang kumpirmahin kung sino iyon.


"Ryu." Tumigil ako sa harap niya. Nasisinagan na kami ng maliit na poste ng ilaw.




"Hi." I waved. Lasing na talaga ako dahil mukha akong tanga.




Seryoso pa rin ang tingin niya sakin. "Beomgyu, mag usap tayo."




Hindi ko alam kung kaya ko ulit siyang kausapin. Pagkatapos nung palpak kong confession noong nakaraang linggo.

._._._.

"I meant it. Mahal kita Ryu."


Hindi ko mabasa ang iniisip niya. But my heart was broken into pieces when she started to tear up.

Hindi siya nagsalita. Tila pinoproseso pa rin ang mga salitang kumalas sa bibig ko. "Ryu, matagal na."

The heavy atmosphere faded when her phone rang. The beautiful yet tearing moment was interrupted.

Sumilip ako sa cellphone nya.

Bumagsak ang lahat ng mga expectation ko. My stomach churned. Nabasag ang pag asa ko.


Hyunjinnie calling...


Nangangatal na sinagot niya iyon at pati na rin ang buong katawan ko nangatal. "H-hello."


"Babe."



"Jinnie."



I pursed my lips. Pinahid niya kaagad ang mga luha niya. Kalmado akong nakatulala sa kanya ngunit sa kaloob looban ko namumulot na ako ng bubog ng puso kong basag na.

Wala na akong balak na pakinggan ang usapan nila. I felt so mad to myself. Sana hindi ko na lang iyon sinabi.

Bakit hindi niya sinabi sakin? Nagmukha akong tangang umasa. Sana sinabi niya para naman kahit papaano hindi ko napahiya ang sarili ko.

Kung may iba na siya okay lang din naman sana sakin. Kaya kong tumingin lang.


"Beom." Sinundan niya ako. Pinatay niya na ang tawag. Lumingon ako sa kanya ng may nangingilid na luha. "Sorry." She whispered.

Pinakamasakit na sagot sa lahat.

I love her

But she apologized


"Okay lang. Ryu." Parang tanga akong tumawa. "Hindi mo naman kailangang magsorry."


"Kasalanan ko namang nagkagusto ako sayo."

"Beom."


"Nawala ako na parang bula. Bakit pa ba ako umasa na pwede pa rin ako para sayo?" I laughed bitterly.

"Beom-" hindi ko siya pinatapos.

Hinarap ko siya. "Kung hindi ba ako umalis, Ryu." Napalunok ako. "Pipiliin mo ba ako?"


Natulala lang siya sakin. Hindi siya makapagsalita. My heart clenched terribly.

Alam ko na iyon. Hindi sa lahat ng panahon ang katahimikan ay oo. Silence can sometimes indicate a rejection.


Alam kong may gusto na siya sa lalaking iyon dati pa. Hindi niya napapansin ang tahimik naming kompetisyon dati para lang makuha siya. Umalis ako para ayusin ang magulo kong nararamdaman. Pagbalik ko natagumpayan na pala siyang kunin ng iba.

Parang nabingi ako sa mundo. Namanhid na rin. Hindi ko na namalayang umalis na pala siya ng bahay. Umalis siyang magulo ang sitwasyon namin.

Ilang linggo akong hindi nagparamdam sa kanya. Ilang linggo na rin siyang hindi nagpaparamdam sakin. I want to give myself a space. And space for her too.


Pero natawa lang ako sa inisip ko. Ni hindi niya nga ako kailangan. May jinnie na iyon. Akala ko dehado ako pagbalik ko, iyon pala talo na pala talaga.

Kinuha ko ang susi ni Papa at ginamit ang sasakyan niya sa pagtakbo ko. I drove my way out of the subdivision. Iisa lang ang nasa isip ko na puntahan ngayon.


Hindi ko na kayang kimkimin. I'm desperately seeking for a shoulder to cry on. Kahit parang ang bakla pakinggan. Ako lang yata ang nag iisang lalaking napakaiyakin dito sa mundo.

I placed my forehead onto the oak door. Ilang beses akong kumatok. Pagbukas ng pinto tumayo ako ng maayos at sinalubong ng ngiti ang nagbukas para sakin.

"Beomgyu."


"Hyung."

Photograph ( Beomgyu X Ryujin )✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon