Seven

189 19 13
                                    

Choi Beomgyu

"Hanggang saan po ba ang puputilin ma'am?" Tanong ng baklang maggugupit ng buhok ni ryu.

"Hanggang dito." Tinuro niya kung hanggang saan niya gusto ang puputulin. Mas magiging maiksi na ang buhok nya keaa doon sa dati niyang shoulder length.

"Ay! Brokenhearted kayo ma'am?" Tanong ng bakla. Parang nagring iyong tenga ko ng marinig ko ang tanong nung bakla. Bigla akong naging interesado sa usapan nila.

"Hindi naman ibig sabihin na magpapaiksi ako ng buhok brokenhearted agad noh? Paano pag suicidal? Kalbo ganon?"

I chuckled silently. Hindi pa rin nawawala ang pilosopang pakikipag usap ni ryujin.

Nakaupo lamang ako sa sofa dito sa salon habang nakatingin sa kay ryu sa pamamagitan ng salamin.

Hindi pa rin ako mapakali dahilan nung kanina. Is that a  sign of rejection?

Ano pa ba ang inaasahan ko? That after four damn years, she'll accept my confession with open arms? Kahit hindi pa ako umaamin parang irereject niya pa rin ako.

Pero hindi naman siya siguro manhid diba? Napapansin niya naman siguro na mahal ko siya pag alis ko pa lang. Ang by the way. Nasa kanya pa ba iyong picture?

"Ma'am bongga! Mas lalo po kayong gumanda!" Napaangat ako ng tingin. Her eyes were looking at me through the mirror.

She looks so beautiful as always. Kahit may babae pang mas gaganda sa kanya. Siya pa rin ang pipiliin ko. Her face is enough, her beauty is for me, A beauty that I would love to stare at everyday.

Tumikhim ang bakla kaya naman nabuwag ang titigan naming dalawa na hindi ko namalayang tumagal na pala. "Baka iba na ngayon ang ibig sabihin ng haircut na 'to maam!" Humagikhik ang bakla habang nakatingin sakin.

"Kainggit kayo sir, sana all!" Nag init ang pisngi at tenga ko. Shit ang bakla mo gyu!

"Kaibigan lang po kami." Pahayag ni ryujin na nagpabigat ng pakiramdam ko.

Yeah right...friends.


"Ay sorry!"  Napatakip ng bibig ang bakla. "Sayang bagay pa naman kayo."

Ngumiti si Ryu, iyong ngiti na binigay niya sa akin kanina. Iyong ngiti niyang nagpapakaba sa akin. It was like that smile is a sign of an approaching rejection.

"Friends lang po talaga." Aniya saka siya tumayo. It hit me like a truck. It will always hit me like a truck and bruise me.

Nag insist akong ako na ang magbabayad. Natagalan kami dahil pilit na tumatanggi si ryujin pero inilahad ko na ang pera sa bakla para matapos na ang bangayan namin.



Hinila ko na siya palabas ng salon. "Anong oras na?" Walang gana kong tanong. Sinipat niya ang kanyang relo. "3:30 pm."


"Bakit parang wala ka sa mood?" Bigla niyang tanong. Umiling ako. "Wala, pagod lang ata ako." Pagdadahilan ko.


"Baka naman allergic ka sa mga bakla?" Hindi ko na siya sinagot at nagkibit balikat na lang ako kasi tinatamad na akong sagutin pa sya.


Napagdesisyunan na naming umuwi. Akala ko uuwi na siya sa apartment niya pero nag insist siyang doon siya sa bahay muna mananatili.

Syempre pumayag na ako, sino pa ba ako para tumanggi sa kanya? She will always win against me.

"Dalhin mo na ang pineapple juice dito." Aniya habang kumakain ng pizza na tinake out namin kanina. Nasa verandah silang dalawa ni Eunji habang nakaupo sa unan. May inilaan rin si ryujin na unan sa gitna nilang dalawa na para siguro sa akin.

"Beomgyu! Nauuhaw na ako!" Napailing ako habang papalapit sa verandah. "Oh ito na po mahal na prinsesa!" Pinantayan ko ang boses nya.

She chuckled while munching her pizza. Siniko niya ako pagkaupo ko pa lang.

"Oppa." Tawag sakin ni Eunji habang kumakain ng slice niya.

"Hmmm?"  Hindi ko siya nilingon dahil sinasalinan ko pa ng juice ang bawat baso namin.

"Bakit hindi mo jowain si Ryujin Unnie?"

Biglang nabulunan si Ryujin kaya naman nataranta ako. Binigay ko sa kanya ang isang baso ng juice. "Eunji, kaibigan lang kami ng Unnie mo ok." Beomgyu kalma lang. Kaya mo iyan

Ipinilig ni Eunji ang ulo niya habang nagtataka. "Ha? Bakit niyo po siya wallpape-" tinakpan ko ang bibig ni Eunji at alinlangan na ngumiti kay Ryujin na inosenteng nakatingin samin habang puno ng pizza ang bibig.

"A-ah! Inaantok na si Eunji. Geh hatid ko lang." Dali dali kong hinila si Eunji.

"Ha? Oppa 7pm pala--"

"Haha tamo inaantok ka na talaga, Tara!" Binuhat ko siya at tumakbo na ako palabas ng kwarto.

'Tong bibig talaga ng kapatid ko eh.

She will leave me...


She will leave me if she'll knew.

And I've decided to retrieve the friendship. Kahit friendship na lang okay na ako, kuntento na ako dun.

That'll hurt as hell.

Photograph ( Beomgyu X Ryujin )✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon