Choi Beomgyu
"Mag usap tayo." Ngayon ay mas ma awtoridad ang boses niya.
I snorted. "Nag usap na tayo diba?"
Lalagpasan ko sana siya bilang grand exit pero hinila niya ang braso ko kaya naman medyo nagpagewang gewang ako.
"Hoy gago lasing ka ba?" Her voice raised.
Lumapit siya. She cupped my cheeks. "Ba't ka maglasing ha?!" Halata bang lasing ako? Tipsy lang naman ako siguro. Mataas naman ang alcohol tolerance ko at prefossional drinker ako kahit hindi pa ako legal. Tumawa ako ng malakas.
"Putangina ryu." Pinahid ko ang luha kong tumulo dahil sa kakatawa.
"Tatanungin mo ko kung bakit ako naglasing?" Tatanungin niya ako? Bakit hindi ba obvious?
"Beom." He voice softened.
"Iyan ka na naman. Wala na na namang masabi." Ganyan naman siya palagi. Tongue tied. Nababaliw na ako.
"Beom makinig ka." Pinahid ng hinlalaki niya yung luha ko. Takte baliktad ata talaga ang role namin. Ako dapat iyong pumapahid ng luha niya eh.
"Ryu nakinig na ako. Okay na." Ang pait ng ngiti ko. "Hindi naman ako nanglilimos sayo ng pagmamahal." Malamig kong sabi.
"Beom." Mas lumambing na ang boses niya.
"Mahal rin kita." Tila nag echo iyon sa tenga ko hanggang sa buo kong sistema. Nagkaroon na sana ako ulit ng pag-asa kaso bigla kong naisip.
"Bilang kaibigan." I concluded. Tumawa ako ng mapakla. Tumango ako na para bang naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
She sighed. "Aalis ako."
Muli akong lumingon sa kanya. "Hindi ako gagaya sayong hindi na nagparamdam." Aalis siya. She'll pull my stunt.
"Aalis ako Gyu." Pag uulit niya. Pinahid niya ang pawis sa noo ko at marahang sinuklay pabalik ang aking buhok. "Pangako mo sakin na hihintayin mo 'ko."
I could see the sincerity in her eyes. "Please, Gyu hintayin mo ako." She plead. Bagay na hindi ko ginawa nung umalis ako.
"Kahit ako hindi kita nahintay." She bitterly laughed. I know. Hindi niya ako hinintay dahil ano ba ako sa kanya? She can freely date everyone. And she succeeded to date the guy of her dreams. "Babalikan kita." And that's not me.
"Hindi na kailangan, Ryu." It will never be me.
"Dapat kasi Ryu, jowa mo iyang sinasabihan mo niyan eh." Nangingilid na ang luha ko. Umangat ang tingin ko sa poste ng ilaw.
Bumuntong hininga siya. "Wala na kami." Bigla aking napatingin sa kanya. Dahil doon tumulo na ang luha ko ulit. "Hiniwalayan niya na ako." Umatras ako ng ilang beses.
"Bakit?" Hindi madaling pakawalan si Ryujin. Bakit ang dali lang kay hyunjin nun?
"Kasi alam ng lahat na ikaw mahal kong gago ka!" Namilog ang mata ko sa kanyang sinabi. Gabi na at nagulat ako sa pagsigaw niya. Hindi na ako magtataka kung may sisita sa aming kapitbahay ko.
Nakita ko kung paano tumulo ang mga malalaking butil ng mga luha niya. Humikbi siya ng malakas. It made my heart melt. I made her cry.
"Beomgyu, naman! Wag kang tumayo lang diyan!" Muli niyang sigaw.
"Ano gusto mong gawin ko?!" Natataranta na ako. Frustrated na rin at the same time.
"Halikan mo ko!" Nabigla ako sa kanyang sinabi.
Did she....
Nanatili lamang siyang nakatayo doon. Naghihintay ng request niya sa akin.
Humakbang ako ng dalawang beses para lumapit ulit sa kanya. Imbis na tuparin ang inutos niya sakin niyakap ko siya ng mahigpit. "Ssshh...sorry." I murmured.
"Kiss me." I pouted. Stubborn
Sige na. Tinupad ko na ang hiling niya.