RAINE'S POV
Ako si Sharaine "Raine" De Pedro. Simpleng tao lang taga probinsya. Matalino rin naman ako ngunit meron talagang mga bagay sa mundo na hindi ko maaaring makuha lalo na't wala kaming pera. Bata palang ako pangarap ko na maging isang Doktor balang araw ngunit gaya ng sabi ko kulang kami sa pinansyal na pangangailangan.
APRIL 12
Sabado ngayon, nong isang buwan pa natapos ang aming graduation at di ko talaga alam ngayon kung paano ako mag kokolehiyo nang naisipan kung tawagan si lola upang sabihin ang aking plano sa kanya alas sais palang naman ng umaga kaya siguradong wala pa syang maraming ginagawa."Hello lola! kamusta kana dyan?" tanong ko sa aking lola na nagtatrabaho sa maynila bilang mayordoma ng isang kilalang pamilya ang mga PANGILINAN. Mahigit dalawampung taon na rin ang pagsisilbi niya roon.
"Apo okay na okay lang ako dito, kayo jan? aba't magkokoliheyo kana pala sa pasukan ano? Nakapag-isip kana ba kung anong kurso ang iyong kukunin?" tanong ni lola.
"Iyon nga hu la ang tinawag ko sainyo, baka di na muna ako mag aaral sa susunod na pasukan magtatrabaho nalang ho muna ako. Kulang na kulang po talaga saming magkakapatid ang kita nila nanay at tatay kasi konti nalang ang nagpapalaba kay nanay ngayon kahit gustuhin nya man na damihan pang kanyang paglalabhan ay hindi niya na kaya, si tatay naman minsan nalang mag byahe ng habal habal kasi madalas syang sinusumpong ng kanyang hika" naluluha ako habahg sinasabi ko ito kay lola.
Isang napaka simpleng pamilya lang ang meron kami nagpapadala rin ng pera si lola kada buwan pero konti lang din kasi sa kanya parin umaasa ang tatlo niya pang mga anak.
"Nako ay sayang nga talaga apo. saan ka naman mag tatrabaho?" tanong niya ulit.
"Plano ko pong tanungin ho kayo baka pwde akong magsilbi rin dyan kina Maam Mary. Baka lang po" sagot ko.
"Aba't naalala ko nga apo ay naghahanap siya ulit na puwedeng maging school eh gumraduate na kasi sina Alice at Aya nong Marso."
"Talaga lola? Nako! Baka po pwde ako la. Paki tanong naman po. Mataas naman ang nga grado ko sa paaralan at willing po akong magtrabaho habang nag aaral upang makatulong narin sa pamilya"
"Sige tatanongin ko si Mary mamaya kung wala pa siyang nakita ay sasabihin kung ikaw nalang yun kunin"
"Salamat talaga lola!"
"Walang ano man apo. Titext nalang kita mamaya ha, gising na mga alaga ko kakain na ang nga iyon"
" Sige po la. Ingat kayo jan. Labyu po"
"Sige apo kayo rin."Binaba ko na ang telepono at kinausap si nanay tungkol rin sa usapan namin ni Lola pumayag naman sya at ganoon rin si tatay kasi alam din nilang para saakin rin ang aking gagawin.
Hapon na nung tinext ako ni lola na pumayag naman daw si Maam Mary at nais niyang lumuwas ako ng Maynila sa susunod na linggo upang maasikaso na ang aking mga kailangan sa paaralan na aking papasukan sa tulong ng kanilang pamilya. Dahil mas maaga mas mabuti at para narin maka umpisa na akong tumulong sa gawaing bahay doon sa kanila.
Kaya naman. April 21. Lunes.
Lumuwas na ako ng Maynila si Maam Mary rin ang nagbigay ng pamasahe saakin at sympre sa eroplano ako pinasakay para makarating ako ng maaga. At dahil unang sakay ko roon sumakit ulo ko habang lumilipad yung eroplano para akong masusuka pero buti nalang isang oras lang ang biyahe nakarating nako sa airport at tinawagan agad si Lola."Hello lola bumaba naako sa eroplano. Grabe sumakit ulo ko hilong hilo pa ako la." Sabi ko habang kinakausap si lola sa telepono.
"Ganyan talaga apo ganun rin ako nung una kung sakay sa eroplano. Nasaan kana ba?"
"Kukunin ko nalang yung bagahe ko la"
"Sige dito ako naghihintay sa labasan"
"Osige eto na po"
Pagkalabas ko ng airport nakita ko agad si Lola nakatayo sa harap ng isang itim na malaking van habang nakangiti. Niyakap ko agad sya at pinapasok nya na ako sa loob.
"Ah apo eto ang aking mga alaga si Hannah, Solana at Donny" pakilala ni lola sa kanila.
"Hi Ate? Or Raine lang? How will I call you ba? Hmmm. Anyway I'm Hannah. Its really nice to meet you talaga meron na akong makakausap ng matino sa house" sabi nya habang naka ngiti at nag ooffer ng handshake kaya tinggap ko naman iyon
"Hello maam. Raine nalang po."
"Omg!! Don't call me Maam mag ka edad lang naman tayo eh. Hannah nalang"
"Ahh sige po" magalang kung sagot.
"Hi I'm Solana. I'm the youngest of us all ate. Can we play ba when we got home na?" tanong sakin ng cutiepie na batang babae
"Ah sige po maglalaro tayo"
"Yess!! That's what I really like having more girls inside the house. Thanks ate" she smiled.At nung pa upo na ako naako isang malaking boses pa ang nag salita at paglingon ko. Akala ko milagro char. Gwapo yung lalaki. As in. Artista pala eto eh di kasi ako masyadong nanunuod ng palabas sa TV eh wala naman kaming TV. Kaya tinanong ko agad sya.
"Parang may kamukha kang artista sir"
"Who was it?"
"Di ko kilala eh pero nakita ko lang isang beses sa tv"
"Hmm. Don't you always watch TV ba sa inyo?"
"Di po eh wala kaming tv"
Tumawa siya na parang tanga at kinainis ko naman iyon kaya di nalang ako kumibo.
"Oh sorry I did not really mean to offend you but your are not mistaken. I am really a celeberity. I'm Donny Pangilinan"
Napa nga-nga ako ng bongga talaga kasi nga diba ang gwapo niya!!! Eto sya
Kakagaling lang pala nila ng gym at pupunta sila ngayon ng mall siguro para gumala o ano.
Dinaanan lang daw nila ako dahil kasama naman nila si Lola which is mayordoma nila and yaya rin ni solana kaya ayon.Ngumiti lang ako sa kanya pero medyo na iirita rin kasi naman. Tssk.
Siya ang driver ngayon dahil wala raw yung totoong driver di ko naman alam kung bakit. Basta nag drive na sya papuntang mall.---------------------------------------
AYUN FIRST CHAP!! Tumatanggap ako ng suggestions or kahit na ano guys charot!Yun nalang muna guys update ako siguro pag medyo maraming nagbabasa or I'll try to update one chapter everyday kahit walang nagbabasa. LOL.
YOU ARE READING
YOU ARE MORE THAN THAT (COMPLETED)
FanficYou maybe a very simple and innocent woman you still can't resist the charm of a Pangilinan. Would LOVE change their thoughts about being in a relationship with someone who doesn't have a good life with someone rich? Would they know that you are mor...